SIX YEARS LATER
"Wala ka pa bang nakukuhang yaya para sa apo ko, Daniel?" Ang mama ni Daniel na si Andrea De Marco ang nagtanong. Magkasabay silang nagdi-dinner sa isang restaurant sa Makati. Kasama sa dinner si Lian, ang apat na taong gulang niyang anak na lalaki.
Inalis ni Daniel ang tingin sa isang pares na kakapasok pa lang sa loob ng restaurant. Kilala niya ang lalaking umaalalay sa babaeng nakasuot ng simpleng t-shirt at lumang denim jeans na punit na ang bandang tuhod at hita. Iginigiya nito ang babae papunta sa pandalawahang lamesa malapit sa inuukopa nila.
Si Morgan Torrecampo. Asawa ito ng nag iisang tagapagmana ng isang malaking lending company sa Pilipinas.
Pero hindi si Morgan ang dahilan kung bakit natuon ang atensyon niya sa mga ito kanina kundi sa babaeng kasama nito. The small pretty face looked familiar, na para bang ilang minuto niya iyong natitigan dati. Kulot ang buhok nito at may kaputian. Maliit lang ang babae, slim ang katawan at siguro ay sinco lang ang height.
"Kung wala ka pang mahanap - "
"Ipinapaasikaso ko na kay Eli, 'Ma," ani Daniel nang makitang naghihintay ng sagot si Andrea.
"Bakit ba kasi hindi ka pa mag asawa, Daniel. Ilang buwan na lang bente nueve ka na, ilang tulog at gising na lang, matanda ka na tulad namin ng Papa mo. Kailangan mo nang babaeng makakatulong sa 'yo sa pag-aalaga at pagpapalaki sa apo ko. You're a good father pero iba pa rin ang kalinga ng isang Ina."
"Hindi madaling maghanap ng mapapangasawa sa panahon ngayon, Ma." sagot niya. Hindi na umalma sa huling sinabi ng Ina. He's twenty nine but he doesn't consider himself old at sinusubukan niya namang maging mabuting Ama kay Lian.
"Alam mo kung bakit nagiging mahirap sa 'yo? You're a bad judge of character." Prangka nitong sabi.
Amused na ngumiti si Daniel. "Kaya hindi mo magugustuhan kung sakaling si Paula ang yayain ko ng kasal?" he said, teasing her. Dati pa ay nagpaparamdam na ng disgusto ang Ina sa kanyang ex-girlfriend. At pagdating sa pagkilatis ng karakter ng isang tao, doon magaling si Andrea Borres - De Marco.
Nalukot ang magandang mukha ni Andrea. "Hindi ako makikialam kung sino ang babaeng gusto mong iharap sa altar, Daniel. Nasa tamang edad ka na para magdesisyon, pero kung si Paula ang napipisil mong pakasalan isipin mo ng ilang beses bago mo ituloy."
Umungot si Lian, gustong magpasama sa kanya sa restroom, akmang tatalima siya pero pinigilan siya ni Andrea. Nagpahid ito ng table napkin sa bibig at tumayo. Kinuha ang kamay ni Lian bago siya niyuko.
"Kung nahihirapan kang maghanap ng mapapangasawa, at least find my grandson a good Nanny. I don't know what you're going to do kung pagsasabay-sabayin mo ang trabaho at pagiging Ina at Ama sa apo ko. You already have a lot on your plate dahil sa bago mong negosyo."
Hindi siya nakakibo. Wala siyang nagawa kundi ihatid ning tingin ang maglola papunta sa restroom. Andrea wasn't just nagging him. May punto ito. Hindi niya alam kung paano hahatiin ang oras sa trabaho at sa anak. Nag uumpisa pa lang sa pag usbong ang DM Textile, marami pa iyong kailangang pagdaanan at kailangan pa niyon ng buong atensyon niya.
He'll make DM textile a success kagaya ng ibang negosyo ng kanilang angkan.
Namatay si Faith, ang Mama ni Lian matapos nitong iluwal sa mundo ang bata. Nagkaroon ng komplikasyon ang panganganak nito. She suffered from Eclampsia. Hindi sinasadya, napatingin siya sa lamesang inuukopa nina Morgan at ng babaeng pamilyar pero hindi niya matukoy kung saan niya unang nakita.
Kaswal na nag uusap ang dalawa bagaman mukhang hindi normal na magkakilala lang. Nakita niya ang paggagap ng lalaki sa kamay ng babae, ni hindi iyon sinaway ng huli bagkus ay ngumiti pa na tila nahihiya.
BINABASA MO ANG
Married to the Clever Queen
RomansaHindi akalain ni Abby na mabilis na masusulusyonan ang problema nya sa pera nang matanggap sya bilang yaya ng anak ni Daniel De Marco. Isang umaga kasi ay nagising syang tanging kumot lang ang suot habang katabi sa kama ang gwapo, macho pero nuknuka...