"Hindi ako makapaniwalang ginagawa mo 'to sa akin, Daniel!" Bungad ni Paula pagkapasok na pagkapasok nito sa opisina niya. "Pinaglalaruan mo lang ba talaga ako?!"
Nagtiim ang mga bagang ni Daniel sa pagkakatitig sa babaeng nagmamartasa palapit sa kanya. Pagkatapos, balewalang itinuloy niya ang paghubad sa suot na coat. Isinabit iyon sa coat rack malapit sa kanyang desk.
Pinaulanan siya nito ng labing anim na missed calls buong araw. Nagdesisyon siyang i-off ang cellphone nang mag umpisa ang board meeting kanina.
Inaasahan na ni Daniel na susugod si Paula sa kanyang opisina. Ilang araw na ang nakakalipas simula nang makipaghiwalay ito sa kanya, pero kagaya ng mga nauna nilang away, heto na naman ito nanggagalaiti sa galit dahil wala pa rin siyang ginagawa hakbang para makipagbalikan dito.
"Ang dali lang para sa 'yo na itapon na lang ang lahat ng pinagsamahan natin! I was right, you really didn't love me at all! How could you be so cruel!?"
Huminga nang malalim si Daniel. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang nakipaghiwalay, Paula."
Namaywang si Paula. Lalong umusok ang ilong sa isinagot niya.
"Because you pushed me into doing it! Wala kang oras sa akin, wala kang plano sa future natin! Anong petsa na, Daniel. I can't wait for you forever! Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, I can't help but ask myself why you're not proposing to me yet! Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng naghihintay sa wala?!"
Napilitan si Daniel na harapin ang bisita.
"If I marry you, you will become Lian's mother. Since when did you start liking my son, Paula?" Kalmado pero pormal ang ekspresyon sa mukhang tanong niya.
Namula ang mukha ng babae, dumaan ang kakarampot na guilt sa mga mata nito. "B-but that was before! I have learned to love him already. Kung bibigyan mo 'ko ng chanc e babawi ako sa kanya..."
"Sa paanong paraan?"
"Mag iisip ako! Kaya kong maging Ina sa kanya! Kaya lang naman malayo ang loob ko sa anak mo dahil nasa kanya na nga lahat ng atensyon mo pagkatapos wala ka pang kahit anong maipangako sa akin!"
Hindi sumagot si Daniel. 'Anak mo'. He wanted to scoffed his disappointment. Hindi pa man nagtatagal ang relasyon nila ni Paula noon ay alam nya ng hindi wife at walang motherly qualities sa katawan ang babae.
Paula hates children, lalo na si Lian. Mainitin ang ulo nito, manipulative at demanding. Nasasakal siya sa pagiging selosa nito.
"Gusto kong makasigurong mahal mo ako, Daniel kaya gusto kong pakasalan mo ako. Bakit hindi mo pa maibigay sa akin 'yon?"
Bumuntong hininga si Daniel. How would he answer that without hurting her? Naitanong niya na rin iyon sa sarili at nakakuha naman siya agad ng sagot. Mahirap mahalin si Paula. Kaya nga nakahinga siya nang maluwang nang makipaghiwalay ito ulit sa kanya.
Ang priority niya sa ngayon ay si Lian. Lumalaki na ito at kailangan nito ng isang inang gagabay at magmamahal dito. Hindi isang babaeng magiging source ng trauma at takot nito.
Lumapit ito sa kanya, ikinawit ang mga braso sa leeg niya sa pag aakalang napapahinuhod na naman siya nito.
"Pag usapan natin ito Daniel after work... Hindi ako papayag na basta na lang mauwi sa wala ang relasyon natin."
Maingat na binaklas ni Daniel ang kamay ng babae sa kanyang leeg. Tumitig siya dito. "I'm sorry, Paula. Tapos na ang relasyon natin."
"No!"
Lumayo si Daniel. Naupo siya sa swivel chair at niyuko ang papeles na nasa ibabaw ng kanyang desk. "Madami pa akong dapat aasikasuhin, Paula. You know the way to the door, right?"
BINABASA MO ANG
Married to the Clever Queen
RomanceHindi akalain ni Abby na mabilis na masusulusyonan ang problema nya sa pera nang matanggap sya bilang yaya ng anak ni Daniel De Marco. Isang umaga kasi ay nagising syang tanging kumot lang ang suot habang katabi sa kama ang gwapo, macho pero nuknuka...