Chapter Seven

28.3K 789 150
                                    

Chapter Seven

Napamaang si Abby. "A-anong kasal?"

Joke ba 'yon? Kanina lang ay gusto siya nitong sesentehin dahil akala nito ay pinlano niya ang lahat ng 'yon pagkatapos ngayon... Ah, baka natuto nang magjoke ang masyadong pormal niyang amo.

Pero nang tingnan niya ang lalaki, pormal pa rin ito. "You heard me right, Abegail."

Naguguluhan siya pero tumitig at sinikap niyang basahin ang laman ng isip ni Daniel. "Sir, huwag n'yo hong sabihin na may gusto kayo sa 'kin?"

Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Daniel. Disappointed si Abegail, mali siya ng hula. Paano nga ba naman magkakagusto ang langit sa isang diyosa nga pero hinampas naman sa lupa?

"Kung wala kang gusto sa 'kin bakit mo 'ko pakakasalan?" tanong niya.

"You need my money and I need you for my son. We need each other."

Ganun lang? Parang ang simple lang para kay Daniel ang lahat. Sus, kahit naman dream come true at abot rainbow ang pagnanasa niya rito, magdududa pa rin siya sa agenda nito.

"Paano kung hindi ako pumayag na pakasal sa 'yo?"

"Which I doubt. But to answer that, mawawalan ka ng trabaho at ni singkong duling wala kang matatanggap mula sa akin. Of course, maliban sa tatlong araw mong suweldo."

"Unfair naman yata 'yan, Sir. Pareho nating kasalanan ang nangyari bakit n'yo 'ko sesesantehin?"

"No one blackmails a De Marco, Abegail. You were very clever minutes ago. Ikaw ang nagbigay ng kondisyon, ikaw pa ang nagbanggit ng presyo. Bakit nagdadalawang isip ka ngayon?"

"Oo nga, ako nga pero kasal na ang pinag uusapan natin, Sir. Paano ang katawan ko? Ang bulaklak ng makahiya? Kasama ba 'yon sa deal? Parang lugi naman ako nun, Sir."

Sarkastiko pero may kalakip na amusement ang ngiti ni Daniel. "I don't bed unattractive girls, you don't have to worry about that."

Nagusot ang mukha niya. Unattractive? Huh! Baka hindi nito alam na pila balde ang manliligaw niya sa Pasay?

"I only need a faithful wife and a loving mother to my son, Abegail. Kaya ngayon pa lang, putulin mo ang anumang ugnayan mo sa lover mo and you just focus on my son."

"Sir, hindi pa ako um-oo."

Bakit ganito ang lalaking ito? Bakit parang sigurado itong hindi niya ito tatanggihan? Pero tatanggi nga ba sya ngayong grasya na ang lumalapit sa kanya ng kusa?

"You don't look like someone na tatanggi sa pera."

Ang lupit magbasa ng isip ng mahal niya. Tama naman ito, sa likod ng isip niya, 80-20 agad ang desisyon niya sa alok nito. Pero hindi dahil sa pera. Kung ibang lalaki ang mag aalok niyon sa kanya, sigurado si Abegail na tatanggihan niya.

"Just answer me now if you want to be my wife or not. Kung ayaw mo talaga, puwede kong i-offer sa iba."

Ngumisi si Abby. "Sino ang o-offer-an mo? Si Paula? Iyong babaeng parang laging nakikipagdigma? Kung gusto mong matuyuan ka ng dugo nang maaga, sige ialok mo sa kanya."

"Is that a yes or a no?"

Umirap siya sa lalaki.

"Ang pangit mo magpropose pero sige, yes."

PARANG NAKALUTANG si Abegail. Hindi niya alam kung paanong ang inakala niyang imposibleng mangyaring mabilisang preparasyon ng kasal ay naisaayos sa loob ng humigit kumulang isang linggo lang.

One point five million. Ikakasal pa siya sa lalaking laman lang dati ng kanyang ilusyon. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa mga sandaling iyon.

Married to the Clever QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon