16 - Invest of Feelings

148 5 0
                                    

This is it. Sino kaya yung makikita niya on the same building. :) Let's find out guys.


Hit vote and comment kayo if you have any ideas ah ^^


-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-


***Paolo's POV***


Bago magbukas ang elevator ay nag-ayos muna saglit ako sa mirror ng elevator, nung masiguro kong maayos at gwapo na akong tingnan ay saka naman bumukas ang elevator.


Justin Yves Cruz?! 


at saktong sabay kaming nagkatinginan pero medyo malayo ang agwat namin sa isa't isa. WOW. Ibang-iba na ang mukha ngayon ni Justin. Mas naging gwapo, pumuti at mas naging muscular ang kanyang pangangatawan. In short ibang iba na siya gaya ng Justin noon nung college kami.


Si Justin na umagaw at may gusto kay Aldwin. Pero bakit hindi sila magkasama ngayon? Hindi kaya, hindi rin napunta sa kanya si Aldwin? Buong akala ko pa naman ay silang dalawa ang magkasama ngayon at akala ko si Justin ang may pakana kung bakit ako iniwan ni Aldwin.


Naglabasan na sila Papa at Mama. Sumunod na rin ang mga kaibigan kong lumabas.


"OH Ow." rinig kong bulong ni Christian nung saktong tumapat siya sa akin. Kasabay nun ay tinapik niya ako sa likod. Siguro ay pinapakalma niya rin ako this time.


"Tara na Pao." yaya ni Mama sa akin kaya lumabas na rin ako ng elevator pero kasabay nun ay ang pagtaas ni Justin ng kilay sa akin.




Habang naglalakad ako papunta sa harapan niya ay nag-aayos naman siya ng sarili niya at nagmumukha na siyang giraffe sa kakahaba ng leeg niya sakin! Para siyang T@nga kung ganyan siya ng ganyan! Akala mo kinagawpo niya eh.


At nung magkatapat na kaming dalawa ay..


 BOOOGSHHH! rinig naming lahat dahil sa pinapanuod nila sa TV ng ibang empleyado na nagpapahinga, siguro ay pagsabog yun ng isang dinamita mula sa palabas.


"Ehemm" rinig kong sabi ni Patricia.


Halos 2 minutes na tinginan muna ang nangyari sa aming lahat. Pero buti nalang ay nagsalita na rin si Papa.


Shit! Ang panget siguro ng itsura ko ngayon kaya ganito nalang siya makatingin sakin! Dapat pala nagpaiwan na muna ako sa taas at tinawagan si Patricia kung sino yung bagong investor. Nakakahiya! Pero kaya toh. Mas gwapo pa rin akong tingnan sa kanya.


"Good Morning Sir. Cruz. Welcome to Charleston Company." galak na sabi ni Papa at nakipag shake hands pa kasabay nun ay si Mama hanggang sa ako din ay nakipag shake hands na din sa kanya.


Yuck! ang gaspang ng kamay! Parang kamay ng isang mangkukulam. Gwapo nga ang gaspang naman ng kamay.

Playboy meets HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon