Paolo's POV
Kasalukuyang andito na kami ngayon sa loob ng arena, kung saan magiging unang laro ko as an open spiker ng Green Fields University. Punong puno ng mga tao ang buong arena, halos asul at berde ang kulay ng mga ito. Ganito pala kadami kapag rivalry ang mga university. Nakaka tense din siguro kapag maglalaro ka na. Ginaganap palang ang unang laro laban ng Arch Academy laban sa Oakland University. Matindi rin ang laban, siguro ay lahat sila magagaling. Naupo na muna ako para makapagpahinga ng saglit, para may lakas akong pumalo mamaya sa laro namin.
"Oh, inom ka muna ng tubig. Medyo mahirap ang magiging kalaban natin ngayon" rinig kong boses mula sa harapan ko, kaya iniangat ko ang aking ulo at nakita ko si Nathaniel sa harapan ko.
"Salamat Nate." nginitian ko nalang siya at kinuha yung iniabot niyang tubig sa akin at umalis na rin siya pagkatapos nun. Siguro ay magpapractice pa siya. Siya rin kasi ang blocker ng team namin. Sa di kalayuan nakita ko ng dumating ang taong inaantay ko, ang taong magbibigay sa akin ng lakas. Si Aldwin Chester Harrington. Nakasuot siya ng jersey na color green at may nakasulat na Harrington sa likod.
"Oh, isa pang tingin akin ka na." bati niya sa akin. Ganun na ba ako katagal na tumitig sa kaniya? Geez. Nakakahiya na yung pinag gagawa ko ah. Teka!!! "isa pang tingin akin ka na"
inulit ko ulit yung mga salitang sinabi sa akin ni Aldwin. So kapag tiningnan ko ulit siya, magiging akin na rin siya?Stop it you little brain. Magfocus ka nga sa laro hindi diyan kay Aldwin.
PRIIIIIITTTTTTT!!!
rinig kong pito ng referee mula sa labas, senyales na tapos na ang unang laro ng volleyball at kami na ang susunod na maglalaro dito. Mas naging tensyonado ang buong katawan ko, mas lalo akong kinabahan at nilalamig. Di ko tuloy alam kung ano ung gagawin ko. Nung nakita ni Aldwin na nilalamig at mukha akong kinakabahan ay tumayo ito mula sa kinauupuan niya at papunta sa akin.....
Ng biglang lumapit si Nathaniel at niyakap ako ng mahigpit. Kitang kita ko sa mukha ni Aldwin yung pagka dismaya at panghihinayang.
"Wag kang kabahan ah. Andito lang ako Pao" bulong sa akin ni Nathaniel habang hawak hawak ang kamay ko tila ba pinapainit niya yung dalawang kamay ko.
"Unang beses pa lang kasi ako maglalaro Nate eh."
"Wag ka mag-alala, marunong ka naman mag volleyball eh, kaya for sure di ka kakabahan." sagot niya sa akin. At hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan niya ako sa noo. "Kaya mo yan Pao." habol niyang sabi sa akin.
Kahit papano ay biglang nawala yung lamig at kaba ko simula nung hinawakan at pinakalma ako ni Nathaniel, parang wala lang nangyari sa amin kanina ah? Nahuli ko rin si Aldwin na nakatingin sa direksyon ko at mukhang naluluha ang kaniyang mga mata. Tiningnan ko yung paligid ko pero walang tao, kaya nasisiguro ko na ako yung tinitingnan niya. Pagharap ko muli sa kanya ay nakita kong pinahid niya yung kaniyang mata, siguro ay mga luha yun mula sa kanyang mata.
"You can do it." sabi niya sa akin at nag thumbs up. Mas lalong nawala ang kaba ko nung kinausap ako ni Aldwin. Ngayon ay full of confidence na akong makipaglaro ngayon.
from the Easton High University the soaring eagles jersey number 10 Alonzo, wearing jersey number 12 Christian Gonzales ...................................... and the team captain wearing jersey number 1 Justin Yves Cruz.
Mas lalong naging maingay sa loob ng arena nung binanggit ang pangalan ng team captain nila, siguro malakas at magaling siyang player. Tie din kasi sa score ang parehong university sa 7-0. At bigla kong naalala na ..
BINABASA MO ANG
Playboy meets Heartthrob
Novela JuvenilHe's a Playboy. And he's a Heartthrob. Two different people destined to love each other. Two different people collides. Love is full of sacrifices and giving up. But would you still believe in Love even though you're the only one who is fighting fo...