HvP- Chapter Twelve

206 15 0
                                    


thanks at dumadami pa yung nagbabasa. Sana mas dumami pa po ^^

so here you go guys ^^

sana umabot ng millions yung story ^^ cross fingers.



———-

*Nathaniel's POV*


Hanggang sa marinig ko ang hindi inaasahang pangyayari.


"Aldwin—" bulong niyang sabi sakin kasabay ng pagbalik ng mga halik mula sa aking labi.


Kahit na hinahalikan ko na si Paolo, ay tila wala pa rin. Puro Aldwin, Aldwin at Aldwin lang ang nakikita at sinasabi niya. Paano ko ba magagawang kalimutan niya yun? Saglit lang naman naging sila ah. Kaya madali lang na maghiwalay din sila agad.


Masakit! Sobrang sakit!


Tinigil ko na rin ang paghahalik kay Paolo at dali-dali ko ng nilisan ang CR at iniwan si Paolo sa loob. Hindi ko na rin pinansin kung ano na ang kanyang kalagayan. Nakakahiya itong ginawa ko!


***


"So how was it?" biglang tanong ni Justin nung makarating na ako sa room namin. Wala pa rin si Paolo pati na rin si Aldwin. Panigurado magkasama nanaman ang dalawang yun.


"Ayaw ko na Justin! Kung gusto mo ikaw nalang ang gumawa ng kabaliwan ko! Wag mo na akong idamay pa!" sambit ko sa kanya habang dinuduro ko siya gamit ang hintuturo ko.


"Giving up already? Napaka weak mo naman. Kaya ka niya iniwan eh." sambit ni Justin na parang alam na alam ang buong pangyayari ng paghihiwalay naming dalawa ni Paolo.


Pumasok na rin sa loob ng room namin sila Aldwin at Paolo na may kasamang isang bouquet ng red roses. Kitang kita sa mukha niya yung saya at ligaya na hindi ko naibigay nung kami palang.


Nabigyan ko rin naman siya nun ah? Pero bakit iba na yung ngiti niya? Dapat ako sana ang dahilan ng pag ngiti niya ngayon at hindi yang si Aldwin.


"Yieee. Nakakakilig naman kayo." sigaw ni Christian.


"Best couple in the world." hiyaw naman ni Alex


"Kiss naman diyan oh." at pahabol na sabi ni Patricia.


Please wag mong siyang hahalikan. Please Paolo.


"Kita mo yan? Dapat ikaw ang nasa kinatatayuan ni Aldwin kung sinunod mo lang ako. Hindi ka sana nagdurusa ngayon diyan." bulong na sabi ni Justin sa akin at saktong tumambad sa akin ang paghalik ni Aldwin sa lips ni Paolo.


"Napaka weak mo kasi eh. Don't worry Nathan. I have a brilliant plan for you." dagdag na sabi ni Justin at umalis na rin siya sa tabi ko at bumalik na sa kinauupuan niya.

Playboy meets HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon