14- New Beginnings

195 13 2
                                    


***Paolo's POV***


Today is the day. Finally tumagal din kami ni Babe Aldwin ko. Magkahalong kilig at excite ang nararamdaman ko ngayon. Kinikilig kasi ngayon nalang ulit ako makakatikim ng mga celebration about relationships. At excitement kasi naghahalong saya at kaba na ang nararamdaman ko.


This is it Pancit!


Peep Peep.


Panigurado kotse na yun ni Aldwin. Kaya sinilip ko na muna siya sa labas ng bahay namin. Pero hindi siya ang nandun, kundi yung guard niya. Medyo nalungkot ako. Akala ko makikita ko na kung gaano kagwapo ang Babe ko. Kaya dali-dali na akong bumalik sa salamin at nag-ayos. Inayos-Ginulo-Inayos ko ulit yung buhok ko. Gusto ko kasing magmukhang presentable sa gabing ito. Nung makuha ko na yung tamang ayos ng buhok ko ay sinuot ko na rin ang black earrings ko at bumaba na ng kwarto para puntahan ang guard ni Aldwin.


"Ang gwapo naman ng anak ko." rinig kong sabi ni Mommy mula sa likuran ko. Mama naman, parang hindi na nasanay sa gwapo niyang anak.


"Ayos lang ba Ma?" tanong ko sa kanya habang umiikot na parang model sa kanyang harapan.


Nagsilapitan na rin sila Manang para tingnan kung ano na ang naging itsura ko sa suit. And I was right, napatameme nalang sila nung nakita nila ako.


"Ang gwapo niyo sir."


"Maswerte tayo at kasambahay nila tayo."


"Ang gwapo ng amo natin."


Ayan ang mga naririnig kong comments mula sa kanila. Habang si Mama naman ay may kinuhang box mula sa kanyang likuran. Ano naman kaya yun?


"Remember this?" tanong niya sa akin habang hawak hawak niya ang maliit na box.


"Uhmm. Ano po yan Ma?" wala na rin naman akong ideya kung ano yung nasa loob ng box. Pero kung aalamin mo parang necklace ito.


"You told me before na gusto mong bilhin tong necklace na ito diba? And you told me na ibibigay mo toh sa taong mahal na mahal mo. So I bought this for you. Tinext kasi ako ni Aldwin na magcecelebrate kayong dalawa, so eto yung naisipan kong gift na ibigay sa inyong dalawa." sabi ni mama na agad na nagpaluha sa mga mata ko. Akala ko hindi ko na mabibili yung kwintas na yun. Buti nalang at nandyan si Mama.


"Oh umiiyak na ang Baby Boy ko. Mawawala yung pagiging gwapo mo niyan eh." pagbibirong sabi ni Mama at pinunasan ng dalawang kamay niya ang mga mata ko. Napaka iyakin ko talagang bata kahit kailan.


"Mama naman eh. Pinapaiyak mo kasi ako." sagot ko naman. Siguro tears of joy lang tong nararamdaman ko. Kasi masaya magkaroon ng ganitong magulang, na suportado sa lovelife mo at laging nandyan lang sa likod mo kung kailangan mo sila.


"Oh cge na. Nag-aantay si Aldwin doon." sagot naman niya at binigay na niya sa akin ang box na naglalaman ng isang necklace. Humingi muna ako kay Mama ng kiss at umalis na rin ako ng bahay namin at sumakay na sa kotseng ipinadala ni Aldwin.

Playboy meets HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon