HvP- Chapter Thirteen

202 12 2
                                    

UPDATE muna ako habang wala pang pasok ^^

hope you like this guys. Wala kasing magawa so update na muna tayo ^^


-if may time kayo pabasa na din ng "Memoirs of Him" ^^ thank you


———-


*Aldwin's POV*


"Oh sir. Mukhang sobrang gwapo niyo naman pong gabing to. Ano po bang meron? May date po ba kayo ni Justin?" pagpupuri na sabi ni Manang. Si Manang ang naging saksi ng una at huli naming pagmamahalan ni Justin. And yeah, hindi ko pa nakekwento sa kanya na meron na ako.


And by the way alam din ni Manang ang lahat lahat tungkol sa akin. Kaya love na love ko tong Kasambahay namin eh.


"No Manang. Matagal na po kaming wala ni Justin." malungkot kong sabi sa kanya habang inaayos ko ang necktie na suot ko.


Bakas sa mga mukha ni Manang ang lungkot na nararamdaman niya ngayon. Sobra kasi ang tuwa niya noong nalaman niya na nagmamahal na ako ng totoo. Pero ngayon halos iba na yung mukha niya nung nalaman na wala na kami ni Justin.


"Bakit naman? Hindi ka ba niya inantay sa dapat niyong pagkakitaan?" malungkot na sagot niya sa akin. At umupo siya sa kama ko habang tinitingnan niya akong nag-aayos ng susuotin para sa Celebration namin ni Paolo. Maaga pa naman, kaya for sure hindi ako male-late sa celebration namin.


Lumapit ako kay Manang at naupo na rin sa tabi niya. Minsan ko lang din kasi makausap si Manang tungkol sa lovelife ko, kaya mas mabuti na rin toh.


Alam kong hindi na dapat pag-usapan pa si Justin, pero gusto ko lang malaman yung opinyon ni Manang. Dahil magaling na rin naman siyang magbigay ng payo sa mga naging katangahan ko noon kay Justin.


"Sige na. Sabihin mo na sa akin. Kilalang kilala kita Win. (Aldwin) " habol pa nyang sabi nung makita na nakatulala lang ako.


"Masakit pa rin ba hanggang ngayon?" dagdag niyang sabi sabay hawak niya sa dalawa kong kamay.


Masakit? Masakit pa rin ba hanggang ngayon? Oo, masakit. Masakit na masakit. Yung sa tipong andun na yung chance pero hindi pa natuloy. Mahirap kalimutan yung mga bagay na pilit pa ding sinasariwa ng panahon at ng puso't isipan ko.


"Actually—- hindi po siya dumating." at nagsimula na ring bumagsak yung mga luha mula sa mga mata ko. Luha ng galit, lungkot at pagsisisi.


Tang!na naman. Dati na yun eh. Isang taon na ang nakakalipas pero bakit sobrang sariwa pa rin ng mga alaala niya sakin? Hanggang ngayon hindi pa din naghihilom yung sugat na iniwan niya sa akin.


Siya ang nang-iwan Aldwin! Siya! At hindi ikaw! Kaya wag mo dapat sisihin ang sarili mo!


"Hindi dumating? Eh sabi niya sakin—-" putol niyang sabi sa akin.


Sinabi? Bigla kong iniangat ang ulo ko at tumingin kay Manang. Pinunasan ko na rin ang luha mula sa mata ko at pinakinggan ang mga susunod na mangyayari.

Playboy meets HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon