"Napa away ka raw?"
Nanatili akong naka yuko dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman sinasadyang manampal. Sila ang nauna.
"You're the oldest here Faye."
Umangat ang tingin ko sa kanya ng tawagin niya ako sa pangalan ko.
"I mean, Ms. Vontemar." Tinaasan niya ako ng isang kilay kaya napairap ako. "Isang irap mo pa patitirikin ko iyang mata mo."
"Huh?" Tanong ko dito. Mukha namang narealize niya ang sinabi niya dahil hinawakan niya ang sintido niya.
"Just tell me what happened earlier para maka uwi ka na."
Dalawa lang kami dito sa room kaya medyo kinakabahan ako lalo na't wala dito si Sabrina para resbakan ako. At isa pa, siya ang kaharap ko oh my ghad!
"It's not my fault. Una niyang sinampal si Lovely kaya pinagtanggol ko lang siya," paliwanag ko. Sinusubukan kong hindi ma-utal dahil baka magmukha akong sinungaling.
"Kaya sinampal mo rin si Ms. Martinez?"
Natigilan ako hindi dahil sa nakonsensiya ako kundi dahil parang kinakampihan niya pa iyong babaeng iyon.
"I see. We'll see you tomorrow at the Principal's Office," saad niya.
"Okay, Ma'am," saad ko at pilit na ngumiti.
Pagtalikod ko ay tsaka naman siya nagsalita ulit. "Huwag na sanang mau-ulit. Alam natin na bumabawi ka," aniya.
Muli ko siyang hinarap. "I will, Ma'am."
Tumalikod na ako at naglakad palabas ng kwarto. Nang medyo makalayo ako ay tinadyakan ko ang basurahan na nakita ko kaya natapon ang mga laman nito.
"Gigil na gigil iyan? Anong nangyari nanaman ba? Balita ko nagpang abot kayo ni pangit kanina, ah?"
Natawa ako dahil sa sinabi ni Sabrina. "Maka pangit naman ito, ang body shamer mo talaga."
"Hoy! Dine-describe ko lang siya. Tsaka ang swerte niya sa part na pinatulan mo siya, ah," aniya at lumapit sakin.
Itinayo ko ang basurahan at tsaka isa-isang pinulot ang mga natapon na kalat. Mabuti na lang at recyclable ang natadyakan ko kung hindi ay baka habulin nanaman ako nang mop ng Janitor namin nito.
"Ang sipag naman ng kaibigan ko na iyan," pabirong saad niya sabay sundot ng daliri sa tagiliran ako.
Napatayo ako ng diretso nang wala sa oras dahil malakas ang kiliti ko doon. "Puro ka talking, why not help me na lang?" Inis na saad ko dito at inirapan siya.
"Anong why not help me na lang? Ikaw ang nagkalat niyan kaya linisin mo iyan!" May pagmamayabang na aniya. Kung hindi ko lang kaibigan ito ay baka nahampas ko na sa kanya itong basurahan.
"Hoy beh! Nandiyan si Ma'am Roberts!"
Nanlaki ang dalawa kong mata nang marinig ang sinabi ni Sabrina. Dali-dali kong dinampot ang mga kalat at ibinalik sa basurahan. Sakto namang pagtayo ko ay ang seryosong mukha ni Ma'am Roberts ang bumungad sakin.
"I'm just here to tell you that you don't have to go to Principal's Office tomorrow," seryosong saad niya habang diretsong nakatingin sakin.
Binalot naman ako ng pagtataka. "Why?"
"Gaga! Ayaw mo pa non?" Bulong ni Sabrina sabay mahina akong itinulak.
"Nakausap ko na ang parents nila. They're fine at nagawan ko na ng paraan kaya huwag mo nang isipin. Just focus on your studies and no more inappropriate behaviour, okay?"
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomanceChryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang naiwan, hindi naman siya nagsasawa sa pagmumukha ng mga nagiging kaklase niya. Naniniwala siya na you...