"Alam mo?"
"Hindi pa, ano iyon?"
Tinignan ko ang dalawa kong kaklase na nagbubulungan. Actually, napapa-gitnaan nila akong dalawa kaya rinig na rinig ko sila.
"Hindi ako naniniwalang single si Ma'am." Bulong ni Devine na nasa kanan ko.
"Me too," sagot naman ni Talya na nasa kaliwa ko.
"Pero balita ko nanliligaw daw si Sir. Clarence kay Ma'am?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Devine pero nanatili akong naka focus sa board. Nagd-discuss kasi si Sir. Clarence ngayon.
"Seryoso?" Manghang saad ni Talya at tinakpan pa ang bibig niya.
Kita ko sila kahit sa harap ako nakatingin, peripheral vision. Buti nga hindi nila ako napapansin na tinitignan ko sila.
"Oo, seryoso. Hindi ba, Chryzantha?"
Tinignan ko si Devine. "Bakit ako ang tinatanong mo?" Tanong ko pabalik at tinignan naman si Talya na naghihintay ng sagot ko.
"Eh kasi kay Sabrina ko nakuha ang balita. Friends kayo, di'ba?" Tanong ulit ni Devine kaya muli ko siyang tinignan.
"Girls at the back!" Nanlaki ang dalawa kong mata na tinignan si Sir. Clarence. "Yes, kayong tatlo diyan sa likod. Anong pinagu-usapan niyo at parang mas importante iyan sa lesson ko?"
Isa-isa kaming tinignan ni Sir. Clarence. Salitan ko namang inalayan ng tingin ang dalawang chikading na katabi ko pero hindi sila sumasagot.
"Ahmm- Sir. May itinatanong lang po sila about sa nakaraang lesson dahil hindi raw po nila maintindihan ang dini-discuss niyo," saad ko.
"Hoy! Hindi, ah!" Mahinang hinampas ni Devine ang braso ko kaya inirapan ko siya. Lakas niya makahampas hindi naman kami close. "Hindi po, Sir. A-Ano lang–"
Pinutol ni Talya ang sinasabi ng kaibigan niyang si Devine. "Yes, Sir. Tama po si Chryzantha, Sir. Sorry po."
Napangiti ako dahil sumang ayon sa akin si Talya. "Our apologies, Sir," dagdag ko pa.
"Kung wala kayong maintindihan you can ask me, free naman ako, copy class?"
"Yes, Sir."
"Copy, Sir!"
"Okay po, Sir!"
"Yes, Sir. Clarence!"
"Thank you, Sir!" Pag-sangayon ko.
Bumalik sa pagdi-discuss si Sir. Clarence habang ako ay naghihintay ng oras. Araw-araw na lang akong naiinip sa klase niya.
"Alam mo ang boring ng klase ni, Sir. Mabuti na lang gwapo siya," bulong ni Devine.
"Shh! Baka marinig ka ni Sir." Saway naman sa kanya ni Talya na may pa lagay pa ng hintuturong daliri niya sa labi niya.
"Hindi ko kasalanan na nahuli tayo kanina!" Bulong ni Devine pero halata sa boses niya ang inis.
"Hindi naman kita sinisi, ah!" Ganoon rin si Talya.
Ang hirap kapag may katabi ka na magkaibigan sa kaliwa't kanan mo. I feel lonely tuloy dahil magkaiba kami ng schedule ni Sab.
"Ganon na rin iyon!" Devine stretched her arm in front of me para hampasin si Talya pero hinawi ko ito sa inis.
Hindi naman malakas ang pagkakahawi ko, sakto lang. "Kayong dalawa pagbubuhulun ko kayo!" Inis na saad ko sa kanila at umirap.
"Ayy sorry po," nahihiyang saad ni Talya at nag peace sign sakin.
"Ang grumpy mo naman. Sorry!" Saad ni Devine. Alam kong napipilitan lang itong babaeng ito.
Sumandal ako sa upuan ko at humalukipkip. Punyeta kasing issue iyan, kailan ba maglalaho iyan?
* * *
Sobra ang tuwa ko nang matapos ang klase ni Sir. Clarence dahil–ay tuesday pala ngayon, after break pa ang klase ni Ma'am Lugaw.
"Nakasimangot ka diyan?" Tanong ni Glen sakin. Katapat lang siya ng inu-upuan ko. Napabuntong hininga ako nang ikutin niya ang upuan niya paharap sakin. "Sinong umaway sayo? Isasako ko."
Inirapan ko siya. "Baliw," bulong ko sabay bukas ng bag ko para ilabas ang notebook ko na puro notes. Pare-pareho lang naman kasi ang itinuturo every year kaya may kopya na ako.
"Grabe ba ang inis mo sakin kaya kung makabuntong hininga ka ay sobrang lalim?"
Padabog kong isinara ang zipper ng bag ko. "Hindi naman, naiinis lang talaga ako kaya huwag mo na akong kausapin."
"Okay but here," may kinuha siya sa bag niya at ini-abot sakin. "Just accept this para naman kahit papaano ay mabawasan ang inis mo. Alam ko kasing paborito mo iyan."
Saglit kong tiningnan ang hawak niya. Tatanggapin ko ba? Ang rude naman kung hindi ko tatanggapin. Sige na nga. "Thank you pero sinabi ko na sayo na–"
Aba! Ang kapal ng mukha, he just interrupted me!
"I know. Ayaw ko kasing nakikita kang nakabusangot, lalo akong naiinlove."
Sinamaan ko siya ng tingin at malakas na inilapag sa lamesa ang binigay niya. "Doon ka na nga humarap, naalibadbaran ako sayo," inis na saad ko at ang loko, ngumiti pa.
"Mr. Mendez! Anong meron at hindi naka-ayos ang upuan mo?" Sigaw ni Ma'am Estrella na kapapasok lang sa klase.
Mabilis na tumayo si Glen para ayusin ang upuan niya kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan tumawa.
"S-Sorry, Ma'am."
Nag-umpisa ang klase the usual. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang ibinigay na chocolate bar sakin ni Glen. It's my favorite, natatakam tuloy ako. Bawal kumain sa klase kaya hindi ko siya makain.
Medyo nahihiya pa ako kay Glen dahil palagi ko na lang siyang sinusungitan. Feeling ko tuloy ang kontrabida ko.
I can't help but to think, paano nalaman ni Glen ang favorite chocolate ko at tsaka bakit meron siya non?
Hindi naman sa paga-assume pero baka matagal na niyang gustong ibigay sakin ito at ngayon lang siya nagkaroon ng chance dahil– siguro nahihiya siya.
Lalo tuloy akong nagkaroon ng dahilan para mainip sa klase.
"Hindi mo pa ba kakainin iyang chocolate?" Bulong sakin ni Devine.
Muntik ko ng makalimutan na nandito pa rin pala itong dalawang ito. "Hindi, bakit?" Bulong ko pabalik.
"Kung ayaw mo akin na lang, hati kami ni Talya," ani Devine at ngumiti.
"Ang kapal mo talaga Vine," nahihiyang bulong ni Talya.
"Ayaw niyang kainin, eh. Sayang naman," sagot ni Devine.
Kinuha ko ang chocolate na nakapatong sa lamesa ko at nilagay sa bag. "Bibilhan ko na lang kayo mamaya," ani ko.
Binalot ng luha ang mga mata ni Devine habang nakatingin sakin. "Aww ang bait mo naman, Chryzantha." Ganiyan ba ang tinatawag na puppy eyes? Bagay kasi mukha naman siyang aso.
"Itigil mo nga iyan, Vine. Hindi bagay, hindi ka cute. Lalo ka lang nag mukhang aso," natatawang saad ni Talya kaya biglang sumama ang timpla ng mukha ni Devine. "Sorry, Chryzantha. Walang hiya lang talaga iyang kaibigan ko."
"Ano ka ba, Taly! Masarap kapag libre."
Napailing ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa dalawang ito. Kanina pa ako walang maintindihan sa mga lesson kahit alam ko naman na sila.
"Manahimik lang kayong dalawa ililibre ko kayo mamaya," ani ko para manahimik na sila.
"Okay!" Saad ni Devine at umaktong may zipper sa bibig.
Sky Father, bakit mo ako itinabi sa dalawang ito? Hindi naman ako ganon ka-daldal. Parusa ba ito? Another challenge?
"Listen because we will be having a graded recitation after this lesson."
Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa buong katawan ng marinig ang salitang 'recitation' sa bibig mismo ni Ma'am Estrella.
Kapag ako talaga hindi nakasagot dito pagbubuhulin ko itong magkaibigan na ito.
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomanceChryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang naiwan, hindi naman siya nagsasawa sa pagmumukha ng mga nagiging kaklase niya. Naniniwala siya na you...