06

22 6 2
                                    

I don't know what I'm doing in the library. Alam ko naman na lahat ng lessons, paulit-ulit lang siya every year. 

Sabagay, wala naman kasing mas tatahimik pa sa lib–

"Chryzantha?"

"Jeans? H-Hi." Mariin akong napalunok. Chill ka lang Faye, kunwari wala kang nakita. 

Inalis ni Jeans ang pagkaka yakap niya sa baywang ng hindi ko kilalang lalaki. Tiga-ibang section siguro. "Wala kang nakita," saad nong lalaki. Napansin kong nagulat si Jean sa sinabi nito pero itinuon niya sa akin ang atensiyon niya. 

"Chryzantha kunwari na lang wala kang nakita, ah?" Kabadong saad ni Jean habang hinihimas ang braso niya. "Sa ating tatlo lang ito ni Kent."

Tinignan ko ang lalaking tinutukoy niyang Kent. Mukha itong nahihiya o nadidismaya dahil panay ang kamot niya sa batok niya. 

"Sabi naman kasi sayo huwag na dito tumambay. Paano kapag ipagkalat niyang kaklase mo?" 

Aba! Mukha ba akong news reporter? "Don't worry, walang ibang makakaalam." Ngumiti ako para naman maniwala sila. 

"Thank you. Sige, alis na kami!" Hinila ni Jeans si Kent sa kamay pero binawi ito ni Kent. Saglitt pa silang nagkatinginan pero sabay pa rin naman silang lumabas ng library.

Akala siguro nila walang ibang pumapasok dito? Well, bihira lang talaga. Nagkataon pa na ako ang na encounter nila. 

But I don't understand why they need to hide their relationship? I'm pretty sure naman na may something sa kanila, I saw them hugging each other. 

I have known Jeans since he was in 11th grade, star student siya. He's feminine but I never expected na baliko siya. 

Pero si Kent? I don't know, I don't like him. 

"Huy!"

"Ay Kent!" Hindi ko sinasadyang mapasigaw dahil sa gulat ng bigla na lang sumulpot si Lovely sa harapan ko.

"Kent? Clark Kent? Hindi na pala Superman ang isinisigaw ngayon, real name na," aniya sabay tawa. 

"Huwag kang maingay baka marinig tayo ng librarian," saway ko dito kaya agad niyang itinikom ang bibig niya. 

"Sorry." Nag peace sign siya sakin at ngumiti. "May project kasi this week. Hindi ko mahanap ang sagot kay Pareng Google so maybe I can find it in here," paliwanag niya pa habang inililibot ang paningin sa paligid.

Mahina akong tumango. "Okay, goodluck," saad ko at akmang aalis na nang hablutin niya ang kamay ko na nagpatigil sakin. 

"I-I actually need a little," ipinakita niya ang kamay niya sakin habang ang hinlalaki at hintuturong daliri niya ay ipinaglapit niya pero hindi dumidikit sa isa't isa. "Just a little help, please?" Dagdag niya pa.

Wala naman akong gagawin ngayon kaya wala naman sigurong masama kung tutulungan ko siya, hindi ba? "Sure. Ano bang maipaglilingkod ko?" Pabirong saad ko. 

She giggled, as always. "Kailangan ko itong specific book." Inilabas ni Lovely ang phone niya at saglit na may kinalikot dito bago iharap sa pagmumukha ko ang screen. Hinawakan ko pa ang kamay niya para medyo ilayo sa akin ang phone dahil kaunti na lang ay magka kahalikan na kami ng phone niya sa sobrang dikit sa mukha ko. "Siguro meron doon niyan sa nonfiction books. Tara?" 

"Puwede naman tayong magtanong sa librarian. Akin na iyang phone mo ipapakita ko," saad ko pero mabilis siyang umiling.

"No! Minsan lang ito, oh! Ayaw mo bang maranasan na maghanap ng libro sa library?" Aniya na nagpakunot ng noo ko. "Ayaw mo ng challenge? Malay mo may gwapong estudyante tapos pareho kayo ng kukunin na libro and then dahil nga pareho kayo ng libro na kukunin ay magtatama ang mga kamay niyo tapos makakatinginan kayo," kinikilig na saad niya habang nakangiti pa. 

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon