02

25 6 0
                                    

If you put the A to the B to the C! Bagay kami ni- "Aray naman!" Singhal ko dito nang banggain niya ako.. "Ang ganda ganda ng sound trip ko dito!" 

Sinamaan ako ni Sab ng tingin at siniko. "Arte mo naman!"

"Aray, ha! Sumusobra ka na." Ginamit ko ang hintuturo kong daliri at mariing sinundot ang noo niya. Napaatras siya ng kaunti dahil napalakas yata ang ginawa ko.

Hinawakan ni Sab ang noo niya kaya hindi ko na mapigilan tumawa. 

"Tawang tawa?!" Inis na singhal niya sakin.

Nag peace sign ako at nginitian siya. "Ano bang problema mo at nanunulak ka?" Natatawa pa ring tanong ko sa kaniya. 

"Ehh kasi I woke up and chose violence."

"Sino nanaman bang demonyo ang sumanib kay Sabrina today?" Prenteng tanong ko na tinawanan niya. Nabaliw na nga ang hinayupak.

"Si Marites beshy. May nabalitaan kasi akong chismis." Nang marinig ko ang salitang chismis ay namintig agad ang tainga ko. "Nakita ko iyon. Nakita kong lumaki mata mo. Gaga ka talaga! Pagdating sa chimis ang active mo," aniya at hinampas pa nga ako sa braso.

"Sabihin mo na lang kung ano iyan. About ba yan kay Ms. Lugaw? May nabanggit kasi si Jam sakin kahapon." Hindi naman sa halatang curious ako pero iba kasi talaga kapag chika.

"Sinabi na pala sayo ni Jamaica. Hindi ko na need sabihin," tila nagtatampong saad ni Sab at sumimangot.

Ayaw niya talagang nasasapawan siya sa chika. "Hindi pa. Sinabi niya lang ang headline pero hindi ang article."

Bumalik naman ang liwanag sa mukha niya sabay hila sakin sa malapit na bench at umupo. "Ganito kasi iyan. Oo, about kay Ms. Lugaw. Huwag kang mabibigla, ah? At tsaka rumor lang ito so don't panick."

"Buntis si Ms. Lugaw?!" Tinakpan ni Sab ang bunganga ko gamit ang palad niya.

"Gaga! Hindi! Ano ka ba?! Iba ka rin humakbang sa conclusion, ano?" Gulat na saad niya sakin.

Inalis ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. "Ayy ano ba? Kinakabahan ako sayo, eh."

"Kilala mo si…" Inilapit ni Sab ang mukha niya sa tainga ko. "Si Sir. Pandecoco?" Bulong niya.

"Hindi, sino iyan? Ay teka-" saglit akong napaisip. "Si Sir. Clarence?" Tanong ko dito. Mabilis na tumango si Sab.

Lumayo na siya sakin pero halata sa mukha niya ang excitement. "So ayon! Si Sir. Pandecoco ay balita ko, rumor lang, okay? Okay." Pinagpagan ni Sab ang kamay niya at lumayo sakin. Puwesto siya sa kabilang dulo ng bench. "Nililigawan niya raw si Ms. Lugaw."

Nanlaki ang dalawa kong mata. Tila nakuryente ang buo kong katawan at gusto kong manakal. "Ano?! Saan mo nalaman iyan?!" Nilapitan ko si Sab. Tatayo sana siya pero huli na dahil hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at inalog siya ng inalog. 

Nanggigigil ako!

"K-Krisan…Krisan! Nahihilo na ako!" Sigaw ni Sab sakin kaya binitawan ko na siya. "Sabi ko sayo huwag kang mago-over react, eh. Rumor lang iyon."

"Saan nga galing iyang rumor na iyan?!" Naiinis na tanong ko sa kaniya. 

"Aba'y malay ko at teka nga. Bakit ba inis na inis ka diyan?"

True. Bakit nga ba inis na inis ako? Hindi ko alam! Naiinis lang ako. 

"Nagse-selos ka, ano?" Ngumisi si Sab na akala mo'y adik sa kanto.

Inirapan ko siya. "Hindi ako nagse-selos. N-Naiinis lang ako kasi a-ano…na late ako sa chismis." Bakit ang hirap magsinungaling? Buwisit kaso itong si Jam, eh! Binitin pa ako. 

"Ayy sus. Bakit ka ganiyan maka react? Akala mo bata kang inagawan ng candy," mapang-asar na saad ni Sab sabay sundot ng daliri niya sa tagiliran ko.

Patuloy siya sa pagsundot sa tagiliran ko kaya nagmukha akong bulateng inasinan. Sa inis ko ay hinawakan ko ang kamay niya at kinagat ang daliri niya.

"Aray! Hindi french fries iyan, Faye!" Naiiyak na sigaw ni Sab habang pilit na binabawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"Isang kiliti pa kakagatin ko na talaga iyang daliri mo na parang french fries!" Pagbabanta ko sa kaniya at binitawan ang kamay niya.

Itinapat niya pa ang kamay niya sa dibdib niya at nag-aktong niyayakap ito. Sino ang bata sa aming dalawa ngayon?

"Isusumbong kita kay Jamaica," umiiyak na aniya. Umiyak na nga ang gaga. 

"So, ako pa ang bata ngayon?" Mataray na tanong ko sa kaniya.

Tumawa si Sab na nagpakunot ng noo ko. "Yes."

Napailing ako. Ini-stress ako ng babaeng ito.

"Oy! Si Ma'am Lugaw, Krisan." Nilingon ko ang itinuro ni Sab. 

Napangiti ako ng makita ang babaeng palabas ng kotse pero napawi rin ito agad ng may lalaking sumalubong sa kaniya. Si Sir. Pandecoco.

"The rumor is not a rumor after all," bulong ni Sab. Alam kong ipinarinig niya talaga sakin iyon para inisin ako.

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. In-offer ni Sir. Pandecoco ang kamay niya kay Ms. Lugaw pero natawa ako ng hindi niya ito tinanggap.

"Tawa-tawa ka diyan. Ang sama ng ugali mo," ani Sab sabay hampas sa braso ko.

"Eh kasi," sagot ko sa kalagitnaan ng pagtawa. 

"Ms. Vontemar?" 

Nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ang boses ng babaeng tumawag sakin. Nagkatinginan kami ni Sab pero pinanlakihan niya lang ako ng mata sabay tingin kay Ma'am Roberts at saakin. 

Hinarap ko si Ma'am Roberts at ngumiti. Umupo siya sa kabilang gilid ko. "Yes, Ma'am?"

"This is for you."

May ini-abot na box ng chocolate sa akin si Ma'am Roberts. "F-For me?" 

"Yes, for you." Mas lalo niya pa itong inilapit saakin kaya wala akong ibang choice kundi ang tanggapin ito.

"Nag abala ka pa, Ma'am," nahihiyang saad ko. 

Nagtaka ako ng mahina siyang tumawa. Lumabas tuloy ang dimple niya sa kaliwang pisngi. "Hindi sa akin galing iyan. It's from Lovely, ipinabigay niya lang dahil hindi raw siya makakapasok ngayon." 

Lupa, take me now. Hindi pala galing kay Ma'am Roberts ito. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at bibigyan niya ako ng regalo?!

"A-Ahh, okay. Salamat." Iyan na lamang ang nai-sagot ko dahil nahihiya na talaga ako.

"You're welcome. See you in my class."

Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Nang tiluyang maka alis si Ma'am Roberts ay doon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwagm

"Nag abala ka pa, Ma'am," pagu-ulit ni Sab sa sinabi ko kanina. Ginaya niya pa talaga ang pagkakasabi ko at tumawa. May pa-hampas pa siya sa hangin.

"Huwag kang manghihingi sakin ng chocolate, ah." Inirapan ko siya.

Huminto siya sa pagtawa. "Joke lang, eh. Sorry na," aniya at nag puppy eyes pa nga.

"Pero ang ganda niya, ano?" Tanong ko mula sa kawalan habang tinititigan ang kahon ng chocolate. "And then her smile, her laugh. I– anong klaseng ngiti iyan?" Tinignan ko si Sab na nakatingin sakin habang nakangiti.

"Wala naman. Grabe, in love ang beshy ko." Nilapitan niya ako at niyakap. 

"I know itong chocolate lang ang habol mo," pabirong saad ko. She giggled. "I'm not in love. Nagagandahan lang ako sa kaniya. That's it."

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon