07

24 7 1
                                    

“Krisan? Ikaw nga! Hindi mo yata kasama ang kaibigan mo?” Bungad sa amin ni tita Eve pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa pinto. “Ay hindi. Nandito pala si Sabrina kanina at may kasamang isa pang babae na kaibigan niyo rin daw,” dagdag niya pa.

Kita mo iyong babae na iyon, hindi man lang nag-aya na kakain pala dito. “Ahh si Jam po,” saad ko.

“Jam ba pangalan non? Makakalimutin na talaga ako,” ani tita Eve na sinabayan ng mahinang pagtawa. “Sino naman iyang magandang babae na kasama mo?” Tinignan ni Tita eve si Zhen na nasa gilid ko nga pala. Nawala sa isip ko.

“Hello po. Zheneya po,” pagpapakilala ni Zhen kay Tita Eve. 

“Tara dito.” Sinenyasan kami ni Tita Eve na sumunod sa kaniya at dinala kami sa lamesa na malapit lang sa counter. “Para mas madali kong maibigay ang pagkain niyo,” malambing na aniya.

Nagulat ako ng hilahin ni Zhen ang isang upuan tsaka ako sinenyasan na umupo dito. Mariin akong napalunok dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

“Magkaklase kayo?” Tanong ni Tita Eve na umagaw ng atensiyon namin. 

“No. She’s one of my student,” mahinahong sagot ni Zhen pero ako lang ba ang nakapansin na parang nagdalawang isip siya?

“Talaga? Hindi halata dahil mukhang magka-edad lang kayo,” manghang saad ni Tita Eve na nagpangiti kay Zhen.

“ Ilang taon lang naman po ang tanda ko kay Faye,” sagot ni Zhen which is true. Hindi naman ganon kalayo ang edad namin.

Hiningi na ni Tita Eve ang order namin. Medyo hindi ako nakapag decide ng kakainin ko dahil ewan ko ba, kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Or maybe because she’s around? I mean, ngayon lang nangyari na inaya niya akong kumain na kaming dalawa lang, even may ibang kasama before ay mga co-teachers niya lang din naman.

“Magkakilala na pala kayo.”

“A-Ahh y-yes.” Bakit ako nau-utal? 

“Since when?”

I cleared my throat dahil pakiramdam ko ay may nakabara dito bago sumagot. “Kanina lang umaga. Inaya ako dito ni Sab na kumain.”

“Ito na ang order niyo.” Isa-isang inilapag ni Tito Ant ang mga pagkain namin sa lamesa. “Wait lang iyong inumin niyo kasi nire-ready pa ni Eve. Anything else?” 

Nagkatinginan kami ni Zhen. “Wala na po,” sagot ko sa tanong ni Tito Ant.

Nang umalis siya ay tsaka namang dating ni Tita Eve na may dalang tray ng inumin namin. “Para sa mga magagandang dalaga.”

Mahinang tumawa si Zhen. “Salamat po.”

“Walang anuman. Tawagin niyo lang ako o kaya si Ant kung may kailangan pa kayo,”  

“Okay po tita. Thank you po ulit,” pagpapasalamat ko. 

Tinignan ako ni Tita Eve at ngumiti bago siya umalis para bumalik sa likod ng counter.

“Tita? Akala ko kaninang umaga lang kayo nagkakilala?” 

Humigop muna ako ng sabaw ng sinigang. Grabe, ang sarap talaga nilang magluto dito, sakto ang asim at alat pero hindi mabawasan ang kaba na nararandaman ko. “Aksidente ko kasing tinawag na tita si Tita Eve. Okay lang naman daw.”

“Ang sarap ng luto nila. Too bad kulang ang oras ko para maglabas pasok sa school,” aniya.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko. “Paano kung sa loob sila magtayo ng karinderya?” 

“That’s a good idea.”

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pagsang-ayon ni Zhen sakin. Simpelng bagay lang iyon pero ang laki ng impact saakin.

Teacher's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon