"Sab iyong bunganga mo ang sakit sa tainga!" Naiiritang saad ni Jeans kay Sab habang may pakamot pa ng ulo. "Alis na nga ako."
Pinagmamasdan ko kung paanong lapitan ni Jeans si Kent. Lalaking lalaki kumilos ang bakla.
"So, ano na nga? Ano bang nakasulat sa papel?"
Pang ilang tanong na sakin ni Sab iyan simula kanina. Ang bilis kasi ng chismis dito sa school, paglabas ko pa lang nakasalubong na sakin si Sab. Naka-chikahan niya agad si Devine at Talya.
"Bukod sa naka-estatwa ka lang daw habang nakatingin kay Glen, ano nga bang nakasulat sa papel? Bilis na!" Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at inalog-alog. "I'm begging you!"
Padabog kong inalis ang dalawang kamay niya na nakahawak sa magkabilang balikat ko. "Bakit hindi mo sa kanila itanong? Tutal alam naman nila."
"Eh kasi ikaw mismo nakakita ng malapitan kaya ikaw ang mas nakakaalam ng nakasulat doon," pagdadahilan niya. "At tsaka sayo lang ako naniniwala," dagdag niya pa na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako.
"Can I court you?"
"Huy hindi tayo talo!" Maarteng saad ni Sab sabay talikod.
"Baliw. Ayan ang nakasulat," natatawang saad ko sabay mahinang hinila ang buhok niyang nakalugay.
Hinarap ako ni Sab na may naglalakihang mga mata at naka korteng 'o' ang bibig. "Oh. My. For real? No way!"
"Hindi naman big deal iyon. Ang sabi kasi dapat may plot twist," seryosong saad ko. Baka kasi palakihin niya pa.
"Napaka manhid mo talaga. Alam naman natin pareho na may gusto sayo si Glen."
"Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na wala siyang pag-asa. For sure naman naintindihan niya iyon," saad ko at pinagmasdan ang mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin, nasa hallway kasi kami. "Huminto na siya months ago."
"Maybe he found out na he really likes you."
Tinignan ko si Sab. "Hindi na magbabago isip ko," saad ko at naglakad pero nakakailang hakbang pa lang ako ng harangin ako ni Sab.
"Hindi naman utak mo ang magbabago, eh." Itinuro niya ang kaliwang dibdib ko "Ito."
Inirapan ko siya bago lagpasan. Alam naman niya na ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa amin ni Glen. Kahit anong gawin ko ay wala talaga akong feelings para sa kaniya.
"Si Ma'am Lugaw teacher niyo ngayon, hindi ba?" Tanong ni Sab sa akin habang humahabol.
"Oo, bakit?" Tanong ko pabalik. Huminto ako sa paglalakad nang makarating kami sa harap ng classroom ko.
"Kanina kasi narinig kong binabanggit niya ang name mo. May nangyari ba?"
Kunot noo ko siyang tinignan. "Ha? Anong binabanggit?"
"Naglalakad lang siya tapos–like, ano. Basta sinasabi niya pangalan mo."
"Baka naman nagre-record lang siya ng pangalan sa list niya," saad ko dito. Ayaw kong umasa, ano.
"Anong record? Nakikinig ka ba? Ang sabi ko binabanggit niya lang ang pangalan mo," aniya sabay kurot sa braso ko.
Napa-aray ako dahil dito kaya hinampas ko ang kamay niya na ikinatawa niya. Baliw ammp.
"Sige na, diyan ka na. Kung ano man iyon malamang ngayon mo malalaman. Tapos chika mo agad sakin, ah! Byeee."
"At nawala na nga ang chikading."
"Hello Devine," bati ko dito at ngumiti.
"Ayy hello Chryzantha! Ang blooming mo today, ano meron?" Aniya sabay tusok sa tagiliran ko.
Hindi ko alam pero gumagaan na ang loob ko kay Devine at Talya, siguro dahil magaan sila kausap.
"True! Maraming bubuyog ang lalapit sayo niyan," panggagatong naman ni Talya.
"Magpapalibre kayo, ano?" Mataray na saad ko dito.
"Huy hindi, ah! Kino-compliment ka lang namin kasi totoo naman," saad ni Devine.
"True." Gatong talaga itong si Talya. Minsan iniisip ko baka napipilitan na lang itong itolerate ang kaibigan niya.
Nahagip ng mata ko si Ma'am Roberts na naglalakad sa hallway palapit sa direksyon namin kaya hinawakan ko sa braso sina Talya at Devine at hinila papasok ng classroom. Ilang saglit pa ay kasunod na naming pumasok si Ma'am Roberts.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa upuan ko. Anong meron? Bakit ang ganda niya today? I mean, araw-araw naman siyang maganda pero parang may iba ngayon.
"Vontemar!" Saglit akong nanigas sa kinatatayuan ko nang tawagin ni Zhen ang pangalan ko. "Dito ka sa harapan umupo. May ipagagawa ako."
Sinunod ko ang sinabi niya at umupo sa bakanteng upuan sa harapan na malapit sa table niya. Ibinaba ko muna sa upuan ang bag ko bago umupo kaya ang ending ay magkaharap kaming dalawa.
"Ano iyon, Ma'am?" Simpleng tanong ko dito. Sa mga papel na nakapatong ako nakatingin dahil hindi ko siya magawang tignan ng diretso. Ewan ko ba, nahihiya ako.
"Just sit here. Simula ngayon until the end of school year dito na ang pwesto mo," saad ni Zhen. "Bawal umangal," dagdag niya pa.
"Anong mangyayari kapag umangal ako?" Tinignan ko si Zhen.
"Wala kang choice," sagot niya bago tumayo at naglakad papunta sa harapan ng klase.
Anong trip non at dito ako pinaupo? Gagawin niya ba akong utusan dito?
"Excuse me."
"Bakit nandito ka? Doon ka sa likod!" Tinignan ko ng masama si Glen pero hindi siya nagpatinag, umupo talaga siya sa tabi ko.
"Nakipagpalit ako ng pwesto, ang layo mo na kasi," saad niya habang nakangiting aso.
Hindi na ako sumagot dahil nag umpisa nang mag discuss si Zhen. Sa kanya lang ako naka focus the whole timr kahit dinadaldal ako ng dinadaldal ni Glen ng patago. Hindi ko siya pinapansin dahil mas importante ang discussion, right? Right.
"Totoo ba iyon, Ma'am na if you love someone you must be willing to take the risk?" Naagaw ni Jeans ang atensyon ko.
Teka ano na bang topic namin? Ang layo ng tanong niya sa lesson, ah.
"I would say. . ." Saglit na natigilan si Zhen. Bumilis ang tibok ng puso ko nang tingnan niya ako. I know ilang segundo lang iyon pero alam kong tinignan niya ako, or maybe iyong lamesa lang ang tinignan niya? "It depends. Some people aren't worth the try. But the real question is are you willing to lose everything for someone you are not hundred percent sure will choose you back?"
Tumahimik ang buong klase dahil sa sinabi ni Zhen. Kahit itong katabi ko ay nanahimik.
"That will be your assignment for today. Bukas niyo iyan ipe-present sa harap one by one. And for the love of this existence walang mag-search sa internet," dagdag ni Zhen. Nagtawanan ang mga kaklase ko habang ang iba ay parang kiti-kiti na kinikilig sa excitement. Iyong iba naman nagreklamo pa na bakit daw kailangan pa i-present. "May grades iyan kaya ayusin niyo class."
"Yes, basta si Chryzantha? Worth it iyon."
Tinignan ko si Glen. Nakangiti siya pero alam kong pilit kang iyon. "Hindi ka ba napapagod ma-reject?" Tanong ko dito.
Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "N-No. I mean, deserve mo kasing itrato ng tama." Humina ang boses niya.
Bumuntong hininga ako. "Sinasayang mo lang ang oras mo."
"Hindi sayang iyon kung sayo ko naman siya uubusin."
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomanceChryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang naiwan, hindi naman siya nagsasawa sa pagmumukha ng mga nagiging kaklase niya. Naniniwala siya na you...