"We will be having an activity. Pick your own partner. By pair lang."
Tinignan ko ang mga kaklase ko. Nagsimulang umingay ang buong classroom at ang iba pa ay nagtatayuan para lumipat ng pwesto.
"Partner tayo!"
Nilingon ko si Devine. Kay Talya siya nakatingin.
"Hindi tayo puwedeng magsama baka bumagsak tayo, pareho tayong bobo." Napakagat ako sa labi ko nang marinig ang isinagot ni Talya.
"Walanghiya! Kaya nga bagay tayong magkasama," saad ni Devine at umirap.
"Santa." Nilingon ko ang tumawag sakin. Ang laki ng mga ngiti niya. "Partner tayo?"
"May partner na ako," sagot ko dito.
"Sino?"
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita si Aaron sa isang sulok. Nagtama ang mga mata namin kaya kusa akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Wanna be my partner?"
Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa. "Sure."
Ngumiti ako sabay upo sa bakanteng upuan na nasa gilid niya.
"Pre, hinahanap ka daw sa office."
Napa-irap ako ng malaman kung sino ang nagsalita.
"Bakit daw?" Tanong ni Aaron kay Glen.
"Ewan. Puntahan mo na lang para malaman mo. Baka dahil don sa ABM student na pinaiyak mo kahapon," sagot ni Glen dito.
Dali-daling tumayo si Aaron at lumabas ng classroom. Hindi pa siya nagpaalam kay Ma'am Rhi.
Umupo si Glen sa kaninang inupuan ni Aaron. Ipinatong niya ang siko niya sa hand desk sabay patong ng baba niya sa kamay niya habang nakangiting tumitig sakin.
Sumandal ako sa upuan ko at humalukipkip. Hindi niya ako madadala sa pagpapacute niya.
"Iyong pinaiyak niya na ABM student, last week pa iyon."
Kunot noo ko siyang tinignan. "Ang lakas talaga ng trip mo sa buhay."
"Gusto nga kasi kitang ka-partner," saad niya pa at ngumiti na parang aso.
Napabuntong hininga na lang ako. "So hindi siya hinahanap sa office?" Tanong ko dito na tinanguan niya. "Alam na kapag ilang linggo kang absent," natatawang saad ko na may kasamang iling.
Kilala kasi si Aaron na mahilig mang-abang sa labas ng gate nitong school. Basagulero, mahilig sa gulo, pasaway na estudyante, at marami pa.
"At tsaka kilala ko si Aaron, dakilang siraulo iyon. Hindi ka dapat lumalapit don," dagdag niya pa.
At siraulo. . .
Hindi ko naisip iyan. Totoo naman ang sinasabi ni Glen. Hindi ko na mabilang sa kamay kung ilang beses nang pinatawag sa guidance si Aaron. Nakakapagtaka nga kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa siya.
"Ma'am puwedeng tatlo?"
Nilingon ko si Devine na sumigaw. Puno ng pagbabakasakali ang mukha niya maski si Talya na nasa tabi niya.
"Ang sabi ko by pair lang!" Mariing sagot ni Ma'am. Pasigaw pa dahil nasa dulo sina Devine at nasa harapan siya. "Okay! Listen student!" Malakas na hinampas ni Ma'am ang kahoy na lamesa gamit ang meter stick niya. "You with your partner have to show how to protect the environment. Maga-acting kayo."
Nagbulungan ang mga kaklase ko habang tahimik lang ako dito at nakahalukipkip na nakatingin kay Ma'am Rhi. "Tahimik! Ang sakit sa tainga para kayong lamok!" Muli niyang hinampas ang lamesa gamit ang meter stick. "But with a twist. Kayo na bahala kung anong twist ang gagawin niyo. May grado iyon. Any question?!"
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomanceChryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang naiwan, hindi naman siya nagsasawa sa pagmumukha ng mga nagiging kaklase niya. Naniniwala siya na you...