"Bakit nakasimangot ka diyan?"
Inirapan ko si Sab.
"Ang init na nga ng panahon tapos ang init pa ng ulo mo," dagdag niya pa.
"Mainit na nga ulo ko dadag-dagan mo pa," inis na saad ko.
"Eh kasi naman." Ilinapag niya sa lamesa ang iniinom niyang shake. "Ano bang nangyari?"
Sumandal ako sa inu-upuan ko. "Si Devine at Talya kasi kanina walang ginawa kundi ang magchikahan kaya hindi ako naka sagot sa recitation."
Pinaningkitan niya ako ng mata habang inililibot ang tingin sa buong mukha ko. "Akala ko si Lovely seatmate mo? Pero sure ka kina Talya ka naiinis at hindi doon sa pinag uusapan nila?"
"Alam mo–nakakainis kasi. Sa harap ko pa mismo nag-chikahan. Sana nga hindi na lang inilipat ng section si Lovely, eh." Sa inis ko ay napabuntong hininga ako.
"Eh kasi nga alphabetical order. Pwede ka naman makipag palit, maarte ka lang," mataray na saad niya bago sumipsip sa shake.
"Mahirinan ka sana," bulong ko at umirap sa kawalan.
"Ano–" kunot noo kong tinignan si Sab. Umuubo siya habang humihigop ng hangin. Pinunasan niya pa ang lumalabas na luha sa mga mata niya.
"Huy! Okay ka lang?" Tanong ko dito at sinubukan siyang hawakan sa balikat pero hinawi niya ang kamay ko.
Nagpatuloy siya sa pag ubo at yumuko. Ilang sandali lang ay tumigil na siya sa pag ubo bago umupo ng maayos. May bakas pa ng luha sa mga mata niya. "Nasamid ako," aniya na ikinatawa ko.
Pinigilan ko ang tawa ko. Tinakpan ko pa ang bibig ko kasi nagmumukha akong masamang kaibigan dito, oh.
"Sige itawa mo iyan. Tumanda ka na sanang single," inis na saad niya sabay irap sakin.
Tumikhim ako para ibalik sa ayos ang lalamunan ko, para kasing natuyo siya kakapigil ko ng tawa. "So," panimula ko. "Tara na sa klase natin?" Tanong ko dito.
Hinalo-halo ni Sab ang shake niya gamit ang straw at tumingin sa akin ng seryoso. "Sige, basta I-chika mo sakin mamaya 'yan, ah?"
"Oo, pag uwi."
Bumalik sa dati ang mukha niya, mukhang masayahing pomeranian at ngumisi.
Sabay kaming pumunta ng building namin. Actually, nauna siya dahil nasa bungad lang ang building nila habang ako ay nasa medyo dulo pa, magka iba kasi kami ng strand. ABM student siya at HUMSS ako, pareho sila ni Jam pero magkaiba ng schedule.
Pagpasok ko ng building ay para akong nasa opisina, magkabilaan ang mga classroom. Nakakahiya pag na late ka kasi malaki ang babasagin na bintana ang nandito. Kitang-kita ka na naglalakad sa hallway.
"Faye!"
"Ay sopas–" tinakpan ko ang bunganga ko. "S-Sir. Sander." Bakit kasi bigla-bigla na lang sumusulpot ito?
Nasa loob siya ng classroom na dinaanan ko nang bigla niyang buksan ang pinto at tawagin ako. Hindi ko nga siya napansin pero ako napansin niya.
"Anong next class mo?" Tanong niya.
Inalis ko na ang kamay ko sa bibig ko at ngumiti. Hindi niya naman siguro narinig ang sinabi ko, ano? "Kay Ma'am Roberts po, Sir," sagot ko.
"Huwag ka na mag-po, okay na ang sir lang," aniya. Eh, gusto ko bakit ba?
"Okay, Sir. Alis na ako," ani ko sabay turo sa classroom ko na nasa kabilang dulo lang. Tinignan niya lang ako at ngimiti sabay tango kaya naglakad na ako palayo. Ang weird talaga non.
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomanceChryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang naiwan, hindi naman siya nagsasawa sa pagmumukha ng mga nagiging kaklase niya. Naniniwala siya na you...