CHAPTER ONE

493 6 0
                                    

Elara Anaya Soler

"Alam mo feeling ko,may gusto sayo ang lalaking iyon"ani ni Sammy sa akin

Naglalakad kami ngayon papunta sana sa principal's office dahil kailangan kaming makausap ng prinsipal

Kung hindi lang kamo hinarang ng hilaw na espanol na iyon

"Sa dami ng babae nun,malabong mapasama ako"ani ko rito

"Tama ka naman diyan"

Ngumiwi nalang ako ng maalala ko iyong nakita ko noong nakaraang araw

Si Dravin kasi ay may kahalikang babae sa Garden ng school

Wala kasing masyadong mga estudyante ang pumupunta roon lalo na at oras ng klase ng mga oras na iyon

Kulang na nga lang ay maghubaran na silang dalawa kong makahalik sila sa isa't isa

Napailing nalang ako sa alaalang iyon

Palibhasa mayaman at basketball player kaya naman sikat

"Good afternoon Miss Sotto"bati naman sa prinsipal na nakaupo sa upuan niya pagkarating namin

"Oh,hello guys, you're here, please sit down"tinuro nito ang upuan na nasa harapan ng mesa niya

Umupo ako sa gawing kanan at si Sammy ay sa kaliwa habang si Paul ay tumayo sa tabi ng girlfriend nito

"Bakit niyo po kamo pinapatawag?"tanong ko rito

Ngumiti ito sa amin bago nagsalita

"Next month kasi ay magkakaroon ng Camping ang nursing at engineering,dahil ikaw ang President ng nursing Lara,pwede ba kitang asahan rito?"

"Ilang araw po ba kami roon maam?"tanong ni Sammy

"Three nights and four days"sagot nito

Alam ko na agad ang gustong ipahiwatig ni maam sa sinasabi niya kaya naman tumango tango nalang ako

"Makakaasa po kayo rito sa kaibigan ko ma'am"pagbibida ni Sammy

"I know"sagot ni ma'am habang nakangiti

Hindi naman kami nagtagal sa opisina ni ma'am dahil hindi naman ganoon karami ang pinagusapan namin

Hindi ko naman talaga gustong maging president pero nga dahil hanggang ngayon ay pinapanatili ko ang pagiging kasapi Dean's list ay pinili ko nalang rin tumakbo

"Sasama ka pa ba sa amin gumala?karaoke tayo"yaya ni Sammy

Umiling ako rito

"Kailangan ko na umuwi eh,may pag uusapan kami ni mommy"

Lumungkot ang mukha nito kaya naman ngumiti nalang ako

"Babawi ako bukas"

"Sure yan ha?"tanong nito

Tumango lang ako rito

Nagpaalam rin ako kay Paul bago lumihis ng daan sa kanila

Sumakay ako ng taxi pauwi

"Mmy,andito na ako"sigaw ko pagkapasok ng bahay

"Nasa kusina ako"sigaw nito

Dali dali akong naglakad papunta roon at naabutan ko siyang nagluluto

"It's already 6pm Ela,why are you late?"tanong nito

Niyakap ko ito habang nakatalikod siya

"Pinatawag pa kasi ako ni Miss Sotto,mmy"ani ko rito

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon