CHAPTER 16

197 4 0
                                    

ELARA

Hindi naman ako nagtagal sa apartment ng kaibigan ko dahil pagkatapos ng pag uusap namin ay umuwi agad ako ng masiguro kong makakaya niya na

hindi ko sinabi sa kanyang okay lang lahat kasi hindi okay iyon, kung sa akin rin siguro ginawa iyon ay baka magkulong ako sa kwarto ng ilang buwan.

katulad kanina pagkaalis ko ay dahan dahan lang din ang naging paglalakad ko papasok ng bahay at paakyat ng hagdan dahil ayokong may magising na kahit sino 

Lalo na si Mommy

iikutin ko na sana ang doorknob ng kwarto ko ng may magsalita sa likod ko 

"it's already 4am where have you been?"tanong nito

dahan dahan akong umikot paharap sa kanya bago siya nginitian ng pilit 

sinenyasan ko siyang wag maingay bago ko hinawakan ang braso niya at pinapasok sa kwarto ko 

ewan ko rin kung bakit ko ginawa iyon.

sa tulong ng lampshade na nasa tabi ng kama ko ay nakikita ko ang itsura nito kahit medyo madilim ang paligid

"so?"tanong nito sa akin ng nakataas ang kilay habang naka cross ang mga braso at naka sandal sa sandalan ng kama ko 

"g-galing ako sa bahay ng kaibigan ko-"

"who?"simpleng tanong nito 

"kay Sammy"ramdam ko ang pamamawis ng palad ko dahil sa kaba natatakot kasi ako na baka isumbong niya ako kina mommy

"why?"

kinagat ko ang labi ko bago siya sinagot 

"break na sila nng boyfriend niya"

hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon o totoong ngumisi ito

"Jace will be happy bout that news"bulong nito pero rinig ko pa rin 

"ha?" tanong ko rito 

para lang masiguro ko na totoo iyong narinig ko 

"Nothing" sagot niya habang nakangiti 

umiling iling nalang ako bago tumingin sa labas 

madilim parin dahil nga alas kwatro pa naman ng gabi

"you should be sleeping you know?baka naman magalit na naman ang Papa ko kabag nalaman niyang gsing ka pa at this hour" ani nito kaya napabalik ang tingin ko rito 

nakita kong gumuhit ang sakit na nakita ko sa mga mata niya nnoong sinugod siya ni Tito Santi 

"tungkol pala doon sa nangyari sa bahay kubo-"

"Don't mention it" putol nito sa sinasabi ko 

napayuko ako ng dahil doon 

gusto kong magsorry dahil siya pa ang nasisi ng Daddy niya sa nangyari na kung tutuusin ay wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang alagaan ako buong magdamag 

"I'm used to it" napaangat ulit ang tingin ko sa kanya ng sabihin niya iyon 

"D-Dravin" tawag ko sa pangalan nito 

dahil katabi niya lang naman ang lamshade ay kita ko ang pagpatak ng luha niya habang nakayuko siya 

bumagsak ito sa kumot ko na nakabalot sa mga tuhod niya 

humakbang ako palapit sa kanya bago ko hawakan ang balikat niya 

umiling iling ito bago nag angat ng tingin sa akin

doon ko nakita ang pamumula ng ilong at ng mga mata niya 

"I was just a kid, I was just a kid when my mother Died. It was supposed to be my birthday, but it  became the anniversary of my mother's death"

"Kaya ba ayaw mong isene celebrate ang birthday mo?" tanong ko rito tumango tango naman ito 

ngayong mas malapit siya sa akin ay ngayon ko naamoy ang alak na galing sa kanya

it means uminom siya 

"He never loved my mother, never" ani nito sa akin 

"They are both Victims of arranged marriage. Although mother loves him, he never loved her back. That's why seeing him so happy with your mother right now makes me hate him even more." ani nito 

hinawakan niya ang palad ko bago doon humikbi 

hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko o kung anong gagawin ko.

pero isa lang ang sinasabi ng utak ko. kailangan kong makinig sa mga hinaing niya

"paano mo naman nalaman na hindi niya minahal ang mommy mo?" tanong ko rito sa malumanay na boses dahil ayokong isipin niyang kinokontra ko ang mga sinasabi niya

"I just felt it"

napangiti ako ng dahil doon

"then it's not true" ani ko rito 

nag angat ito ng tingin sa akin bago napasimangot ng makitang nakangiti ako

"If they didn't love each other then YOU wouldn't exist, because you are the proof of their love" ani ko rito bago ngumiti 

bigla itong humikbi habang nakatingin sa akin 

tumawa naman ako dahil para siyang bata na nagsusumbong sa akin dahil inaway siya ng nakalaro siya

"I hate him, I hate him so much" ani nito bago sumobsob sa leeg ko at umiyak 

maya maya pa ay naramdaman kong tumatahan na ito at nagiging maayos na rin ang paghinga niya kaya naman dahan dahan ko na siyang ihiniga ng maayos dahil nabibigatan na rin ako sa kanya 

doon ko nakita na nakatulog na ito 

pinunasan ko ang luha na nasa pisnge nito bago ako humiga sa tabi niya

tinitigan ko ang mukha nito at napangiti ako 

sinong mag aakala na ang the one and mighty playboy ng Elnora University ay isa palang iyakin na tao?

Hinawakan ko ang mukha nito nito at hinawi ang buhok niya na humaharang sa mata niya

"Sana dumating ang araw na magheal ang sugat mo at matutunan mo ang magpatawad,Sana rin dumating ang araw na piliin mong sumaya at maging malaya kesa manatili sa nakaraan. because you deserve to be happy" ani ko rito habang nakapikit 

maya maya ay nakatulog na rin habang yakap parin siya dahil kahit hanggang sa pagtulog nito ay humihikbi parin ito 

hinayaan ko nalang siyang makatulog sa kama ko dahil ayaw kong isipin niyang nag iisa siya.

minsan talaga may mga bagay na pumipigil sa atin na magpatuloy at harapin ang hinaharap lalao na kong parte ito ng pagkatao natin pero dalawa lang iyan eh.

bitawan mo ang bagay na iyon at magpatuloy o magpahila ka sa tali ng nakaraan at makulong sa mga alaala na hindi mo pwedeng balikan.

may mga bagay naman talagang mahirap kalimutan, pero sabi nga nila hindi masama ang lumingon sa pinanggalingan  pero dapat hanggang lingon nalang at wag ng babalikan.

napadilat ako ng biglang humigpit ang yakap nito sa akin to the point na nahihirapan na akong huminga

hinampas ko ang braso nitong nakapalibot sa bewang ko 

"D-Dravin" ani ko rito

unti unti niya rin naman itong binitawan 

akala ko tapos na iyon pala hindi pa

hinawakan nito ang mukha ko bago ako hinalikan sa labi 

hinalikan niya ako ulit..........


Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon