CHAPTER 17

210 4 0
                                    

ELARA

HE KISSED ME.....

Nang magsink in sa akin ang nangyayari ay dali dali ko siyang itinulak palayo sa akin 

muntik pa itong mahulog sa kama kung hindi lang ito nakahawak sa night stand kung saan nakalagay ang lampshade ko 

nakasimangot ito habang nakatingin sa akin na para bang kasalanan ko pa kung bakit ko iyon nagawa

"why did you pushed me?"tanong nito sa akin 

"eh gago ka pala nanghahalik ka bigla"sigaw ko rito 

ngumisi naman ito sa akin bago itinapat ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig na para bang sinasabi niya na huwag akong maingay

binato ko ito ng unan na malapit sa akin pero tumawa lang ito 

"bumalik ka na nga sa kwarto mo mukhang hindi ka naman na lasing eh" ani ko rito

Humagikhik lang ito bago tumayo at bumalik sa pagkakahiga sa kama

Dahil sa tingin ko ay hindi na talaga siya aalis sa kwarto ko ako na ang nag adjust.

Tumayo ako bago naglakad palabas ng kwarto at dumeretso sa kwarto niya na kaharap lang ng kwarto ko.

Humiga na ako sa kama niya at pinikit na ang mga mata ko.

Nagising ako kinaumagahan dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin

Isa pa,parang may mabigat na kung ano na nakadagan sa may tiyan ko

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at halos mapatalon ako sa gulat .

Nakatitig kasi si Mommy sa akin habang nakangiti

"Mommy,anong ginagawa mo dito?" Tanong ko rito

"I should be the one asking you, right? Anong ginagawa mo rito anak?" Tanong nito habang nakangiti pa rin

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa pagkakangiti nito

"Bakit ka po nakangiti?"

Inginuso nito ang katabi ko

Nung una ay hindi ko pa naintindihan ang ibig sabihin nito pero nang maramdaman ko ulit ang mabigat na bagay na nakayakap sa akin ay doon ako napalingon sa katabi ko

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Dravin sa tabi ko

Mahimbing ang tulog nito at medyo nakanganga pa

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya pero agad rin nabura iyon ng biglang nagsalita si Mommy

Ni hindi ko nga naalala na andito pala siya

"So,anong meron sa inyo?"tanong nito

"Mommy wala po" ani ko rito bago ako ngumiwi

"Eh bakit may pa hug?"asar niya sa akin

Naalala kong nakayakap pala sa akin ang lalaki kaya naman dali dali ko itong itinulak palayo sa akin

Umungol ito bago umikot paharap sa may pinto

"Lasing yan kagabi mmy,doon pumunta sa kwarto kaya naman ako nalang ang natulog dito, hindi ko alam kung paano siya nakapunta rito"ani ko

Tumango tango naman si Mommy pero nakangiti pa rin

"Mmy" saway ko rito

Wala naman problema si kay Mommy kung magbo boyfriend ako basta ang lagi niyan paalala

"Tandaan mo palagi ha,hindi masama ang magboyfriend basta pag aaral muna ang unahin, and no secrets "

Ani nito

Pasimple akong umirap habang nayuko dahil sa mga pinagsasabi niya

"Mmy hindi ko po siya gusto-"

"Anak kita" napaangat ako ng tingin rito

"Mommy mo ako, kaya kung may nakakakilala man sayo ng higit sa sarili mo,ako iyon"

Hindi ako nakapagsalita at nanatili nalang nakatingin sa kanya habang sinasabi niya ang mga iyon

Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magsalita o makinig nalang sa kanya

Biglang gumalaw ang katabi ko at maya maya pa ay unti unti nitong idinilat ang mga mata niya

Katulad ng reaksyon ko kanina au nagulat rin ito ng makitang nasa loob ng kwarto niya si Mommy

"Tita" tawag niya sa mommy ko

Ngumiti naman si Mommy rito

"Good morning Dravin" ani ni mommy bago ibinalik sa akin ang tingin

"Hindi mo pa maamin sa sarili mo ngayon iyan pero darating ang araw masasabi mo rin na tama ako" ani niya

Ngumiti pa ito sa Amin bago naglakad palayo at palabas ng kwarto

Hinawakan ko ang dibdib ko ng maramdaman kong sobrang lakas ng tibok nito

"What's happening?" Tanong bigla ng katabi ko kaya naman napabalik ako sa reyalidad

Dali dali akong tumayo at binato ng unan ang lalaki bago ako lumabas ng kwarto nito

Dumeretso ako sa kwarto ko bago naghanap ng pantalon at t-shirt dahil papasok ako ngayon

Bago kasi ako natulog kagabi ay nagchat ang teacher namin sa group chat na mau pasok na kinabukan dahil napagdesisyonan nalang wag ng ituloy ang activity dahil karamihan sa mga estudyante ay napagsi uwian na rin

Kaya hito ako ngayon,naliligo sa banyo.

Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako bago nagbihis at kinuha na ang mga gamit ko

Naglagay lang ako ng lipgloss para naman hindi ako ganoon kaputla pagpasok

Pagkalabas ko ng kwarto ay dumeretso ako ng kusina para sana uminom ng tubig

Kaso naabutan ko sila Mommy at Tito Santi na kumakain ng almusal

"Breakfast?"tanong sa akim ni Tito Santi

Ngumiti ako dito bago ako umupo sa pwesto ko

Dahil kaharap ko si Dravin ay madali lang para sa akin na masilayan ito

Naka ayos na ito at halatang kakaligo lang dahil basa pa ang buhok niya

Umaabot rin hanggang sa pwesto ko ang pabango na ginamit niya

"We have something to tell for the both of you"

Napatingin ako kay Tito Santi na sabihin niya iyon

Magkahawak ang dalawa niyang kamay habang nakapatong ito sa mesa na pinagitnaan ang plato niya habang nakatingin sa amin

"Aalis kami bukas ng mommy niyo"

Ng sabihin iyon ni Tito ay napatingin ako sa kaharap ko

Nakita kong ngumiwi ito pero nagpatuloy pa rin naman sa pagkain

Ibinalik ko ang tingin sa matandang lalaki bago ako nagtanong

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ko rito

"Pupunta kami ng Spain dahil may pinapa asikaso sa akin ang grandparents ni Dravin, we'll be back in three days" ani nito sa akin

"Kailangan bang kasama si Tita?"tanong ni Dravin sa tatay niya

"Dravin" saway ni Tito rito

Umiling lang ang lalaki bago ito nagpatuloy sa pagkain

Lumingon sa akin si Tito bago ito ngumiti ng matamis

"Don't worry, Dravin will take care of you".......


Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon