CHAPTER 30

209 3 0
                                    

ELARA

Attorney Belmonte?..

Tinitigan ko ang lalaki na ngayon ay nakatitig din sa akin habang nakangisi

"Y-you, You're the One-"

Naglakad ito palapit sa akin at noong nakapalapit na ay yumuko siya at bumulong

"Nice seeing you again Lara" Ani niya bago hinalikan ang pisnge ko

Nanlamig ang kamay ko ng maramdaman ko ang labi nito sa balat ko

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking iniiwasan ko ay nandito lang pala sa harapan ko

Ang lalaking inaaway ko kanina lang ay ang lalaki palang minahal ko.

Natigil Ang pag iisip ko ng biglang may tumikhim

"Ma'am, umalis na si Attorney, kailangan niya raw po puntahan Ang girlfriend niya"

Right.. he's in relationships, to whom? Maybe to Trish.. he confessed to her before I left right?

"Oh right, I need to go, I'll be back tomorrow" ani ko sa kanya bago inayos ang lamesa ganoon na rin ang mga gamit ko

"Kaano- ano niyo po si Attorney ma'am? Para kasing may something sa inyong dalawa, parang may past-"

"Shut up Leizel" I warned her

Pero mukhang walang narinig ang babae at nagpatuloy lang itong magsalita

"Nako si ma'am, ex mo ba si Attorney?"

"He's my step brother okay, it was just I haven't met him since I got here" paliwanag ko rito para lang tumahik na siya

"Step brother lang ma'am? No more?" Dagdag niya pa.

Inirapan ko ito bago ako walang pasabi na umalis

Narinig ko naman itong tumawa at nagsalita na mas lalong ikinainis ko

"Nako ma'am masama ang magsinungaling lalo na sa sarili" ani nito

Hindi ko na ito pinansin at naglakad lang hanggang sa makalabas ako ng firm.

Dahil wala akong dalang sasakyan ay pumara ako ng taxi na saktong dumaan sa harap ng firm at walang sakay

Nagpahatid ako rito sa isang coffee shop na malapit lang sa firm upang kitain ang kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita.

Pagpasok ko sa loob ng coffee shop ay amoy na amoy ko na agad Ang bango ng green tea at amoy ng kape

Amoy na amoy rin ang mga tinapay nila na lalong nagpagutom sa akin

Nakita ko ang isang magandang babae na nakaupo sa pinakadulong bahagi ng coffee shop.

Nakatutok ito sa phone niya habang nakasimangot at nakataas pa ang dalawang kilay

"Wag ka ng babalik ng pilipinas hayop ka" sigaw nito umupo ako sa harapang upuan nito kaya naman napabaling ang tingin nito sa akin

Ang kaninang inis sa mukha at mga mata nito ay unti unting nawala at napalitan ng pagkabigla

Unti unting bumuka ang bibig nito bago namula ang kanyang mga mata

Maya maya pa ay narinig ko na ang hikbi niya pero hindi man lang nagbago ang itsura niya

"What the heck? Are you crying?" Tanong ko rito

Hinawakan nito ang bibig na para bang gulat na gulat talaga siya sa narinig

"Pati ang mura, expensive, parang gusto ko nalang magpamura sayo everyday" ani niya

Napatawa ako ng dahil sa sinabi nito

Dahil sa pagtawa ko ay bigla itong nagtitili bago tumayo at tinakbo ang pagitan namin bago ako niyakap ng mahigpit

Kita ko ang tingin ng mga tao sa amin at para babg nagtataka sila sa amin.

May iba pang nagbubulungan.

"Ikaw nga, oh my gosh, Ang laki ng pinagbago ko, mas lumamang ang ganda mo sa akin ng one percent" ani niya bago pinasadahan ang long sleeve kong kulay puti at ang pencil skirt kong kulay brown

"Mas gumanda rin ang katawan mo" ani niya

Pinagmasdan ko rin ang kabuoan nito at napangiti

Wala man lang nagbago sa kanya maliban lang sa mas nagmature ang itsura at ang katawan niya

Mas tumangkad rin ito at mas lalong lumaki ang dibdib

Mas gumanda rin ang katawan nito  na para bang alagang alaga talaga niya ang kanyang sarili

Kung hindi mo siya kilala ay masasabi mong isa siyang tahimik at mahinhin na babae dahil sa itsura at pananamit niya

Pero ang hindi alam ng karamihan ay kung gaano ka hinhin ang itsura nito ay ganoon naman ka ingay at ka gaslaw ng kilos nito

Para itong Hindi nauubusan ng energy dahil sa pagiging malikot niya

Umupo kami ulit sa kanya kanya naming upuan dahil nahihiya na ako sa mga tingin ng mga tao sa amin

"How are you?" Tanong ko rito

Tinakpan ulit nito ang bibig niya bago umiling

"Ayoko na makipag usap sayo" ani niya

Nagsalubong ang kilay ko dahil doon

"Duduguin ilong ko sayo friend, pumunta ka lang ng ibang bansa naging english ka na"ani nito

"I'm sorry, do I need to speak tagalog?"tanong ko rito

Kaya ko naman talagang magsalita ng tagalog, natutuwa lang ang sa mga reaksyon nito

"Wag na girl, baka mamaya isipin mo hindi ko kayang makipag englishan sayo eh" ani niya bago ako inirapan

"Anyway, kamusta ka na?" Tanong nito

Ang kaninang tanong ko sa kanya ay ibinalik niya rin sa akin

"I'm fine, busy lang sa pinapaasikaso no Daddy" ani ko rito

"Hanggang kailan mo ba aasikasuhin ang firm niyo? Nursing ang course mo pero sa firm ka magtratrabaho, ang weird niyo rin eh noh" ani niya

"Sabi ni Daddy, tsaka ko lang pwedeng bitawan ang pag aasikaso ng firm kapag nakapag asawa ako ng abogado o di kaya ay hintayin ko raw lumaki ang kapatid ko" ani ko rito

"Kapag hinintay mo ang kapatid mong lumaki,wala, uugod ugod ka na niyang panahon na iyan kaya kailangan mo talagang maghanap ng abogado"ani niya

Bigla itong natahimik kaya naman nagtaka ako

"Hindi na pala kailangan" ani niya bago ngumisi sa akin

"Abogado itong kapatid mong hilaw diba? Bakit hindi mo yayain magpakasal?" Tanong niya habang nakangisi pa rin

Umiling iling ako rito

"May girlfriend siya" ani ko bago ininom ang kapeng inorder niya para sa akin

"Ay gusto rin, pero sino nagsabi sayong may girlfriend iyon?" Tanong niya

"Siya mismo" ani ko

Narinig ko itong humagikhik bago bumuntong hininga

"Ano kaya ang plano ng gagong iyon?" Bulong niya pero rinig ko pa rin

Marami pa kaming napag usapan dalawa sa sobrang dami ay hindi ko na rin napansin na gabi na pala

Nagpaalam lang kami ng mag alas sais na dahil may gagawin pa daw siya

Pero bago kami maghiwalay ay may sinabi ito .

"This Sunday, punta tayo bar, text ko sayo address"..........


Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon