CHAPTER 20

213 5 0
                                    

ELARA

"Sila na ni Paul"......

Kahit alam ko namang mangyayari ang bagay na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng kaibigan ko 

hindi ko na tinapos ang pagkuha ng pagkain ko dahil hinawakan ko na ang kamay nito at hihilain sana siya paalis doon pero hindi ito gumalaw 

nilingon ko siya ng may pagtataka pero ngumiti lang ito

"Kuha lang ako San mig" ani niya

napailing nalang ako bago siya binitawan at hinayaang kumuha ng kung ano man ang gusto niyang kunin.

Pagbalik nito ay meron na nga itong dalang apat na bote ng San Miguel apple, nakangiti pa ito habang naglalakad palapit sa akin 

"Akin ang inumin sayo ang pulutan" ani niya bago nginuso ang plato kong may lamang sisig, caldereta, maja at lumpiang shanghai

kukuha rin sana ako ng kanin pero hindi ko na nagawa dahil nga sa balitang sinabi niya. 

Dahil may hawak itong mga bote ng alak ay hindi ko na siya hinawakan pa sa kamay at hinayaan nalang na sumunod siya sa akin

naghanap kami ako ng lugar na kung saan wala masyadong tao para naman okay lang kahit pa maglumpasay siya kakaiyak sa harapan ko dahil wala naman makakarinig sa kanya dahil nga masaya ang mga tao kakaparty ar rinig ko rin ang ingay ng DJ pati na rin ng MC.

Nakahanap naman ako sa awa ng diyos

sa may dulo iyon ng likod ng bahay at medyo malayo sa swimming pool 

hanggang rito ay rinig pa rin naman ang ingay kaya wala talagang problema kapag nalasing siya

pero malabo rin na malasing ito dahil mas mataas ang alcohol tolerance niya kesa sa akin

umiinom lang kasi ako kapag may handaan, siya kapag may problema o kapag may isene celebrate

umupo kami sa sapin na nakalatag rito sa damuhan bago ko nilapag ang pagkain sa harapan namin 

"Oh tag dalawa tayo" ani niya bago inabot sa akin ang isang botse ng san mig apple

binuksan niya ang bote gamit ang ngipin niya bago ito nilaklak agad na para bang tubig lang ang iniinom niya.

Tahimik lang siya habang umiinom ng alak at nakatingin sa mga taong nagkakatuwaan di kalayuan sa pwesto naming dalawa

malamlam ang mga mata niya na kahit wala pa siyang sinasabi ay malalaman mo na agad na nasasaktan pa rin siya 

"Ang hirap El, sobrang hirap" maya maya ani niya

habang nagsasalita siya ay nakatitig lang ako sa mukha niya at dinadama ang sakit na nararamdaman niya

ganito rin ang pakiramdam ko noong makita ko si mama na umiiyak dahil sa tatay ko noong nalaman niyang nagloko.

pakiramdam ko ako mismo iyong niloko

"Ilang taon rin kami, t-tapos" hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil napaluha na siya

dali dali niyang pinunasan ang luha niya gamit ang kaliwang kanang kamay braso niya

hinawakan ko ang kaliwang kamay niya bago ako umusog palapit sa kanya

isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at hinayaan siyang umiyak 

"Ilang taon din kami tapos ipagpapalit niya lang pala ako sa ilang araw niya lang nakilala, although mas matalino iyon sa akin, mas maganda naman ako no" ani niya bago humagulhol 

hinaplos ko ang ulo nito bago ako nagsalita

"Hindi ko masasabi sayong naiintindihan kita, dahil minsan sinasabi lang ng tao na naiintindihan ka nila pero ang totoo hindi, oo naiintindihan nila ang sinasabi mo, pero hindi ang nararamdaman mo, at aaminin ko hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi pa naman ako naloko pero kahit siguro maloko ako ay hindi ko pa rin maiintindihan dahil bawat tao iba iba ang nararamdaman, pero isa lang ang gusto kong sabihin sayo "

isinandal ko ang ulo ko sa ulo niya na nakapatong sa balikat ko bago ako nagsalita

"Hindi man natin alam kung ano ang rason kung bakit nangyari yan, darating ang araw na magiging maayos rin lahat, darating ang araw na kapag naging okay ka na at naging better ang takbo ng buhay mo, mapapasabi ka nalang na , thank you po at hinayaan mong mangyari iyon, ngayon alam ko na kung bakit...sa ngayon damhin mo muna ang sakit, YOUR FEELINGS IS VALID".

sa buong oras na nanatili kami roon ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang makinig sa isa't isa

nang tumigil na sa kakaiyak ang kaibigan ko ay umayos na ito ng upo bago uminom ng alak

"Hindi na tuloy malamig" ani niya 

tumayo ito at nagpaalam sa akin na kukuha lang ng alak kaya naman tumango nalang ako

habang naghihintay ako sa kaibigan ko ay tumayo ako para umihi

habang naglalakad ako papasok ng kwarto ko ay nakita kong nakabukas ng unti ang kwarto ni Dravin 

dahan dahan akong lumapit doon dahil may naririnig akong langitngit ng kung anong bagay at halinghing ng kung sino 

dahil nga naka awang ang pinto ay sumilip ako sa loob 

iyon nga lang maling desisyon ata ang ginawa ko

nanghina ang tuhod ko at halos matumba na dahil sa nakita

Madilim pero sa tulong ng lampshade na katabi ng kama nito at ng ilaw na nagmumula sa labas ng bahay ay kita ko ang lahat

Wala siyang saplot na pang itaas at hindi ko sigurado kung may saplot ba siya sa ilalim dahil nakabalot ng kumot ang ibabang parte ng katawan niya

Nakapatong ito sa babaeng habang hinahalikan ito

wala ring damit ang babae, at hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ba talaga ang ginagawa nila

Ang dapat na pag ihi ko ay hindi na natuloy dahil tumakbo ako paalis

Papalayo sa kwarto

papalayo sa kanya

habang tumatakbo ako ay nagsimula ng tumulo ang luha ko, nababangga ko na rin ang mga taong humaharang sa daan ko pero wala akong pakealam 

napaangat lang tingin ko ng mabunggo ang nuo ko sa isang matigas na bagay 

ng tingalain ko ito ay isa ito sa mga kaibigan ni Dravin

iyong chinese ang lahi 

"umiiyak ka ba?" tanong nito sa akin 

yumuko ako para iwasan sana ang mga mata nito pero hinawakan niya ang baba ko bago iyon iniangat at tinitigan niya ang mukha ko 

ngumiwi ito bago may nilabas na kung ano mula sa bulsa ng short niya

"Punasan mo nga iyang mukha mo, ayokong umiiyak ang baby sister ko baby Sister ko"

kahit may pagtataka sa sinabi niya ay hindi ko na napigilang umiyak sa harapan niya

Ang sakit.........



Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon