CHAPTER 31

198 3 0
                                    

ELARA

Maingay

Mausok

Matao

Iyan ang bumungad sa akin ng dumating ako sa isang bar na itenext sa akin ni Sammy

Na sa labas ka palang ay maririnig mo na ang ingay na nanggagaling sa loob pati na rin ang tawanan, kuwentuhan at sigawan ng mga tao na para bang tuwang tuwa sila sa mga pinaggagawa nila sa buhay nila

Mayroon pang naglalampungan sa mismong entrance at meron naman sa mga madidilim na parte ng bar

Club talaga siya na tanging mayayaman lang ang makakapasok, puwera nalang kung nayaya ka lang ng mga may datong mong mga friends .

Nilibot ko ang paningin ko sa Fantasia Club at nakita ko naman agad ang kaibigan ko dahil kumaway ito sa akin

May mga kasama ito na ang iba ay namumukhaan ko pa habang ang iba naman ay hindi na talaga

Naglakad naman agad ako palapit rito

"Bakit ngayon ka lang?" Bulong nito sa akin na parang pasigaw na rin dahil sa ingay ng mga tao

"Traffic" palusot ko nalang kahit ang totoo ay nagtatalo ang isip ko at ang katawan ko kung pupunta ba ako o sa bahay nalang ako at matulog nalang buong gabi

Pero minsan nalang din kasi kaming magkasama at magkita dahil pare pareho kaming may kanya kanya ng mga buhay na kailangan asikasuhin.

Pinasadahan nito ng tingin ang buong katawan ko

Napangisi ito ng makita na ang suot kong kulay itim na spaghetti dress na hapit na hapit sa katawan ko, paikis pa ang strap sa likod nito

Sa bandang paa naman ay naka heels ako na kulay itim din

Katulad ng strap ng damit ko at nakaikis rin ang strap nito sa paa ko

Ang buhok ko naman na umabot na hanggang siko ko ay nakalugay lang

"Taray ni ante, may patay?" Tanong nito sa akin

Tumawa nalang ako bago umupo lahit Hindi naman ako nito niyayaya

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama nito na busy sa mga kanya kanya nilang buhay

Anim silang lahat tatlong babae at tatlong lalaki

Kung isasama si Sammy at magiging pang pito siya

Lumapit ako rito bago nagtanong

"Who are they?"

"Mga batch ko, wag kang mag-alala maya maya darating sila Saitoo" bulong nito pabalik sa akin

Tumango tango na lang ako bago ko ulit inilibot ang paningin

Natigil lang ang paglinga linga ko ng may iniabot sa akin si Sammy

"Ang pangit naman kung kami lang ang iinom" ani niya

Hindi na ako nagdalawang isip na inumin ang ibinigay niya sa aking Tequila

Pero isang shot palang ay pakiramdam ko na agad ay babaliktad na ang sikmura ko

Hindi naman na ako mabilis malasing, simula ng umalis ako papuntang U.S.A ay nakahiligan ko na rin ang gumimik sa mga bar kasama ang mga naging kaibigan ko sa eskuwelahang pinapasukan ko

Minsan pa nga ay kasama ko si Mama na mag inom lalo na kapag wala siyang magawa sa bahay at kung nag aaway sila ni Daddy

Maya maya pa ay may lalaking tumabi sa akin at ipinatong ang braso niya sa balikat ko

Sasapakin ko na sana kung sino man ang nangahas na hawakan ako ng makita ko ang nakangiti niyang mukha

Pamilyar ang mukhang iyon sa akin, isa sa mga mukhang hindi ko makakalimutan,

Naging sandalan ko kahit sa unting panahon lang

Ngumiti ulit sa akin kaya naman lumiit ulit ang natural ng maliit niyang mga mata

"Hello baby sister, how are you?" Tanong nito sa akin

"Saitoo" ani ko rito

"You still remember me, huh" ani niya bago walang pasabi na niyakap ako

"Oh God knows how much I miss you" dagdag niya sa gitna ng yakapan namin

Hindi naman nagtagal ang yakap niya at humiwalay agad siya sa akin

Katulad ng ginawa ni Sammy kanina ay pinasadahan din nito ng tingin ang buong katawan ko

Kita ko pa ang pag ngiwi nito na para bang hindi niya nagustuhan ang nakikita

"I know that you're an adult now, but you shouldn't have wear something like that, it almost look like you're naked" ani niya bago ibinaling sa harapan ang tingin

"What do you want me to do then?, go home and change?" Tanong ko rito

Umiling lamang ito bago ininom ang alak na nasa kamay niya

Ginaya ko naman ang ginawa nito at ininom ko rin ang alak na hawak ko

Hindi ko na ininda ang pait nito na gumuhit sa lalamunan ko

Umayos ako ng upo at humarap sa mga kasamahan ko bago sila isa isang tiningnan

Iyon nga lang ay natigil ang mga mata ko sa dalawang tao na walang pakealam sa mga kasama nila at para bang silang dalawa lang ang tao sa mundo .

"Who's that girl?" Bulong ko kay Saitoo

Tiningnan niya rin ang babaeng kasama ni Dravin bago ibinalik sa akin ang tingin

"That's Trish, I hope you still remember her"

Ngumiwi ako

How can I forgot the girl who've caused me a heartbreak

Although hindi niya naman alam na may gusto ako sa step brother ko, still nasaktan pa rin ako lalo na noong umamin si Dravin sa kanya sa harap ng maraming tao at ako,

Parang tanga lang na nakatingin sa kanila

Dahil ng maalala ko ang nangyari ilang taon na ang nakalipas ay uminom ulit ako ng alak

This time hindi na basta tequila lang dahil may ibinigay ulit sa akin si Sammy

Ani niya ay mas malakas raw ang tama nito kesa sa simpleng tequila lang

Ewan ko pero pakiramdam ko ay nilalasing niya ako.

Hindi ko pa nauubos ang iniinom ko ay inabutan ulit ako ng isa pa

Sa pagkakataong ito ay si Saito naman ang nagbigay sa akin

Pagkalapag ko ng shot glass sa mesa ay nilapag din ni Dravin ang kanya

In short sabay kami

Kaya naman nagkatinginan kaming dalawa

Kita ko pang pinasadahan nito ng tingin ang buong katawan ko

Ewan ko kung guni guni ko lang ba iyon pero nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya at dumilim ang paningin nito

"Ohhh isa pa friend" ani ni Sammy

Nahihilo na ako

Umiikot na ang paningin ko at pakiramdam ko ay unti nalang babagsak na ako

Nararamdaman ko na ring umiinit na ang paligid kahit naka aircon naman

"I can't take this anymore, it's so hot"..........

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon