CHAPTER TWO

295 5 0
                                    

Elara

Tiningnan ko pa ng isang beses ang bahay ang ngumiti ng mapait

This is it,aalis na kami.

"Bye"bulong ko bago sumakay sa van na pinadala ni tito Santi

Ani nito ay sa bahay nalang siya maghihintay sa amin kaya naman nagpadala nalang ito ng van upang sunduin kami kasama ang mga gamit namin

Ang mga sofa at mesa ay iniwan na namin, ganoon na rin ang mga cabinet dahil hindi naman na raw namin kailangan iyon

Si Mommy ay nakasakay sa front seat katabi ng driver na nagpakilalang si Mang Andres,habang ako naman ay nasa likod

"Malayo po ba iyon?"tanong ko kay mommy

"Malapit lang anak,nga pala,pwede mong kasabay pumasok ang anak ng tito Santi mo,matutuwa iyon dahil may kapatid na siya"ani nito bago ngumiti

Tumingin nalang ako sa bintana

Hindi ko alam pero kinakabahan ako,baka dahil siguro ay ito ang kauna unahang beses na lilipat kami ng bahay

In my 18 years ay ni minsan hindi pa kami lumipat

In short sa bahay na iyon na ako nagka isip at lumaki

Doon sa bahay na iyon ko naranasan lahat ng saya at lungkot

Sakit at pait

Doon ko huling nakasama si Daddy bago siya sumama sa ibang babae at bago sila nag divorced ni Mommy

Sa ibang bansa kasi sila ikinasal kaya naman nagawa nilang magpa divorced

Isa pa kano ang tatay ko at may pera kaya naman hindi na sila nahirapan pa

"We're here"

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na nakarating na pala kami sa destinasyon namin

"Elara hi"bati sa akin ni Tito Santi bago naglakad palapit sa akin at niyakap ako

"Hello po"ani ko rito

"I miss you iha"ani niya pagkabitaw ng yakap sa akin

Ngumiti lang ako rito bago ko nilibot ng tingin ang paligid

This is not a house,this is a Mansion

Yeah,ang laki laki niya talaga,kasing laki siguro ito ng building ng nursing

"Hey, let's go inside"tawag sa akin ni Tito

Ngumiti ako rito bago ko hinila ang maleta ko at sumunod papasok sa bahay nila

Halos mapanganga ako sa ganda ng loob nito

Dinaig pa ang isang hotel

"Your room is upstairs, ihahatid ka nalang ni Sarah"turo nito sa isang babae

At ng tingnan ko kung sino ito ay isa ito sa mga katulong nila na kasing edad ko lang ata o mas matanda sa akin

"Hi ako nga pala si Sarah"ngiti nito

"Elara"

"Ako na maghawak nito"

Wala na akong nagawa ng kunin niya sa akin ang maleta ko

Nas likod lang ako nito habang siya ay naglalakad paakyat sa second floor

Tinahak namin ang daan papunta sa kaliwang bahagi ng bahay

Huminto kami sa dalawang magkaharap na kwarto

"Dito ang kwarto mo"tukoy nito sa bandang kaliwa

"Itong kaharap mong kwarto ay sa anak ni sir Santiell"ani nito

"Salamat po"

Ngumiti ito sa akin

"Dadalhin ko nalang rito ang iba mong gamit para maayos mo na"ani niya

Ngumiti lang ako rito

Ng makaalis ito ay tsaka ako pumasok sa ng tuluyan sa kwarto ko

Mas malaki ito kesa sa kwarto ko sa luma naming bahay

May sarili rin itong banyo at may malaking lagayan ng damit

Pumunta ako sa bintana at sinilip ang labas

Halos mapanganga ako dahil mula sa bintana ay makikita mo ang papalubog na araw

Nabulabog ako ng tatlong magkakasunod na katok

"Okay ka lang ba rito iha?"tanong ni tito Santi

Ngumiti naman ako bago naglakad papunta sa kama at umupo roon

"Opo"simpleng sagot ko

"Hindi ka ba nagugutom anak?"tanong ni Mommy na hindi ko namalayan na nasa tabi lang pala ni Tito

"Mamaya na ako kakain mmy,mag aayos muna ako ng gamit ko"ani ko rito

"Gusto mo bang tulungan na kita?"tanong nito

Umiling lang ako rito

"Kaya ko naman po"ani ko

Tumango lang ako rito habang nakangiti

"I'll ask my son to bring you your other things"ani ni ni Tito Santi

Hindi na ako nakatanggi dahil sinarado na nito ang pinto ng kwarto ko

Tumayo nalang ako bago nilapit ang maleta ko at tinanggal ang mga damit roon

Hiniwalay ko ang mga damit at mga underwear ko

At tinupi ko naman ang mga damit na medyo nagulo mula sa pagkakatupi

Kinuha ko ang phone ko bago nagpatugtog

"That Arizona sky burnin' in your eyes
You look at me and, babe, I wanna catch on fire
It's buried in my soul like California gold
You found the light in me that I couldn't find"

Kumakanta kanta ako habang nag aayos

"So when I'm all choked up
But I can't find the words
Every time we say goodbye
Baby, it hurts
When the sun goes down
And the band won't play
I'll always remember us this way"

Ng matapos ako sa pagtutupi ay nilagay ko ito sa cabinet na malaki na andito sa kwarto ko

Pagkatapos niyon ay nilagyan ko ng sapin ang kama na ibinigay kanina sa akin ni ate Sarah

"Lovers in the night
Poets tryin' to write
We don't know how to rhyme
But, damn, we try
But all I really know
You're where I wanna go
The part of me that's you will never die"

Ng matapos ako sa pag aayos ay humiga ako sa kama at pumikit saglit

Dala na rin siguro ng pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulig na pala ako

Nagising lang ako ng tumunog ang phone ko .

Palatandaan iyon na may tumatawag at ng tingnan ko iyon ay si Sammy iyon

"Hello"sagot ko

"Kamusta ang paglilipat?"

"Ito,nakakapagod"ani ko rito

Kinuskos ko ang mata ko bago umupo

"Natural girl,mapapagod ka talaga"

Nilayo ko ang phone sa tenga ko ng sumigaw ito

"Nasaan ka?bakit maingay?"tanong ko rito

"Nasa club kami Paul,hindi ka na namin niyaya kasi alam naman namin na hindi ka rin sasama,magsasayang lang kami ng laway sayo"

Napangiti nalang ako rito

"Sige na mag enjoy kana,magpapahinga muna ako,balitaan kita bukas"

"Sure ka ha?"

"Opo"sagot ko rito

Matapos namin mag usap ay humiga ulit ako sa kama

Matutulog sana ako ulit ng biglang bumukas ang pinto

"What the fuck?".........

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon