CHAPTER FOUR

248 5 0
                                    

Elara

"So you already know each other?"tanong ni Tito Santi

Andito kami ngayon sa hapag kainan at sabay sabay kumain

Pahaba ang hugis ng mesa at may laman itong anim na upuan

Sa apat sa gitna at dalawa sa magkabilaan

Si tito Santi ay nakaupo sa dulong bahagi ng mesa

Sa kanan nito ay Si Mommy katabi ni mommy ay ako at kaharap ko ay si Dravin

Tiningnan ko si Dravin at hinintay na sumagot ito pero nanatili lang ng tingin niya sa pagkain

"Hindi naman po,pero nagkikita kami minsan sa school,malayo po kasi ang building nila sa amin"ani ko rito sabay ngiti

Tumango tango naman si Tito bago sumubo ng pagkain

"This coming Saturday,we will have a party here, it's a welcome party for the both of you-"

Natigil si tito sa pagsasalita ng makarinig ito ng kalabog

Sabay sabay kaming napatingin kay Dravin dahil binitawan nito ang kutsarang hawak niya na naging sanhi ng tunog

Uminom lang ito ng tubig at umastang parang walang nangyari

"Are you okay Son?" Tanong ni tito

Hindi sumagot si Dravin an nanatili lang sa pagkain

"So, about the party,you can invite your friends,as many as you like,is that okay with you Son?"

"Is that really necessary?"tanong ni Dravin

"What do you mean?"tanong ni tito

"I mean,is it really necessary to throw a party just because they are here?"tanong nito bago sumulyap sa akin

"Dravin-"

"Stop asking me Dad, you're not gonna listen anyway"

Tumayo ito bigla at padabog ulit na binitawan ang kutsara niya

"I'm done"

Wala itong lingon lingon na naglakad paalis ng kusina.

Nang kaming tatlo nalang ang naiwan ay namayani ang katahimikan sa amin

"Susundan ko po muna si Dravin"paalam ko sa mga ito

Ngumiti lang si tito sa akin habang si mommy naman ay kinausap si tito

Naglakad na ako palayo roon at papunta sa kwarto ng lalaki

Pagkarating ko roon ay nakalock ang pinto

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses

Matagal bago niya ito buksan kaya naman halos mainip na ako

Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong hilain papasok sa kwarto niya at nilock nito ang pinto habang ako naman ay nakatanga lang sa kanya

"Is this part of your plan?"tanong nito sa akin

"Anong plan ang sinasabi mo?"

"You want revenge right?you want to punish me?"tanong nito

Hunakbang ito palapit sa akin bago ako itinulak ng malakas kaya naman napasandal ako sa pinto

"I want you,out of my Life,Lara"

Lumunok ako dahil pakiramdam ko ay bumabara lahat ng laway ko sa lalamunan ko

"Oo,galit ako sayo,pero hindi ako isip bata na katulad mo para gantihan ka sa mga kalokohan mo,at kung gaganti man ako ay hindi sa ganitong paraan-"

"Liar"putol nito sa sinasabi ko

Mas humakbang ito palapit sa akin na halos ilang dangkal nalang ang kulang

Isinandal nito ang braso sa pinto habang nakatingin sa akin

"What do you want?money?how much?"tanong nito

"Hindi ko kailangan ng pera mo"

"Really?but it looks like you mother needs it-"

Hindi nito natuloy ang sinasabi ng sampalin ko ito

"Ang away natin,atin lang,wag mong idadamay ang mommy ko dahil wala siyang kinalaman rito at isa pa kaya namin mabuhay ng wala ang pera niyo"

Itinulak ko ito ng malakas kaya naman napaatras siya ng bahagya

Bubuksan ko na sana ang pinto ng hinampas niya ito kaya naman nasara ito uli

Inilock nito iyon bago hinawakan ang braso ko at tinulak ako paupo sa kama nito

"You'll stay here-"

"Baliw ka ba?palabasin mo na ako at matutulog na ako dahil may pasok pa ako bukas"

Tumayo ako at hahakbang na sana palapit ulit sa pinto ng harangan ako nito

"You'll sleep here-"

"Baliw ka na nga talaga"

Dinuro ko ito sa dibdib

"Kung iniisip mong papatulan kita pwes nagkakamali ka,hindi ako katulad ng mga babae mo Dravin-"

"You'll sleep here until you agree to help me"putol nito sa sinasabi ko

Tiningnan ko ito ng nagtataka

"Tutulungan?Saan?"tanong ko

"Help me, let's ruin their relationship-"

"Teka!!"putol ko sa sinasabi nito

"You mean,tulungan kitang paghiwalayin ang mga magulang natin hindi ba?"tanong ko rito

Tumango lang ito habang nanatiling nakatingin sa akin

"Hindi ako kasing demonyo mo Dravin,hindi ko kayang gawin sa mommy ko iyon,hindi ko siya kayang Saktan-"

"You'll help me or not?"

Nagsalubong ang dalawang kilay nito na para bang naiinis na siya na kausap ako.

Hay kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hinayaan nalang kitang magtampo sa tatay mo

Nakita ko lang talaga kung gaano nasaktan ang tatay mo sa naging asta mo kanina kaya naman sinundan na kita

"Hindi... bakit di mo nalang kaya tanggapin na makakasama mo na ako rito sa bahay,bakit hindi mo nalang tanggapin na mag aasawa na ulit ang papa mo-?"

"I don't like your mother"

Natahimik ako sa sinabi nito

"I also don't want my father to marry anyone,it feels like he cheated"

Umiwas ito ng tingin sa akin habang ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko

"It's been ten years since my mom died,but i still can't move on,and seeing my dad being happy with another girl hurts me,it feels like ipinagpalit niya na kami to some random person"

"Naiintindihan ko ang rason mo"

Tsaka nito ibinalik ang tingin sa akin ng sabihin ko iyon

"Naiintindihan Kita pero hindi ibig sabihin niyon ay papayag na ako sa magiging plano mo Dravin,kung ikaw kaya mong manakit ng tao at kaya mong makitang miserable ang tatay mo ako hindi,hindi ko kayang habang buhay na makitang malungkot ang mommy ko"ani ko rito

"Ngayon ko nalang siya nakitang masaya ulit matapos ang nangyari sa kanila ni Daddy,at hindi ko na kakayanin pa kung makikita ko pa siyang nasasaktan ulit-"

"So you're not gonna help me?"

Hindi ako sumagot rito

"Then sleep here tonight,este es tu castigo".....

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon