CHAPTER 14

202 4 0
                                    

ELARA

"I'm here"

Dahil sa sinabi niyang iyon ay tuluyan ng nawala ang takot na nararamdaman ko kanina

Nang masiguro niyang okay na ako ay nagsimula na kaming maglakad pabalik sa base namin

Kaso nga lang hindi pa kami nakakalayo sa pinanggalingan namin ay biglang bumuhos ng sobrang lakas ang ulan.

"Why now?"rinig kong bulong ni Dravin bag tinakpan ng kamay ang ulo ko

"Takbo na tayo"ani ko rito bago ko hinawakan ang braso niya para sana tumakbo

"It's too far,we will get sick"ani niya

"Kesa naman maulanan tayo rito"

Dahil nakahawak ako sa braso niya tinanggal niya iyon bago niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako sa kung saan

"Hoy saan tayo pupunta?"tanong ko rito

Hindi ako nito pinakinggan at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo habang hila ako kaya ang ending napatakbo na rin ako

Pumunta kami sa gawing kanan ng gubat,taliwas sa dinaanan namin kanina

Sa dikalayuan ay nakakita ako ng  isang bahay kubo

Hindi ako sigurado kung bahay kubo ba talaga iyon o hindi dahil medyo malayo pa sa amin

At ng makalapit ay doon ko napatunayan na bahay kubo nga iyon

"Tao po"sigaw ko

Nakailang sigaw na ako pero wala talagang lumalabas na tao

Maya maya ay lumapit si Dravin sa akin bago niya ipinatong sa ulo ko ang extra niyang t-shirt na dala

Although may dala rin naman ako

"There's no one inside"ani nito

Tiningnan ko siya ng may pagtataka pero nagkibit balikat lamang ito

"Paano mo alam?"tanong ko rito

"Nakapunta na ako rito,with Jace and Saitoo before"ani niya

Napatango tango nalang ako bago lumapit sa pinto at sinubukan itong buksan pero nakalock

"Nakalock"ani ko

Humakbang ito palapit sa pinto kaya naman napaatras ako

Ipinasok nito ang kamay sa may butas ng pader na kahoy at may inabot sa loob

Maya maya pa ay nabuksan niya na ito

"Trespassing ang ginagawa natin alam mo ba iyon?"tanong ko rito

Katulad kanina ay isinawalang bahala lang nito ang sinabi ko at nauna ng pumasok sa loob

Malinis naman ang bahay at mukhang wala ng nakatira sa loob ng ilang taon

As in wala talagang kagamit gamit kahit isa

Umupo ako sa sahig ng sala habang ang lalaki naman ay dumeretso sa may kusina

Pagbalik nito ay may dala na itong kandila na nagamit na at posporo

Sinindihan nito ang kandila bago nito pinatayo iyon sa sahig habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya

Ramdam kong sumasakit na ang ulo ko pati na rin ang katawan ko

Hindi ako sakiting tao pero kapag ulan ang kalaban ko ay tumba talaga ako

"Talo na tayo"ani ko ng tingnan ko ang oras sa wrist watch ko at nakitang 5:30 na pala

"It's okay,we don't need to win"ani nito

Alam ko naman iyon pero hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil pinaghirapan naming lahat ito tapos ng dahil sa amin matatalo ang grupo namin

Pakiramdam ko kasalanan ko.

Natigil ang pag iisip ko ng bigla akong bumahing

Pinunasan ko ang ilong ko gamit ang pamunas na nasa likod ko

Natigilan lang ako ng biglang dumungaw si Dravin palapit sa kin dahil nasa harapan ko lang siya

Kinapa nito ang nuo ko bago nakasimangot na napailing

Kinuha niya ang backpack niya na may emergency kit at may kinuha roon

Inabot nito sa akin ang beskwet na natira niya kanina at tubig

Umiling ako dahil alam kong nagugutom na rin siya katulad ko

"Okay lang"ani ko sa kanya bago ngumiti

Binuksan nito ang beskwet bago iyon isinubo sa akin

Sa huli ay wala na rin akong nagawa kung hindi kainin nalang ang sinubo niya

Nang tatlong piraso nalang ng fita ang natira ay sinabi ko sa kanyang tag isa kami tapos hati nalang kami sa isa

Mabuti nalang ay pumayag ito

Dahil marami pa naman akong tubig ay hindi ko na binawasan ang tubig niya

Laman tiyan din iyon eh

May inabot ito sa akin na gamot at ng tingnan ko iyon ay paracetamol iyon

Sinubo ko ito bago ko sinabayan ng tubig at nakapikit na nilunok.

Maya maya pa ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko

"Dravin pwede bang matulog muna?"tanong ko rito

Tumango naman ito

Kinuha ko ang bag ko bago iyon inilagay sa uluhan ko upang gamitin sanang unang kaso bago ko pa man iyon magawa ay hinawakan bigla ni Dravin ang braso ko

Nauna itong humiga sa akin hinila ako nito pahiga sa mga braso niya kaya ang ending braso niya ang naging unan ko

"Are you cold?"tanong nito

Tumango naman ako

Kinuha nito ang tshirt niyang pinatong sa ulo ko bago iyon inilagay sa mga braso ko

"You're sick"ani niya na para bang siguradong sigurado na talaga siya na may sakit ako

"Sinat lang to,mawawala din ito mamaya kasi uminom naman ako ng gamot-"

Hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng mapabahing na naman ako

"Sorry"ani ko habang nakatakip parin ang kamay sa bibig ko ngumiti lang ito sa akin bago inabot ang pamunas ko na nasa likuran niya

"Rest, gigising kita mamaya"ani niya

Tumango ako rito bago ko ipinikit ang mga mata.

Nagising ako kalagitnaan ng gabi dahil sa sobrang ginaw

Nanginginig na talaga ang buong katawan ko

Nang Lumingon ako sa katabi ko ay wala na ito kaya naman kinabahan ako

Akala ko iniwan niya ako pero lumabas naman ito agad mula sa kusina habang may kausap

"We're stranded, it's still raining and she's sick"ani nito sa kausap

Hindi ko kita kung anong itsura nito dahil medyo madilim dahil ubos na ang kandila

Ang tanging ilaw lang namin ay ang liwanag na nanggagaling sa buwan

Humiga ako ulit at ibinalot ang damit pati na rin ang pamunas kong may sipon ay tiniis kong ibalot sa katawan ko dahil sa sobrang lamig

"We need your help"sigaw nito sa kausap

"Yeah, we'll wait"ani nito

Bumuntobg hininga ito nago pinatay ang tawag

Narinig ko ang lakad niyo palayo pero bumalik rin naman agad

Naglakad ito palapit sa akin bago umupo sa tabi ko

May nilagay ito sa nuo ko na basang pamunas

"Let's wait here,they are coming"..........

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon