Bagong writer lang po ako kaya pasensya sa mga typo-error....tumatanggap ako ng comments, suggestions, libreng maxx o icool, isang sakong bigas, one year supply ng perla at kahit ano pang ikakagaganda ng buhay ko. Mahal mahal ko lahat ng bumabasa ng story ko at dahil don maraming salamat sayo!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang araw dalawang singkit na lalaki ang kumain ng siopao ng bida....pero wala yang connect dito. May multo ka na bang nakasama? nakita sa kisame? sa sulok ng lamesa? sa loob ng inodoro ng banyo nyo?.Lahat sila kinatatakutan dahil nakakakilabot at nagpapataas balahibo sa katawan maging sa singit-singit ng kilikili. Ibahin mo ang babaeng kahapon lang ipinanganak na di alam na multo pala ang kausap niya.
Nangyari ang lahat ng ito dahil sa isang aksidente. Isang pangyayaring magpapatakbo sa buhay ng lalaking walang alam gawin kundi mangalikot ng sirang pindutan ng tv. Pag nagkatagpo kaya sila ng babaeng ito na sa sobrang sungit, pwedeng mag-emit ng laser sa mata para tunawin ang grills ng gate sa bahay nila.
Kung may life after death, edi syempre may LOVE AFTER DEATH din! *imbento ko lang yan* *ubo*. Masyado atang komplikado kung mainlove ka sa isang multo. Eh pano yun? Mamaya mapagkamalan ka na lang may saltik sa ulo at kinakausap mo ang sarili mo dyan. Ang pag-ibig nga naman walang pinipili miski amag ka lang sa sulok ng tasty!
Ang isang mortal at multo magkatuluyan? Imposible, pero gagawin nila itong posible. Maraming hahadlang, babalandra, susubukin at paghimay himayin sila. Anu pa bang magagawa nila? Nakagluegun na ang puso nitong dalawa. Kahit magpaulan pa ng nuclear bomb para paghiwalayin sila, wala din.
Sa kabila ng lahat ng ito, di lang basta-bastang simpleng multo si Zihan. Dahil may misyon syang hanapin ang taong magpapabagsak sa anghel ng kamatayan, si Morvid. Kailangan nyang mahanap ang babaeng itinakda para magligtas sa sangkatauhan. Subalit may time limit pala to! Kailangan nyang mahanap ang itinakda sa tatlumpung araw. Kapag di niya ito nahanap maaaring gumuho ang tulay na pinagawa ni Mayor San Pedrito, mga building sa Makati city,lumindol ng magnitude 8 sa buong mundo at ang pinakamamalala sa lahat… maaaring di na siya makabalik sa katawan niya.
Maging matagumpay pa kaya ang bida sa misyon niya o maging hapunan na lang siya ni Morvid. Eto ang love story na wala pang ending! Ang fantaserye na hindi na iniintay! MEET MY GHOST BOYFRIEND

BINABASA MO ANG
Meet My Ghost Boyfriend (ONGOING)
FantasíaNormal lang na teen-ager si Zihan pero sa isang kisap-mata...... Isang aksidente ang magpapabago ng takbo ng buhay niya... Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa pinto ng langit? May entrance fee pa kayang sampung piso per head at libre na ang mga bat...