~ Bitch Goddess means a success especially on material or worldly success~
***
Third person's POV
Lumabas si Xhyke sa unit niya at napansin ang mga patak ng dugo mula sa sahig at isang sulat sa may paanan ng pintoan niya.. May bakas ito ng dugong natuyo na..
Pinulot niya ang sulat at inilagay aa bulsa..
Pagdating niya sa school.. Ay nagimbal siya sa nakita..
'No more Aishaeyah' mga nakalagay sa mga posters..
Oo nga at pinalabas niya na si Aishaeyah sa condo niya pero di niya inaasahang aalis ito sa school nila..
'Kawawa naman siya!'
'Oo nga! Akala ko ba matapang yun?'
'Malakas yun pero wala lang siguro siyang lakas'
Rinig niyang chismis ng mga babae..
Lahat ng nasa hallway ganun ang pinagusapan..
Dumaan siya ng may biglang narinug siyang ingay mula sa cellphone ng nag kukumpulang estudyante..
Tiningnan niya ito at nagulat sa nakita..
Para siyang nanlumo sa nakita niya.. Nakita niya kung paano pagsusuntukin ,sipain,sampalin at lahat ang mahal niya ng walang kalaban laban..
Sising sisi siya dahil hindi niya ito tinulungan..
Pero nakita niya ang dugo sa mag bewang nito at naalala ang dugo na nasa labas ng unit niya.. Doon siya bumigay at naiyak..
Hindi niya lubos maisip kung gaano yun kahirap na bumuhat ng mabibigat na gamit habang may sugat sa bewang at mahina nang katawan.. Gusto niyang ilipat lahat ng sakit na nararamdaman ng dalaga ngayon..
Hinanap niya agad si Ichee pero hindi niya ito nakita..
Umuwi siya sa unit at naalala ang sulat na nakita niya..
Binuksan niya ito at naiyak ng makitang sulat ito ni Aishaeyah para sa kanya..
'Xhyke, kung ano man ang nagawa ko sayo.. Humihingi ako ng patawad.. Hindi ko alam anong ginawa ko kaya ka nag kaganyan pero sana mapatawad mo parin ako.'
'Maraming salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo para sakin, sa pagliligtas mo, at sa pagpapatira mo sakin.. Alam ko medyo magulo ako minsan pero inintindi mo parin ako..salamat rin sa pagpapaintindi kung gaano kasaya ang buhay.. '
'Sana maging masaya kana dahil wala nang asungot,maldita at brat na katulad ko sa buhay mo.. Sana rin pagnagkita tayo ulit.. Kung pagbibigyan man tayo nang tadhana.. Sana makilala mo parin ako bilang Aishaeyah na nakilala mo..'
'Hindi kita kailan man nagustuhan,nagugustuhan o magugustuhan dahil unang araw palang ng pagkikita natin alam ko na ikaw na ang lalaking mahal,minamahal at mamahalin ko..
Hanggang sa muli..
Aishaeyah'
Hindi na napigilan ng binata ang umiyak ng umiyak..
' hindi na ako kailan man magiging maligaya kung wala kana.. At kung magkita ma tayo ulit luluhod ako at hihingi ng patawad at hindi dapat ikaw ang gagawa.. Wala nang ibang aishaeyah ang nkatatak sa puso ko kundi ikaw lang.. '
Sabi ng binata sa sarili at muli na namang umiyak..
Hindi niya alam kung paano sisimulan ang buhay niya ng wala si Aishaeyah sa buhay niya..
_______________________
![](https://img.wattpad.com/cover/39287391-288-k767837.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bitch Nextdoor [FIN]
Short Storywhat happen if theres only a wall separating a bitch and a cold heartthrob?? will there be love? credits to @chocolaty-girl for the cover.