Chapter 11: Pail or Fail?

1.7K 51 1
                                        


~Wag mo nang subukan maging bitch, mag mumukha ka lang trying hard~

*****

Aishaeyah Pov

Umaga na naman.. At may pasok.

Ginawa ko na morning rituals ko at pumunta na ng school.

Pag dating ko nasa gilid na ng hall way ang mga sugpo.. Halatang si Kabs ang hinihintay..tss..-__-.

'Ayy! Ayan na si Aishaeyah'

'Oo nga nkakatakot talaga siya'

'Sinabi mo pa , pero maganda naman siya eh'

'Oo nga! Pero pangit naman ng ugali'

Nang marinig ko ang pinagsasabi nila, nag init ang aking tenga..

Tsigee! Dahil good mood ako ,

" Alam niyo?? Ke' aga-aga nag bubuga na naman yang bibig niyo ng carbon dioxide.. Manahimik nga kayo! Dinadagdagan niyo pursyento ng carbon sa mundo eh.."

Syempre di mawawala famous line ko..

"Oh? Eechos pa?"

Umiling naman sila at yumuko..

Tss..-_- mga duwag pa la toh eh..tsk.tsk..

Lumakad na ako papaalis at pumasok na sa room ko..

****

Third person pov

Break time nila Aishaeyah at napag pasyahan niyang pumunta muna sa c.r. upang tingnan ang sarili..

Sa kabilang banda naman papunta rin ng c.r si Xhyke, na nasa unahan lang ng c.r. ng mga babae..

Nag lakad si Aishaeyah na hindi alam na kasunod niya pala si Xhyke.. Si Xhyke naman ayaw paki alaman ang dalaga.

Kalmadong naglakad si Aishaeyah patungong C.R. bubuksan na sana niya ito ng biglang may humablot sa braso niya at mabilis siyang isinandal sa pader..

Kasabay naman ng paglapat ng pader sa likod niya ay siya namang paggawa ng ingay mula sa nahulog na timba mula sa itaas ng pinto..

Hindi halos makagalaw si Aishaeyah sa kinatatayuan niya dahil kung nag kataon na natamaan siya nito maaring mag karoon siya ng severe head injury or worst maging dahilan pa ng pagkamatay niya..

Laman ng timba ay ang nagkalat na pintura sa sahig..

Tiningnan niya ito at nakita ang repleksyon ni Xhyke nasa harap niya.. Nka sandal ang isang kamay sa gilid ng ulo niya.. Tiningnan niya ito at nagtagpo ang kanilang paningin..

Matagal silang nag ka titigan.. Parang may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ng isat isa kasabay ng malakas na dagungdong ng puso nilang waring nagwawala..

Ramdam na ramdam nila ang hininga ng isat isa.. Nang may dumaang mga babaeng mula sa C.R.

Itinulak niya agad ang binata at hinarap ang mga babaeng iyon..

Punong puno ng galit ang mga mata ni Aishaeyah nang harapin niya ang mga ito..

Ang mga babae namang iyon ay halos maihi na dahil sa takot kay Aishaeyah..

"Sinong gumawa nun?" Mahina pero seryoso at nakakatakot ang boses ng dalaga..

Hindi naman nakasagot ang mga babae dahil sa takot..

"SAGOT!" Sigaw na nanggagalaiti ni Aishaeyah..

"A-ak-o!" Nauutal na sabi ng babae kay aishaeyah..

Iniangat niya ang tingin dito.. Ito yung babaeng pinahiya niya nung isang araw.. Yung babaeng kinulang sa tela..

"Hindi mo talaga mapigilang hindi ako kantiin , ano?" Kalmado ngunit may bahid na nakakatakot ang boses ng dalaga..

"Pinahiya mo ako!" Sabi ng babae

"Dahil kahiya hiya ka namang ingrata ka!"

"Ginawa ko yun para matakot ka at umalis kana dito!"

Hinila niya ang kamay ng babae at padabog na isinangga ito sa pader at hinawakan ng mahigpit ang panga nito..

Tatak sa mukha ng babae ang sakit pero wala lang iyon kay Aishaeyah ..sanay na siya dito..

" Diyos lang at ang nanay ko ang kinatatakutan ko! Kahit si kamatayan kaya kong dalhin patungong impyerno.. Naiintindihan mo?" Sabi ng dalaga na nakahawak parin sa panga ng babae..

Tumango naman ang babae dahil sa takot..

"At ito tandaan mo.. Kahit hilahin mo pa ako patungong sa buhay mong mala imperno, hindi ako sasama sa impyernong kinasasadlakan mo! Dahil kahit doon di na tatanggapin ang kasamaan ko!" Sabi ni Aishaeyah at pwersahang binitawan ang panga ng babae na ngayon ay napaupo na sa sahig..

Lalakad na sana si Aishaeyah ng madaanan niya ang isang alipores ng babae..

"Liars go to hell" sabi ng alipores

"Then , ill see you there!" sagot ng dalaga at nilagpasan siya..


Si Xhyke naman ay hindi maka paniwala sa lakas na ipinakita ni Aishaeyah.. Ngayon lang niya ito nakitang ganoon ka seryoso..

Napailing nalang ang binata samantalang si Aishaeyah naman ay Kumalma na..

_______________________

The Bitch Nextdoor [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon