Kasagsagan iyon ng War on Drugs campaign ng presidente.
Malaya siyang naglalakad sa kalsada, naghahanap ng pwedeng mapulot na pagkain, nang mapadawit siya sa isang riot. Marahas na pinaghuhuli ang mga tumatakbo papalapit sa kanyang direksyon.
Bago pa makaalis ay sinunggaban siya ng isa sa mga nanghuhuli. Wala siyang nagawa kahit pinili niyang magpumiglas.
Dinala siya sa isang kulungan at doon may nakilalang kaibigan.
Kuwento nito, ligtas naman daw ang tinutuluyan nila. Libre rin ang pagkain kaya pinili niyang manatili doon.
Doon, naranasan niyang mabusog dahil panay ang paghain ng pagkain sa kanila. Pakiramdam niya'y hinahaluan ito ng gamot sanhi ng mabilis niyang paglakas at paglaki.
Matutuwa na sana siya kung hindi lang nabalitaan ang pagpatay ng mga nanghuhuli sa kaibigang itinuring niya nang pamilya.
Sa huli'y pinilit niyang makatakas para iligtas ang sarili. Hindi lumilingon sa mga nanghahabol sa kanya, natatarantang tinawid ng manok ang daan sa kabila.
BINABASA MO ANG
Tipak
Short StorySa bawat hiwa ng mga salita'y kalakip ang isang silip Bahagi ng katauhan ang siyang makikita sa halip Iba't ibang dimensyong lumilipad-lipad sa isip Malimit, kung maranasan ang dibdib na sumisikip Minsan, kung nama'y naiinip Sa paraang ito...