2

85 7 0
                                    

--

--






"Mara!"

Hila hila ko si Dana habang pasimple kaming dumadaan sa hallway. Tumingin ako sa likuran namin at sa kaliwa't kanan para tignan kung may tao ba.

"Mahuhuli tayo ni Mr. Lagman sa ginagawa mo, e!" reklamo ni Dana.

"Shh! Mas lalo tayong mahuhuli kung mag iingay ka."

Walang tao sa hallway. Syempre, oras ng klase ngayon sa building na 'to. Sarado naman ang bawat classroom kaya hindi kami kita.

"Mala-late na ako!"

"Saglit lang 'to! Tsaka hindi mo ba narinig 'yong sinabi ng kaklase mo kanina? Mala-late si Mrs. Gantiga ngayon!"

"E, ikaw? Mala-late ka na rin!"

"Okay lang 'to!"

Nakarating kami sa locker ng Law Students. Agad agad kong hinanap ang locker ni Alonso at ni-shoot doon ang isang letter na ginawa ko. Alam ko na agad kung nasaan ang locker niya dahil madalas ko na 'tong gawin.

"Hey, you!"

Napatalon kami ni Dana. Pagtingin namin sa kaliwa ay si Mr. Lagman ang naroon! Mabilis kaming nagtulakan para tumakbo!

"Shit! Sinasabi ko na nga ba!" si Dana habang tumatakbo kami.

"Huwag na tayong magsisihan! Takbo lang!"

"Stop right there, you two!"

Sa kasamaang palad ay natalisod ako sakto sa may hagdan! Tumili kaming dalawa ni Dana dahil nakahawak ako sa uniform niya kaya damay siya! Nalaglag kami at halos mapasigaw ako sa sakit ng tagiliran at pwet! Hindi ako agad nakagalaw nang makarating sa ibaba. Pakiramdam ko nabalian ako!

Dana grunted. Binalingan ko siya at nakita kong namimilipit siya sa sakit sa may ankle niya. Namilog ang mga mata ko.

Sa lahat, ankle niya pa talaga ang napuruhan?! Dana is a dancer! Hindi siya pwedeng mapilayan!

"You okay?" tanong ko.

Umiling siya, nakalukot ang mukha sa sakit.

"I'm sorry..." sabi ko.

May tumikhim. Sabay kaming dalawang napatingin sa itaas ng hagdan at nakita roon si Mr. Lagman na istrikto ang mukha at may salamin sa mata. Pumameywang siya, nakatingin sa amin. Alam ko na agad ang susunod. Pumikit ako nang mariin.

Parehong nasa kandungan ang mga kamay, kabado akong naghihintay sa malamig na guidance office. Ako lang mag isa dahil pumunta si Dana sa clinic para ayusin ang ankle niya. Imbes na mag alala para sa sarili, mas nag aalala pa ako sa kanya, e.

Sobrang importante sa kanya ng pagsasayaw kaya nag aalala akong baka naging malala 'yong pagka sprained ng ankle niya.

Shit. What did I do? What did I do?

Bumukas ang pintuan. Pumasok ang guidance counselor na babae kaya halos atakihin na ako sa puso. Pero halos mangyari na nga 'yon nang sumunod sa kanya si Mr. Lagman!

Argh! This old man!

"Ms. Maria Cassandra Aldama," she said.

Umupo siya sa harap ng table.

"M-Mara nalang po..." magalang kong sinabi at ngumiti.

Pumwesto sa gilid niya si Mr. Lagman na kulubot ang mukha at mukhang nadagdagan ang stress dahil sa akin.

"Alam mo bang magkakaroon ka ng record dahil sa pagcu-cutting class?" ang guidance counselor.

Napawi ang ngiti ko. "B-But I didn't cut the class. I was just there for some... errands."

Flipped - Alonso BernardinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon