13

68 4 0
                                    

--

--






Pagkarating sa bahay dumeretso na agad ako sa kwarto ko at nag kulong. Wala na akong pakialam kung mag mukhang petty talaga ako. Gusto ko nalang magpahinga dahil nawalan na talaga ako ng gana.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa mga homeworks and all that. Natulog din ako at bumaba lang noong dinner na. Wala sina Mommy at Daddy kaya paniguradong kami lang dalawa ni Alonso ang kakain.

I sighed heavily when I saw him already sitted at the table. Agad kaming nagkatinginan. Nag iwas nga lang ako ng tingin at umupo nalang sa harapan niya, hindi na siya tinignan ulit.

Naglalagay pa ng pagkain ang mga kasambahay sa lamesa. Hinintay kong matapos 'yon bago kumuha ng sarili kong pagkain. Gano'n din ang ginawa ni Alonso. Tahimik lang kami.

Iniwan kami ng mga kasambahay nang makitang ayos na ang lahat. The atmosphere fell silent as we eat. Hindi pa rin ako nag aangat ng tingin kay Alonso.

Fine. I'm very petty. Sa totoo lang, hindi naman dapat ako nakakaramdam ng ganito o hindi ko dapat siya tinatrato ng ganito kasi in the first place, arrange marriage lang naman 'to. Hindi niya naman talaga 'to ginusto. Hindi niya ako gusto. Kaya wala akong karapatang magalit kung may umaaligid sa kanya na ibang babae. Hindi niya responsibilidad na huwag akong pag selosin dahil hindi niya naman ako gusto. All of this is just an arrangement. Wala akong karapatan.

Maybe we should just be casual to each other. Civil. Hanggang sa makasal.

"Mara," but then, he suddenly called me.

Doon palang ako nag angat ng tingin sa kanya. Hindi ko napigilan dahil sa tagal ng katahimikan, bigla siyang nagsalita. Hindi ko napigilang mapatingin.

"I know you're upset," he said.

I sighed and looked back at my food. Hindi ako nag salita.

"But Sofia and I are just friends. We're in the same department and we want the same career. We get along and we're close. But we're just really friends, that's all."

Tumango ako, tinatanggap ang paliwanag niya dahil natanto ko nang hindi na siya dapat nagpapaliwanag sa akin. Yes, I'm his fiance but that doesn't mean he should care about my feelings. Arrange marriage lang naman 'to.

My heart hurt thinking about it. Pero hindi ko na masyadong dinamdam.

"Okay. I understand..." sabi ko habang tumatango.

Tinitigan niya ako, siguro tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Kaya dinagdagan ko ang sagot.

"Masyado akong naging petty. Alam kong magkaibigan lang naman talaga kayo. Matagal na. Nainis lang siguro ako na hindi ako nakakuha ng stuffed toy while she got one in just one try," sinubukan kong itawa 'yon kahit sumasakit ang puso ko.

"Magagawa mo rin 'yon. You just have to practice. Hindi mo magagawa 'yon agad agad," he said.

Tumango ako at ngumiti. "Oo nga. Next time nalang siguro..."

Hindi ulit siya nag salita, nakatitig sa akin. Nagpatuloy naman ako sa pagkain. Ang tahimik sa paligid. Ang awkward ng gano'n lang pero wala na akong maisip na topic. Hanggang ngayon wala pa rin akong gana.

"May gagawin ka bukas?" biglang tanong ni Alonso maya maya.

Napatingin ako sa kanya. Sabado bukas. Madalas lumalabas kami ng mga kaibigan ko kapag walang pasok o kapag walang gagawin. Hindi nga lang nila ako niyaya ngayon kasi siguro busy sila o talagang sinadya nila kasi alam nilang kailangan kong kasama na ngayon lagi si Alonso.

Flipped - Alonso BernardinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon