21

89 4 2
                                    

--

--






"You seriously told him that?!" hindi makapaniwala si Erika nang sabihin ko sa kanila ang tungkol kay Alonso.

Maingay sa bar at maraming sumasayaw sa gitna. We can't hear each other a bit so we have to shout a little.

"But why is he giving you foods every morning?" takang tanong ni Aica.

"Baka nga siguro gusto lang humingi ng sorry. Guilty 'yon! Sa lahat ng ginawa niya kay Mara!" si Kim.

"But we all know Alonso! Hindi siya gano'n! Kahit nga kay Mara noon, hindi siya ganyan! Imagine, binibigyan niya ng sweet foods si Mara every morning kahit nakakarating sa kanya na tinatapon lang ni Mara lahat ng 'yon? At para saan? Para lang mag sorry kay Mara? E, ilang taon na 'yon! So much effort, huh? Wala akong kilalang lalaking ganyan! I can't even believe that it was Alonso who was doing that!"

Natahimik ako sa sinabi ni Aica. Nagkatinginan naman sina Erika at Kim.

"Maybe he likes you now?" Aica smirked.

"Posible. Nagkakamabutihan naman na kayo dati, 'diba?" si Kim.

Napalunok ako.

"Maybe that time before kayo magkalabuan, nagkakagusto na siya sayo? And mas lalo lang lumala noong nagkahiwalay kayo tapos idagdag mo pa 'yong guilty niya sa ginawa niya sayo. Mas lalo siyang hindi naka move on!" si Erika.

Napailing ako sa mga pinagsasasabi nila at binalewala ang pusong malakas na naman ang kalabog.

"He's just guilty," sabi ko. "At anong nagugustuhan niya na ako that time? Hindi niya hahalikan si Sofia kung gusto na niya ako."

Nagkatinginan ulit sila at dahan dahang napatango.

"Sabagay..."

Tinungga ko ang isang shot na para sa akin.

"Pero malay mo naman? Alonso is not the type of man who would do so much effort to say sorry to you kahit na sobrang laki pa ng kasalanan niya," nagkibit ng balikat si Erika.

Nag salin ako ng alak sa shot glass at hinarap sa bibig ni Erika.

"Uminom ka nalang," sabi ko.

"Nah. I don't drink," nandidiri niyang tinaboy ang kamay ko.

I chuckled knowing she didn't change at all. Ayaw pa rin sa alak.

"Hi, girls! Anong pinag uusapan natin dyan?" biglang may umupo sa tabi ko at umakbay sa akin.

Nilingon ko si Klyde at kinunutan ng noo. Inalis ko ang kamay niya sa akin. He chuckled and raised both his hands.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Aica.

"May tinapos lang at na-traffic. Kanina pa kayo rito?" kinuha ni Klyde ang shot glass sa kamay ko at siya ang uminom no'n.

Hinayaan ko siya at sumandal nalang sa malambot na sofa habang nagsisimula na silang mag usap.

Klyde is handsome. Pero ewan ko ba at hindi ko siya magawang gustuhin kahit marami na siyang pinapakitang motibo sa akin.

Makakapal ang kilay niya, matangos ang ilong, makapal at mapula ang labi, may dalawang hikaw sa kanyang tenga at maayos ang pagkaka gupit ng buhok. He's like a badboy. Mala demonyo pa kung ngumisi.

"Oh, shot!" inabot niya ang shot glass kay Erika.

"I don't drink!"

"Ayan ka na naman! Napaka kj nito! Isa lang!"

Flipped - Alonso BernardinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon