25

94 4 4
                                    

--

--






Inalalayan namin si Alonso hanggang condo niya. Binagsak namin siya sa kanyang sofa.

"Where's your first aid kit?" tanong ko.

"I can-"

"Ako na ang kukuha!" iritado at nagmamadali ko nang sinabi.

Tinitigan niya ulit ako hanggang sa tinuro niya ang isang pintuan.

"In that bathroom..." he said calmly.

Mabilis akong nag tungo roon at kinuha ang nakitang first aid kit box. Hindi ko na masyadong tinignan ang loob ng condo niya dahil nagpapanic na ako at nagmamadali.

Bumalik ako sa sala kung nasaan si Alonso at ang mga bodyguards.

Nilapag ko ang box sa lamesita at binuksan 'yon.

"Uh... aalis na po ba kami, Ma'am? Okay na po ba kayo rito?" tinignan ng bodyguard si Alonso, mukhang nagdududa.

"Oo, okay na ako. Umalis na kayo," sabi ko habang kinukuha ang bulak.

"Sige po. Nasa labas lang po kami kung may kailangan kayo."

Umalis na sila pagkatapos no'n. Naiwan kaming dalawa ni Alonso sa tahimik niyang condo.

Hindi ako marunong mag gamot at hindi ko alam kung saan sisimulan. Kumuha nalang ako ng maraming bulak para punasan muna ang mga dugo sa braso at pisngi niya.

I faced Alonso when I was done. Bahagya kong inupuan ang lamesita niya para mag pantay ang mga mukha namin.

I slowly put the cotton on the cuts on his arm. Marahan ang bawat pag dampi dahil baka masaktan siya.

Nang natapos ay pinunasan ko ang mga luha ko at kumuha ng panibagong bulak para naman sa pisngi niya.

I faced him again and slowly put the cotton on his cheek. Nakatitig lang si Alonso sa akin habang ginagawa ko 'yon. Hindi na siya nagsasalita. Hindi na nagrereklamo. Pinapanood nalang ako.

Hindi ko mapigilang maluha pa habang iniisip kung ano maaari ang nangyari sa kanya kung hindi dumating ang mga bodyguards ko. Baka mas malala pa rito ang nangyari sa kanya!

I will really make sure that man will go to jail forever!

Pinunasan ko ulit ang mga panibago kong luha at kinuha na ang betadine. Hindi ko alam kung ito ba dapat ang ilagay ko sa hiwa pero ito lang ang nandito, e.

Binuksan ko 'yon at naglagay sa bulak. Umiiyak ako nang tahimik habang ginagawa 'yon.

Tapos na ako nang biglang hawakan ni Alonso ang mga kamay ko and he made me look at him. Tinignan ko siya at medyo nanlabo pa siya sa paningin ko dahil sa mga luha. Namumungay ang kanyang mga mata.

"I need to put this on your cuts, Alonso!" I said angrily while crying.

Hindi niya ako binitawan. Ilang sandali pa niya akong tinitigan. After a while, he slowly let go of my hands and he wiped away the tears from my cheeks. Pakiramdam ko namumugto na ang mga mata ko kakaiyak.

"I'm fine..." he said huskily.

Hindi ako nag salita at humikbi lang.

"I'm fine, Mara. Stop crying. I'm fine..." paulit ulit niyang sinabi na para bang ina-assure ako.

Umiling ako at tinaboy ang mga kamay niya sa pisngi ko. Kinuha ko ang braso niya at muli siyang ginamot.

This is my fault. This is my fault!

Habang marahang dinadampi ang bulak na may gamot sa braso niya ay hindi ko na napigilang mang hina at umiyak pa. My hand stopped working and my head bowed.

Flipped - Alonso BernardinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon