29

91 3 1
                                    

--

--






Sabay nga kaming nag lunch ni Alonso sa araw na 'yon. Hindi ko alam pero halos lahat yata ng kumakain sa canteen, nakatingin sa amin!

"You prepared me food?!" gulat kong tanong kay Alonso.

Nilabas niya ang dalawang container. Binigay niya sa akin ang isa. May kanin sa loob no'n, menudo, at prutas. Meron pa siyang nilapag na milk na nasa box sa tabi ko. Meron pang plastic spoon and fork!

Para akong maiiyak habang tinititigan si Alonso. He chuckled when he saw my expression.

"Eat, Mara."

"Thank you!"

He smiled. "You're welcome."

Na-guilty ako bigla. Naalala ko yung mga panahong tinatapon ko ang mga binibigay niyang pagkain sa akin. Ang iba pa roon, pinaghirapan niyang gawin sa umaga pero tinatapon o pinapamigay ko lang. Napatitig tuloy ako sa mainit init pang pagkain sa harapan ko.

"Why? You don't like it?" Alonso asked when he noticed I just stared at the food.

Umiling ako agad. "No. I love it. Really. Thank you so much."

Mabilis kong inalis sa plastic ang spoon and fork at agad agad nilantakan ang pagkain. Napatango ako nang malasahang sobrang sarap no'n. For some reason, I wanted to cry. Pinigilan ko lang ang sarili ko because I don't want to be so dramatic. Tsaka bakit ba ako naiiyak?

Alam kong nakatitig si Alonso sa akin.

"Is there something wrong, Mara?" he asked worriedly.

"Mmm? Wala naman. Bakit?"

"If you don't like it you don't have to force yourself to eat-"

"No! I said I love it, Alonso!" agap ko.

Nagkatitigan kami. Ngumuso ako habang punong puno pa ang bibig. Nginuya ko muna 'yon at nilunok bago nag salita ulit.

"Sobrang sarap lang. At naalala ko 'yong... mga pagkain na binibigay mo noon. Tinatapon ko lang..."

I regretted it so much. Parang gusto ko nalang kunin lahat ng 'yon sa basurahan para lang matikman.

"That's alright. You were mad. I understand."

"I'm sorry."

"No, you don't have to be sorry. It's fine. Don't think about it anymore."

He looked very worried. Inangat niya ang kamay niya at pinisil ang pisngi ko.

"I understand. What matters is that we're okay now and you're now eating the food I prepared. This is more than enough."

Kaya simula ngayon dapat ko nang kainin ang mga pagkaing ihahanda niya para sa akin. Kahit hindi masarap 'yan! Okay lang, kakainin ko pa rin! Pero I don't think he cooks awfully, though. Dito palang sa menudo, alam ko na agad na magaling siyang mag luto!

Naubos ko ang pagkain sa sobrang sarap. Naubos ko rin ang gatas! Gosh. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakakain ulit ako nang ganito karami. I was always on a diet because I'm a model. Pero okay lang naman sigurong mag cheat ngayon. Isang araw lang naman.

Nagkatinginan kami ni Alonso habang umiinom siya ng tubig. May multo ng ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ako. Sinulyapan niya ang simot na simot kong pagkain at pagkatapos binalikan ako ng titig. I cleared my throat.

"Tapos ka na rin? Tara na. Balik na tayo."

Ramdam ko pa rin ang pagmamasid ng lahat. Tumayo ako at hinila si Alonso. Nangingiti siyang tumayo at nagpahila sa akin. Our hands intertwined. Kitang kita ko ang mga gulat nilang mga mata. Kahit si Lady na nasa malapit lang na lamesa. I smiled and winked at her. Her eyes widened even more and a smile was slowly flasing on her lips. Nilagpasan ko sila habang hila hila pa rin si Alonso.

Flipped - Alonso BernardinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon