20

96 5 0
                                    

--

--






Wearing a blue longsleeve top, white skirt, and white stilettos, umupo ako sa swivel chair ko at pinatong ang kulay white kong bag sa table ko.

Nakita ko ang pagsilip ni Lady sa cubicle ko dahil magkatabi lang kami.

"Good morning, Mara!"

Agad siyang sinaway ng katabi niyang cubicle. I smiled and faced her to let them know that it's okay.

"Good morning!"

May nilahad siya bigla na isang cupcake na nasa isang plastic container.

Tinignan ko 'yon.

"Pinapabigay po ni Attorney Bernardino!" she said happily.

Natigilan ako. Napatingin sa amin ang ibang naroon dahil sa sinabi niya. Medyo tumahimik pa nga at alam kong pinapanood nila ang magiging reaksyon ko.

"Lady!" ang matandang ginang na sumuway din sa kanya kahapon.

Ngumiti ako at tinanggap ang cupcake para makita nilang okay lang. It was a chocolate flavor.

Malawak na ngumiti si Lady.

"Sobrang aga niya kanina para lang ipaabot sa akin 'yan, Miss! First time maging sobrang aga ni Attorney!"

Pilit pa rin akong ngumiti sa kanya. "Thanks..."

"Welcome po!"

Nagkatinginan ang ibang naroon at halata sa mga mukha nila ang pag aalala. I smiled at them to assure them that it's okay.

Kahit na hindi.

Tinitigan ko ang cupcake. There's nothing wrong with it naman at mukhang masarap.

Pero bakit niya naman ako naisipang bigyan nito? What was he thinking?

Napawi ang ngiti ko at tinapat sa basurahan ang cupcake tsaka 'yon binitawan.

Natigilan si Lady sa ginawa ko at unti unting napawi ang kanyang ngiti. Narinig ko rin ang singhapan ng mga nakakita.

Tahimik akong humarap sa computer ko at nag simulang magtrabaho. Tatapusin ko pa ang mga hindi ko natapos kahapon. Wala akong panahon para kumain. At busog pa ako. At hindi rin ako pwedeng magkakain ng mga matatamis.

He should've known that now for I am a freaking model. Pero kahit hindi matamis ang ibigay niya sa akin, hindi ko pa rin 'yon tatanggapin.

Natahimik ang buong office. May naririnig akong mga nagbubulungan pero hindi ko rin naman naiintindihan kaya binalewala ko nalang.

Hindi ko nakita si Alonso nung araw na 'yon. Maaga rin kasi akong umuwi. At hindi na ako lumabas ng condo pagkapasok ko.

Kinabukasan, tanghali na rin akong umalis para hindi ko talaga siya makasabay.

"Uh... Mara?" si Lady sa gilid ko.

"Yes?" nakangiti ko siyang binalingan.

She looked hesitant. Ilang sandali pa bago siya tumingin sa akin ulit. Nilahad niya sa akin ang panibagong cupcake. Tinignan ko 'yon.

It was a different cupcake. Kulay golden na 'yon at ang icing ay kulay blue.

"Galing po ulit kay Attorney..." she said silently.

Why the hell is he giving me cupcakes?

Sigurado akong sinabi ni Lady sa kanya na tinapon ko lang ang bigay niya kahapon kaya bakit meron na naman ngayon?

I sighed and took it. Nginitian ko si Lady kahit medyo naiirita na. She also smiled at me hesitantly.

Nilapit ko ang basurahan sa akin gamit ang paa at tinapon doon ang cupcake.

Flipped - Alonso BernardinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon