6

67 4 0
                                    

--

--






"Infairness... pwede na," tumango tango si Dana pagkatapos basahin ang tulang ginawa ko para kay Alonso.

Nilapag niya ang papel sa lamesa at tinignan ulit habang kumakain. Hindi naman ako maka react at tulala lang sa pagkain.

"Pero bakit ang simple? Hindi mo manlang nilagyan ng kaunting design. It's just a white plain paper," tinignan niya harap likod ang papel ko.

"Pwede na 'yan..." walang gana kong sinabi.

Tinignan niya ako at nagtaas siya ng isang kilay. "Himala? Hindi ka yata nag effort masyado sa letter na 'to?"

Ngumuso ako, naiisip pa rin ang nakita ko kahapon. Kaya rin wala akong naging gana lagyan ng design 'yon.

Nanliit ang mga mata ni Dana sa akin. "What happened?"

I sighed when I realized she immediately knew something was up.

"Wala..."

"Lulukutin ko 'to," banta niya at hinawakan ang papel na ginawa ko.

Tinignan ko siya nang masama. But then, naisip ko ring pwede naman akong gumawa ulit nang panibago tutal hindi ko naman nilagyan ng design 'yon. Madali lang palitan. Hindi nakakapang hinayang.

Inirapan ako ni Dana nang hindi talaga ako nag salita. "Let me guess... nakita mo si Alonso with Sofia, no?"

Napatingin ako sa kanya, gulat na alam niya. She smirked.

"Nakita ko rin sila kahapon! Sabay yatang umuwi o baka may pinuntahan."

Sabay... umuwi? Magkasama rin sila noong uwian nila?

"Ano ka ba! Ganyan din naman sila dati. Friends lang 'yon," alu niya.

"What if payag na siya ngayon pumasok sa relationship at si Sofia ang gusto niyang maging first girlfriend?"

Humalakhak si Dana. "Grabe, overthinker lang?"

Hindi ako nag salita at natulala lang.

"Friends lang 'yon! Huwag ka masyadong mag isip. Ganyan din naman sila dati. Baka mag kaklase lang ulit sila ngayon kaya close ulit."

"Hey, girls! Anong pinag uusapan natin dyan?" biglang sumulpot si Rei at umupo sa tabi ko.

Kunot noo ko siyang tinignan. Sumubo siya sa pagkain niya at tinignan kaming dalawa ni Dana. Ang aga yatang natapos ng klase nito ngayon.

"Don't be so chismoso," sabi ko at inirapan siya.

He chuckled. Tinignan niya si Dana at ngumisi rito. Dana also smirked at him.

"Hulaan ko... Tungkol na naman kay Alonso?"

"Wow! Super galing mo namang mang hula!" tuwang tuwang sinabi ni Dana.

"Wow! Grabe! Tama ako?"

"Yes! Tama ka!"

Mas lalo lang akong nairita sa mga pinag sasasabi nila.

Sabay silang humagalpak sa tawa.

"Wala namang ibang bukambibig 'tong si Mara kundi si Alonso! What's new?" ani Rei.

Umirap ako.

"Oh? What's that?" hinablot ni Rei ang papel sa may tabi ng plato ni Dana.

"Hey!" agad agad kong inabot mula sa kamay niya 'yon pero mabilis niya ring naiwas.

Tinuro niya ako. "Bakit ganyan reaksyon mo? Ano 'to, ha?"

"That's mine! Pwede ba?"

Humalakhak si Dana at hindi manlang ako tulungan!

Flipped - Alonso BernardinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon