17

132 5 4
                                    

--

--








"Good morning!" bati ko kay Dana nang maabutan ko siya sa cafeteria.

She looked at me weirdly. "Good mood?"

Ngumiti ako at naupo sa harapan niya. Wala na naman siyang kasama kumain.

"Where's your friend?"

"Janice? May inaasikaso lang siyang importante at hindi naman dito nag aaral 'yon. Ikaw? Where's your cousins?"

"Raine is on the other table but she's with her friends. Tsaka hindi naman sila ang sadya ko. I have so much to tell you!" excited kong sinabi.

Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari. I was so excited telling her all that happened that I wasn't able to eat that much.

"So, maayos na agad kayo?" she asked.

"Yup! We're back to normal. Okay na sa akin 'yon. He was drunk and he doesn't know what he was doing, anyway. Sofia, too."

"That Sofia..." nanliit ang mga mata niya. "She really can't get her hands off your fiance, noh? I mean, kahit hindi ka gusto ni Alonso, ikaw pa rin ang fiance so dapat lumayo pa rin siya. She's a woman, too. How would she feel if sa kanya nangyari 'yan?"

Ngumuso ako habang tinititigan si Dana. Sa dami ng sinabi niya, isa lang yata ang narinig ko.

"Grabe ka naman sa hindi ako gusto ni Alonso."

"Bakit? Gusto ka na ba? May improvement na ba?"

"Well... may kaunting improvement na pero... I don't want to assume. But maybe he also likes me now? Oh my gosh! I don't want to think about it!"

Uminit ang pisngi ko iniisip palang 'yon. Sabi ko hindi ako mag a-assume pero ano 'tong ginagawa ko ngayon?!

"Paano mo naman nasabi? Just because he was worried that you're mad at him?"

Ngumuso ako at tumango.

"I thought you don't want to assume? Sabi mo pa baka ayaw niya lang maging awkward kayo sa isa't isa kaya inayos niya 'yang problema mo. Then, why are you assuming now?"

"Ikaw talaga. Bakit ka panira?"

"I just don't want you to hope too much. But then, malay mo..." she smirked at me.

Umiling ako at pumikit. "I don't want to think about it!"

"Grabe. Unti unti nang natutupad ang pangarap ng isang Maria Cassandra Aldama..." nanunuya niyang sinabi.

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Ayaw ko. Ayaw kong isipin. Baka kung saan pa mapunta ang pag iisip ko at talagang mag assume na ako!

Nag aayos palang ako ng gamit ko ay nakita ko na sina Erika sa labas ng classroom namin. Lumalabas na ang ilang kaklase ko. I put my bag on my shoulder and went outside holding my books that I will put in my locker before going to my practice.

"Why?" tanong ko habang inaayos ang mga books sa braso ko.

"Did you check your socials na ba?" tanong ni Erika.

Kunot noo ko siyang tinignan pero binalik din ang tingin ko sa mga libro ko dahil mabigat ang mga 'yon.

"I don't think she did. She wouldn't look like that if she did," si Aica.

"Huh? Bakit?" I finally looked at them.

Inayos ko ang buhok ko. Doon ko lang napansin ang worried na mga mukha nila. Even the people that passing by. They were all looking at me and whispering to each other. Sanay na akong pinagtitinginan at pinag uusapan pero hindi sa ganitong paraan. I immediately felt something was up.

Flipped - Alonso BernardinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon