Nagising si Isagani at Sylvia nang marinig ang away nina Esther at Don Wendelfo.
Galit na galit si Esther kay Don Mariano at mukhang tinatapon na nito ang mga pinggan dahil sa sunod sunod ang mga tunog ng pagkabasag.
Agad na nagbihis si Isagani samantalang tinaktakpan lamang ng kumot ni Sylvia ang kanyang kahubaran.
Nagkatinginan ang dalawa at agad na nagkaintindihan.
Mabilis na lumabas si Isagani mula sa silid ni Sylvia at doon ay biglang natigil ang mag asawang nag aaway.
Ni isa sakanila ay walang alam ukol sa biglaang pagdating ni Isagani. At ang mas nakakagulat pa ay galing ito sa silid ni Sylvia.
Nagkatinginan ang dalawang mag asawa at agad na huminto sa pag aaway.
Naguguluhan si Isagani ngunit agad siyang niyakap ng kanyang inang nangungulila sa kanya.
"Maligayang pag balik anak ko." Iyak nito. Mabigat ang loob ni Esther sapagkat hindi niya alam kung paano sasabihin ang buong nangyari kay Sylvia. Lingid sa kaalaman ni Esther ay alam na ni Isagani ang lahat.
"Ina, nais ko munang maka usap ang aking ama." Seryosong sabi ni Isagani.
Napailing naman ang kanyang ama.
"Mamaya mo na ako kausapin at ako'y labis na nababagabag sa iyong baliktad na damit." Ani ni Don Wendelfo. Doon napagtanto ni Isagani na baliktad nga ang kanyang damit dahil sa madaliang pag bihis niya kanina.
"Esther pabalikin mo na ang ating mga kasambahay dahil dumating na ang ating anak." Utos ni Don Wendelfo sa kanyang asawa.
Matapos non ay umakyat na sa kanyang silid si Don Wendelfo. Bumalik naman si Isagani sa silid ni Sylvia. Ang buong akala niya ay nakapagbihis na si Sylvia ngunit ito ay mahimbing na natutulog sa kama.
Mukhang pagod na pagod ang dalaga. Marami mang gustong itanong si Isagani kay Sylvia ngunit hinayaan niya nalamang itong matulog ng mahimbing.
Ipinasok ni Isagani ang mga gamit na naiwan niya sa labas kahapon. Ito pala ang dahilan kung bakit nag away ang mag asawa. Ang buong akala ni Esther ay mayroong kabit si Don Wendelfo dahil puro mga pambabae ang laman ng isang bagahe.
Napatawa na lamang si Isagani sa kapilyuhan ng kanyang Ina. Kasalukuyang nagluluto ng almusal si Esther habang si Isagani naman ay naisipan ng maligo.
Nakangiti si Isagani sa loob ng banyo sapagkat biglaan na lamang pumapasok si Sylvia sa kanyang isipan.
Hindi parin sya makapaniwalang na angkin na niya ang kanyang tinatangi at mahal din siya nito.
Mukhang timang si Isagani sa kakangiti ngunit agad din itong napalitan ng lungkot nang maalala niya ang sinapit ni Sylvia sa kamay ng Heneral.
Pagkatapos niyang magbihis ay agad na nagtungo si Isagani sa silid ng kanyang ama upang kumpirmahin ang mga bagay bagay.
Ang kanyang ama ay abala sa pag pirma ng mga dokumento at tila ba hindi naramdaman ang presensya ng kanyang anak.
"Ama." Kalmadong sabi ni Isagani. Napatingin sakanya ang kanyang amang Mayor ng Lungsod.
"Maupo ka Hijo." Ani nito. Medyo maputi na ang buhok ng kanyang ama. Mas matanda ng Isang dekada ang kanyang ama sa kanyang Ina.
Umupo si Isagani sa upuan sa gilid ng lamesa ng kanyang ama. Tila bundok ang mga papeles na nagkalat sa lamesa nito.
"Ama, bakit ka pumayag na babuyin lamang si Sylvia?" Panimula ni Isagani. Mahigpit ang pagkayukom ni Isagani sa kanyang kamay.
Huminga ng malalim si Don Wendelfo. "Para rin ito sa ikakabuti-----"
"AMA!" Galit na bulyaw ni Isagani sabay suntok sa lamesa ng kanyang ama. Hindi niya inaasahang ganito ang isasagot ng kanyang ama.
Nagulat naman si Don Wendelfo sa reaksyon ng kanyang anak. Mukhang tama nga si Esther, malalim ang nararamdaman ni Isagani kay Sylvia.
"PAANO MO NAKAYANG TIGNAN SI SYLVIA NA HALOS MAWALA NA SA TAMANG PAG IISIP?!" Nanggagalaiting sigaw ni Isagani sabay duro sakanyang ama. Nag iwas ng tingin si Don Wendelfo.
"AMA! AKO'Y LABIS NA NABIGO SA IYONG INASAL. MAS MASAHOL KAPA SA HENERAL DAHIL SA PAG LIBING MO SA KATOTOHANAN!" Hindi na napigilan ni Isagani na umiyak.
Labis siyang nasasaktan sa ginawa ng kanyang ama na tila ba nagbulag bulagan lamang sa mga nangyayari kay Sylvia.
"AMA, ANAK SIYA NG MATALIK MONG KAIBIGAN. HINDI IBA SI SYLVIA SA ATIN KAYA'T.. "Napahagulhol si Isagani.
"K-Kaya't bakit mo pinabayaan si Sylvia. Bakit mo hinayaang mangyari sa kanya iyon." Iyak nito sabay hampas ng kanyang kamay sa lamesa.
Nasasaktan si Don Wendelfo. Alam niyang mali ang kanyang nagawa ngunit alam niya ring wala siyang laban sa Heneral.
"Anak patawarin mo ako----"
"DAHIL BA DITO?!" Inis na sabi ni Isagani sabay punit sa mga dokumentong nagkalat sa lamesa.
"IPINAGPALIT MO BA ANG DANGAL NI SYLVIA PARA MAGING MAYOR NG LUNGSOD?! " Nilukot ni isagani ang isang dokumento. Hindi napigilan ni Isagani na batuhin ang kanyang ama ng nalukot na dokumento.
Hindi sumagot ang kanyang ama dahilan para manghina si Isagani.
"Ama. Pakiusap sana mali ako----"
"Patawad anak." Basag ang boses ni Don Wendelfo. Hindi niya maikakailang kailangan niya ang tulong ng Heneral upang manalo sya sa eleksyon. Inaamin niyang naging sakim siya sa kapangyarihan at hinayaan na lamang ang kababuyang ginawa ng Heneral kay Sylvia.
"Ama.." Umiiling na iyak ni Isagani. Nanghihina si Isagani at napaupo na lamang sa sahig.
Ang buong akala niya ay kasangga niya ang kanyang ama sa labang ito ngunit tila ba isa ito sa mga taong kinasusuklaman niya.
"Ako'y lubos na nagsisisi anak. Kung gusto mo ay bababa na ako sa puwesto----" Hindi nagustuhan ni Isagani ang sagot ng kanyang ama. Para sakanya, napakaduwag ng kanyang ama.
"Panindigan mo ang labang sinimulan mo ama. Hinding hindi ako aatras sa labang ito." Pagbabanta ni Isagani. Buo ang kanyang desisyon.
Pinunasan ni Isagani ang mga luha sa kanyang mukha. Puno ng galit at pagka dismaya ang puso niya.
Tumayo si Isagani at inayos ang kanyang tindig. Malamig niyang tinignan ang kanyang amang Mayor.
"Simula sa araw na ito, hindi na kita kikilanin bilang sarili kong ama. Simula sa araw na ito, ay kukunin ko na si Sylvia mula sa bahay na ito. Kaylan man ay hindi na ako babalik rito. Hindi rin kita binibigyan ng pahintulot na lumapit sa amin ni Sylvia." Buo ang loob ni Isagani.
"Simula ngayon ay pinuputol ko na ang ating koneksyon. Ikaw ay mayor at hindi ang aking ama. " Malamig na sabi ni Isagani at iniwan ang kanyang ama.
BINABASA MO ANG
A Noble's Revolt
Historical FictionAng kwentong Ito ay magsisimula sa panahong 1860. Isang batang lalaki na labing tatlong taong gulang ang nag aaral ng mabuti upang maituwid ang baluktot na sistema ng gobyerno. Nais ni Isagani na maging parte ng Konseho. Nais niyang talunin ang mga...