Kabanata IV

1 1 0
                                    

Lumipas ang dalawang taon at nakapagtapos ng ikatlong taon Si Sylvia sa Kolehiyo ng Sining.

Ilang sikat na personalidad ang naipinta ni Sylvia ngunit para sakanya, si Isagani ang pinakamagandang naipinta niya.  Ang kayang silid ay puno ng imahe ni Isagani.

Bata pa si Isagani sa mga obra ni Sylvia sapagkat hindi niya alam kung ano ang itsura ni Isagani ngayon.

Minsan ay nadadatnan ni Sylvia ang kanyang sarili na kinikilig habang nagpipinta sa napakagwapong mukha ni Isagani.

Siya ay masaya sapagkat malapit ng umuwi si Isagani. Ilang buwan na lamang at uuwi na ang kanyang minamahal.

Nais niyang magtapat sa oras na umuwi si Isagani. Buo na ang loob ni Sylvia.

Matutulog na sana si Sylvia nang bigla syang mapa isip. Hindi kaya ay mayroong nobya si Isagani sa ibang bansa? Hindi ito malabo sapagkat maraming magagandang babae sa ibang bansa. At alam niya ring ang mukha ni Isagani ay habulin ng mga babae.

Napasimangot si Sylvia. Hindi nya nais na magkaroon ng nobya si Isagani ngunit hindi nya mapigilang isipin na baka sa pag uwi ni Isagani rito ay mayroon itong kasamang dayuhang nobya.

Hindi nakatulog ng maayos si Sylvia ng gabing iyon kakaisip kay Isagani.

Kinabukasan ay ipinatawag si Sylvia ng Sekretarya ng heneral. Nais umano ng Heneral na ipinta siya kaya't agad na nagbihis si Sylvia at nagpaalam na mayroon siyang kliyenteng kikitain. Ngunit nito sinabi kay Esther kung sino.

Agad nagtungo si Sylvia sa lugar na ibinigay sakanya ng sekretarya.

Ngunit ng makarating sya roon ay laking gulat ni Sylvia nang makitang motel ang nakalagay sa harap ng estraktura.

Hindi mapigilang ni Sylvia ang sarili niyang kabahan. Alam niyang may masamang mangyayari sakanya kung papasok siya roon.

Uuwi na sana si Sylvia nang bigla siyang tinawag ng isang babae.

"Sylvia? Ako ito ang Sekretarya ng Heneral." Pakilala nito. Ang babae ay morena at matangkad. Mabait ang mukha nito kaya medyo napanatag ang loob ni Sylvia.

"Magandang araw ho." Bati ni Sylvia rito. Maganda ang sekretarya kaya medyo naiilang siya dahil maaaring ang sekretarya ay magustuhan ni Isagani.


"Kanina pa nag hihintay ang heneral sayo. Naway hindi ka na magtagal pa at kaunti lamang ang mga libreng oras ng Heneral." Nakangiting sabi nito sakanya at hinawakan ang nanlalamig na kamay ni Sylvia.


"Ngunit bakit sa lugar na ito?" Hindi mapigilang tanong ni Sylvia habang papasok sila sa loob.

"Ito ay pag aari niya. Huwag kang mag alala at ang lugar na ito ay ligtas. Isa ito sa mga lugar na maaaring pagtaguan ng heneral lalo na kung galing ito sa gyera." Paliwanag ng sekretarya sakanya. Napatango naman si Sylvia.

Alam niyang walang sino man ang mag iisip na rito magtatago ang Heneral kaya't para sakanya ay matalino ang Heneral.

Nag aalinlangan man si Sylvia ay tumuloy parin siya sapagkat may tiwala siya sa babaeng sekretarya.  Mukhang mabait naman ito at kilala din ang heneral bilang mabait na opisyal ng gobyerno.

Natatandaan nya rin ang Heneral noong bata pa lamang sya. Natatandaan nyang pumunta sila sa kaarawan nito kasama ang pamilya niya.

Pumasok ang sekretarya sa isang silid at sumunod naman si Sylvia. Nakaupo sa upuan ang Heneral na tila ba kanina pa ito nag hihintay.

Agad na nagpaumanhin si Sylvia at inilagay ang kanyang mga gamit sa lamesa.

Tumingin ang heneral sa sekretarya at tila ba sinenyasan ito. Kinabahan ng bahagya si Sylvia sapagkat ang akala niya ay iiwan siya ng sekretarya.

A Noble's Revolt Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon