Si Isagani ay kilala bilang isang matalinong bata. Sa edad nitong labing tatlo ay marunong na ito ng ibat ibang mga lenggwahe.
Nag aaral siya ng mabuti upang maging isa sa mga Konseho. Nais niyang ituwid ang baluktot na pamamahala ng gobyerno.
Anak si Isagani ng isa sa mga mayayamang pamilya sa Lungsod ng Ydellero. (A/N: Pagbasa - Idelyero)
Bumisita ang matalik na kaibigan ng kanyang ama sa araw ng kaarawan nito. Hindi ito ang unang beses na nakita ni Isagani si Don Mariano ngunit ito ang unang beses na nakita niya ang isa pang anak nito.
"Sylvia, Ito si Isagani, ang nag iisang anak ni Don Wendelfo. Isagani, ito naman si Sylvia ang aking Unica Hija." Nakangiting pakilala ni Don Mariano sa kanyang anak na si Sylvia.
Bukod tangi ang balat ni Sylvia sapagkat siya lamang maliban sa kanyang ina ang may maputing balat. Tila nagmana sa kanyang inang dayuhan si Sylvia. Iba rin ang kulay ng buhok nito, mayroon itong kulay kremang buhok.
Tila bumagal ang mundo ni Isagani nang ngumiti si Sylvia sakanya. Agad itong sinundan ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Dito napagtanto ni Isagani na tila gusto niya ang babaeng nasa harap niya.
Inilahad ni Sylvia ang kanyang kamay upang makipag kaibigan kay Isagani.
Ngunit hindi alam ni Isagani kung ano ang gagawin sapagkat hindi pa siya nagkakaroon ng kaibigan dahil hindi sya interesadong makipaglaro sa ibang bata. Libro ang matalik na kaibigan ni Isagani.
Hindi nya rin nais na lumalim ang pagkagusto niya sa babaeng ito kaya't bigla na lamang syang tumakbo palayo sakanila.
Agad na nagpaumanhin si Don Wendelfo sa matalik nitong kaibigan. Kahit ang ama ni Isagani ay hindi alam kung bakit ganoon ang inasal ng kanyang anak sapagkat kilala ito bilang mabait at masunuring anak.
Lumipas ang ilang linggo at tila hindi makalimutan ni Isagani ang nakangiting mukha ni Sylvia. Bigla na lamang sumusulpot ito sa kanyang isipan habang siya ay nagbabasa dahilan para mapangiti sya.
Agad nya namang sinasampal ang kanyang sarili sapagkat alam niyang wala syang oras para rito.
Hindi nais ni Isagani na magkaroon ng distraksyon sa buhay sapagkat nais niyang ituon ang kanyang pansin sa pag aaral at wala ng iba pa.
Seryoso si Isagani sa kanyang pag aral. Nais nitong maging isa sa mga Konseho dahil na rin sa kanyang ina na galing sa mahirap na pamilya.
Paminsan minsay ay na ku-kuwento sakanya ng kanyang ina ang mga karanasan niya sa buhay bilang isang kapos palad. Tila hindi kaya ni Isagani na maranasan ng iba ang sinapit ng kanyang ina kaya nais niyang ituwid ang baluktot na systema ng gobyerno at tanggalin ang mga buwayang opisyal.
Kinabukasan, nagbabasa si Isagani ng kanyang aklat nang biglang dumating ang pamilya ni Don Mariano.
Agad na tumayo si Isagani at lumapit sa kanyang ama. Alam ni Isagani na mali ang kanyang inasal noong nakaraan kaya nais niyang humingi ng patawad.
Alam niyang kung hindi sya hihingi ng kapatawaran ay mas masahol pa sya sa mga taong kinasusuklaman niya.
"Amigo!" Bati ng kanyang ama kay Don Mariano.
Bago pa man magsalita si Don Mariano ay agad ng nagsalita si Isagani.
"Don Mariano, ako ay lubos na humihingi ng kapatawaran sa aking hinding magandang asal noong nakaraan. Ako ay nabigla lamang." Yumuko si Isagani bilang pagpapakita na lubos syang nagsisisi sa kanyang ginawa.
Yumuko ng bahagya si Don Mariano sabay hawak sa balikat ni Isagani.
"Ako'y labis na natutuwa at pinalaki ka bilang isang kagalang galang na bata ng iyong ama ngunit kung may tao mang dapat mong hingian ng kapatawaran ay hindi ako kundi ang aking anak na si Sylvia. " Nakangiting payo ni Don Mariano.
Tila napagtanto ni Isagani ang punto ni Don Mariano kaya't agad itong yumuko sa harap ni Sylvia.
"Patawad Sylvia, Nabigla lamang ako. Lumaki akong hindi nakikipaglaro sa ibang bata kung kaya't wala akong kaibigan. Kung hindi mo ikakagalit ay nais kong maging kaibigan ka! " Buong tapang na sabi ni Isagani sabay lahad ng kanyang nanginginig na kamay.
Walang bahid ng pag aalinlangang tinanggap ito ni Sylvia. Agad naramdaman ni Isagani ang mainit nitong kamay na tila ba tinanggap siya nito ng buo.
Napangiti si Isagani, at doon nagtama muli ang kanilang mga mata. Tila nabighani si Isagani sa taglay nitong kagandahan.
"Kung ganoon ay hindi na ako mag aalalang iwanan si Sylvia rito. Naway hindi kayo mag away." Pabirong saad ni Don Mariano.
Agad nawala ang ngiti sa labi ni Isagani. Hindi ito nasabi sakanya ng kanyang ama. Napatingin si Isagani sa kanyang ama na nakangiti lamang.
"Dito muna si Sylvia sapagkat pupunta sa ibang bansa sila Don Mariano. Hindi kaya ni Sylvia ang byaheng malayo kaya't dito muna sya sa atin." Paliwanag ng kanyang ama.
Mabilis na naintindihan ni Isagani ang sitwasyon kaya agad syang bumitaw ng pangako.
"Pangako, hinding hindi ko po paiiyakin si Sylvia. Aalagaan ko po siya bilang mas nakakatanda sakanya." Pangako ni Isagani. Mas matanda ng isang taon si Isagani kaysa kay Sylvia ayon sa Ina ni Isagani. Naitanong nya kasi ito sa kanyang Ina.
"Kung ganon ay maraming salamat Isagani. Isa kang napakabuting bata. At Amigo, hindi na kami magtatagal pa at mahaba pa ang aming tatahakin." Nakangiting sagot ni Don Mariano.
Umalis na ang mga magulang ni Sylvia at pumasok na ang magulang ni Isagani sa loob ng mansyon nila.
Palubog na ang araw at silang dalawa nalang ang naiwan sa labas habang tanaw ang mga magulang ni Sylvia na palabas sa kanilang hacienda.
At doon, umiyak si Sylvia. Humagulhol ito dahilan ng pagkabigla ni Isagani.
Hindi alam ni Isagani kung ano ang gagawin kung kaya't niyakap niya ito.
Mas lalong napahagulhol si Sylvia.
"Ito ang unang beses na magkakalayo kami. Ayokong maging pabigat sa kanilang pag lakakbay. Kaya't mas pinili kong maiwan dito." Paliwanag ni Sylvia habang umiiyak.
Napangiti si Isagani habang hawak ang ulo ni Sylvia na naka sandal sa kanyang dibdib.
Tila nagpapanggap lamang si Sylvia kanina na matapang upang hindi mag alala ang kanyang mga magulang ngunit ito pala ay labis na nalulungkot sa kanilang pag alis.
Labis na humanga si Isagani sa katapangang ipinakita ni Sylvia sakanila.
Kaya't napagdesisyunan niyang aalagaan at ipagtatanggol niya si Sylvia habang sya ay nabubuhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/351355636-288-k569747.jpg)
BINABASA MO ANG
A Noble's Revolt
Historical FictionAng kwentong Ito ay magsisimula sa panahong 1860. Isang batang lalaki na labing tatlong taong gulang ang nag aaral ng mabuti upang maituwid ang baluktot na sistema ng gobyerno. Nais ni Isagani na maging parte ng Konseho. Nais niyang talunin ang mga...