Chapter 1

268 6 2
                                    

"MISTER Nobuhara, Su-i... Su-i, anong basa rito?"

"Suichirou! Su-i-chi-rou, silent 'o' 'yan. Suichirou Nobuhara."

Lihim na natatawa si Nikka sa ginagawang turuan ng pagbasa at pagbaybay ng mga kasamahan niyang part time waitresses sa nakasulat na pangalan sa isang papel. Sina Jayce at Mae. Nasa sampu silang part timer at puro babae, pero ngayon ay lilima lang sila sa opisina at hinihintay ang kinita nila sa pagse-serve ng gabing iyon. Nang maupo sila sa six-seater na lamesa ay may mga nagkalat na papel na roon, na hayun nga at binabasa ng mga ito ang nakasulat. Marahil ang nakalagay doon ay schedule ng pagdating ng mga Hapon na pagse-serve-an nila. Panay kasi ang banggit ni Jayce, na nagbabasa, ng mga date at pangalan ng mga Hapon.

Part time waitress o trainees, "arobaito" sa salitang Hapon, sila sa isang hotel sa kabilang barangay lang ng kila Nikka. Part time lang iyon dahil tuwing nagpapa-dinner lang ang may-aring Hapon ay saka lang sila nagkakatrabaho. Noong nakaraang buwan lang sila nag-umpisa roon. Kung minsan ay marami sila, ang masaklap ay minsan dalawa o tatlo lang. Puro Hapones ang pinagse-serve-an nila, dahil ayon sa floor manager nila na si Ma'am o Tita Jaja ay mga kaibigan at kasososyo o makakasosyo pa lang ng may-aring si Mister o Boss Takahiro Kobayashi ang mga bisita. Kung minsan ay naroon din ang mga teacher mula sa pag-aaring eskwelahan ni boss at mga Pilipino na gayundin, makakasama ang mga ito depende kung iimbitahin.

Napalingon si Nikka sa kasamahan niyang tumawa ng malakas. Sila na lamang ang nandoon dahil alas onse na ng gabi, kaya naman malaya silang nakakapagkuwentuhan at tawanan. "Ano ba naman 'yan? Ang hirap na nga bigkasin ng pangalan, nakakatawa pa ang apelyido. Grabe lang, ha!" tumatawa pa ring ani Rica.

"Japanese, eh," tumatawa na ring komento ni Nikka. Pati si Jona na isa rin sa kanila ay tumawa na.

Napailing lang sa kanila si Mae. "Hoy! Wala kayo d'yan, balita ko graduate ng Harvard 'yan, at saka guwapo pa."

"Eh?" bulalas ni Nikka. Hindi siya nagulat sa mga nalaman, kundi sa posibleng tama ang kasamahan niya dahil anak ito ng isa sa mga kusinera roon. Isa pa ay ate rin nito ang isa sa mga nag-interview sa kanila noong nag-aapply pa lang sila roon.

"Bukas ang dating nitong dalawang Nobuhara," imporma pa ni Jayce sa kanila.

Binalingan ni Rica si Mae. "Single?" Kumikislap ang mga mata ng dalaga na dinaig pa ang mga bituin sa langit.

Samantalang kulang na lang ay pa-ikutin ni Nikka ang mga mata sa tanong na iyon nito. Pinaka-matanda siya sa kanila. Twenty-two na siya, samantalang sina Jayce, Mae at Jona ay nineteen, eighteen lang si Rica. Nag-aaral pa ang mga ito at bakasyon samantalang siya ay graduate na sa kursong Business Management.

Kabataan talaga, uh-oh. Ang hilig sa pag-ibig, nawika na lang niya sa isip.

"'Yon lang ang hindi ko alam. Pero wala pa yata. Strict daw kasi 'yon," sagot ni Mae. Lalong ikina-kislap iyon ng mga mata ni Rica.

At mukhang gayun din nila Jayce. Halatang-halata sa mga mukha ng mga itong excited na makita ang Hapon na iyon. Tila ini-imagine na kasi ng mga ito, kanya-kanyang tulala ang paling ng mga ito.

Nikka let out a small laugh. "Baka bakla?" biro niya. Matalim na tingin ang ibinigay sa kanya ng mga ito. She raised her hands as surrender. "Joke lang."

Napalingon silang lahat sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok si Tita Jaja. "Girls, girls! Heto na ang kinita niyo ngayon," wika nito pagkapasok.

Binigyan sila nito ng tig-aapat na daang piso na suweldo, kita nila iyon kada serve. Kung tutuusin ay malaki na iyon kumpara sa mga nagtatrabaho sa mga fast food chain. Lima hanggang anim o pitong oras ang pasok nila, mula alas singko ng hapon hanggang kung anong oras ng gabi matapos ang dinner.

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon