Chapter 6

37 2 0
                                    

"WELCOME to Sampaloc Lake!" masiglang sigaw ni Nikka pagkababa ng sinakyan na tricycle.

"Where's the lake, Nikka-chan? Is this really the place?" Nang lingunin niya ang binata ay kunot ang noo nitong nakatingin sa mga kaharap na establisyemento. She giggled with his expression. Parang kiniliti rin siya ng kaguwapuhan nito ngayon. He was wearing a stripped white shirt and black pants, as usual his hair was brushed up.

Oo, natupad ang hiniling ni Suichirou na magpasama sa kanya sa San Pablo para makita ang mga lawa roon. Pumayag ang tiyuhin nito at boss niya, nag-offer pa nga ang huli ng sasama sa kanila. Ngunit tumanggi ang nagyaya dahil hindi naman daw ito presidente at kilalang tao roon para eskortan pa. Isa pa ay tiwala rin daw ito sa kanya, kaya't walang masamang mangyayari sa kanila.

Ang plano ng binata nang nagdaang araw ay maaga silang aalis, para maagang makarating sa pupuntahan. Alas siete, matapos ng agahan ang ninais nitong oras. Pagka-uwi rin niya kahapon mula sa pagseserve no'ng umaga ay ipinaalam niya iyon sa mga magulang. Natuwa ang mga ito, hindi lang sa kanya kundi pati kay Suichirou. Nagprisinta pa nga ang ama niyang ihatid sila sa sakayan ng jeep pa-San Pablo, abala ito sa auto shop kaya't hanggang doon lang.

"If we went down either this street we'll see the lake, Sui-kun." Itinuro niya ang kaliwa't kanan ng kalsada kung saan sila ibinaba ng sinakyan. Binalingan niya ang driver nang maalalang hindi pa sila nakapagbabayad, iniabot niya ang eksaktong bayad para sa kanilang dalawa. "Heto po, manong. Salamat!"

"I should have also paid for that," ani Suichirou.

"You've already paid for our jeepney fare, Sui-kun. That wasn't a big deal and amount," katwiran naman niya.

"But I'm the guy, and the one who wanted to go here," giit nito.

"Consider that as my 'thank you' for keeping me safe the whole trip."

Bahagyang umasim ang mukha nito. "The guy was trying to molest you!"

"But he wasn't able to do it because of you. Arigatou gozaimasu, Sui-kun!" Yumuko pa siya para pormal na pasalamat.

"I won't let anything happen to you. I'll always keep you safe by my side." Masuyo siyang nginitian nito. Her heart keep sinking because of him.

Dahil nga sa hindi pumayag ang binata na magkaroon sila ng kasama ay nagcommute sila. Sumakay sila ng jeep, dahil iyon ang madalas sakyan ng pamilya niya noon kapag pauwi sa San Pablo. At nakasanayan na niya. Pumayag naman ang binata.

May balat yata ang isa sa kanila sa likuran dahil may kasikipan ang nasakyan nila. Sa likod ng driver sila naupo, si Suichirou sa likod ng driver at si Nikka naman ay kasunod nito. Isang may katandaang lalaki ang naupo sa kanan niya, pilit pa siyang sinisiksik, todo pa ang likot at wari'y sinasadya siyang danggilin lalo na ang mga hita niya. Disente naman ang suot niya, tokong at fitted Polo T-shirt. Hindi siya naging komportable dahil sa ginagawa ng katabi.

Bigla ay nakipagpalit ng puwesto si Suichirou sa kanya. Inakbayan pa siya at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. Narinig niyang galit na umusal ito sa salitang Nihongo. Tila papatay ito ng tao nang tingnan niya ang mukha, marahil ay alam nito ang ginagawa ng katabi niya. Pinag-igi niya ang paghilig sa balikat nito para kalmahin ito. In no time, he was already smiling. Ang sarap ng halos dalawang oras na biyahe niya sa piling nito.

"Come, Sui-kun! I'll bring you first to my aunt's restaurant around here," excited na yakag ni Nikka.

Nang hilahin niya ito sa kamay ay panay ang ikot ng tingin nito. Halatang-halata na turista ito, lalo na nang mamangha ito pagkakita sa lawa. Pero hayun siya at feel na feel ang malambot na kamay nito. Wala sana siyang balak bitiwan iyon ngunit sandali lang ay nasa harap na sila ng Magdalene's Haven.

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon