Chapter 4

56 4 0
                                    

"KONNICHIWA!" Muntik nang mapatalon si Nikka sa narinig na pagbati. Kadarating lang niya sa dinning area ng pinagtatrabahuhan at ang alam niya ay wala pang tao roon. Sabi kasi sa kanya ng guard ay wala pa ang co-trainees niya at maaga siya. Matapos kasing maghanap ulit ng aapply-an na kompanya sa bayan ay dumiretso siya doon pagkatapos niyang sumaglit sa bahay.

"Ginulat mo naman ako!" bulalas niya sa Tagalog habang sapo ang dibdib. Nakatingin at nakangiti lang si Suichirou sa kanya, na malamang sa alamang na hindi nito naintindihan ang sinasabi niya. He was with his usual get up, like last Thursday. "What I mean is... good afternoon to you, too. You're much e-earlier than before, S-sui-kun."

Nagkibit-balikat ito. "I just wanted to talk to you, more. Anytime later your co-trainees will arrived, and I won't be able to talk to you that much just like the last two working days of last week."

Hindi niya maiwasan na mapabuntong-hininga na tila nangangarap. Iba na naman ang tibok ng puso niya sa karaniwang tibok niyon. Parang ang bagal at malakas ang tunog. Kumpara noong unang mga araw, mukhang at ease na ang pakiramdam niya. Na iisa ang dahilan ng pagbabago-bago ng lagay niyon, walang iba kundi ang guwapong Hapones na ito. Parati na itong nakangiti sa kanya, pero kapag sa iba ay kiming tugon lang.

Lunes ngayon. Ang huling dalawang araw nang nagdaang weekdays ay madalas na maaga pa para sa dinner na dumarating si Suichirou. Na natitiyempuhan na wala pa rin ang mga co-trainees niya o nagre-retouch ng make up ulit ang mga ito. Sa mga araw na iyon ay parati siya nitong kinaka-usap, o di kaya naman ay pinapanood siya sa pag-aayos ng table. Tulad na lang noong Huwebes...

Naiwan na naman si Nikka sa dinning area dahil magre-retouch na ang kanyang mga kasamahan. Sa halip na maupo ay pagtutuunan na lang niya ng pansin ang pagsasaayos ng mga kagamitan nila sa lamesa. Tumayo siya sa pagkaka-upo para pumunta sa lamesa. Ngunit napansin niya ang naglalakad sa may pool area, papunta roon.

Suichirou Nobuhara. Ang guwapo pa rin nito kahit naka-simpleng black pants, gayun din ang t-shirt na may tatak ng eskwelahan ng boss niya at leather shoes. May suot itong salamin sa mata ngunit hindi nakabawas sa tikas nito. He looks nerdy, though not the typical looks of a nerd.

Malapit na ito sa dinning area nang mag-alinlangan pa siyang batiin ito. Dahil nahihiya pa rin siya. Kung huwag na lang kaya niya batiin? Kunwari ay busy siya at hindi niya ito napansin, parang hindi naman siya kaagad nito mapapansin dahil nakatingin ito sa pool habang naglalakad. Pero kapag nakalapit na ito sa kanya ay tiyak na wala siyang ligtas.

He stood at the dinning area's entrance, still looking at the pool. Nagdesisyon na siyang kaagad na batiin ito, pagkatapos ay aayusin na nga lang niya ang mga gamit nila. "Konnichiwa! You're early again, S-sui-kun..."

Binalingan si Nikka nito. "Ah, yeah. There's nothing much to do at my room. Your co-trainees are retouching again?"

Tahimik na tumango siya.

"Why do I have this certain feeling that you don't want to talk to me? And feels like you're not really comfortable when I'm around, is that the reason? But I really wanna talk to you, and you're giving me this silent treatment. Aren't you gonna answer me?" Bahagyang nagtaas ang boses nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Pakiwari pa niya ay lalabas iyon sa lalamunan niya. Kaya naman napalunok siya. Hindi iyon dahil sa takot. Kundi gulat sa ipinupunto nito na gusto siya nitong makausap. Pero hindi puwede. Isang kahibangan, iyon ang napagtanto niya na tingin doon noong nagdaang araw. Ngunit hindi nagbabago ang nararamdaman niyang pagkabalisa at kilig kapag nasa malapit ito.

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon