Chapter 10

27 2 0
                                    

KAHIT kailan ay hindi pa nale-late sa trabaho si Nikka. Ngayon lang. Bakit? Dahil masinsinan na nag-usap ang pamilya niya, inilatag niya ang balak sa sariling buhay sa mga magulang. Ganoon din naman ang Kuya Mikey niya. Nakaplano na ang lahat. Matapos ng linggong ito'y maghahanap na siya ng stable job. Na siyempre ay para sa pag-iipon niya. At tulad ng sinabi ng kuya niya sa kanya ay mamamalagi ito sa auto shop, habang natulong doon at naghahanap ng trabaho. Ah, kayod kung kayod!

Hindi naman sila nahirapan nang walang ipinadala ang kuya niya noong isang buwan. Iyon ay dahil natugunan ng auto shop ang panggastos nila. Ngunit hindi masasabi na palaging ganoon. Paano na lang kung magkaroon ng problema? Iyon ang ikinatatakot niya.

"Nikka-chan!" tawag ni Suichirou sa kanya. Abot-mata ang ngiti nito habang pinapanood ang paglakad niya, papunta sa dining area kung saan nag-aabang ito.

Nais niyang gantihan ng kaparehas na ngiti ang nobyo. Pero hindi pa niya kaya sa ngayon. Medyo lunod pa siya sa alalahanin. Habang nakatingin siya rito ay tila timbulan ito na tutulong sa kanya upang lumutang at nakahinga.

Tinakbo niya ang pagitan nila nang malapit na siya rito. At yumakap ng mahigpit sa baywang nito nang magtagpo sila. "I miss you, Sui-kun." She meant it.

"For the first time, you're the first one between us to say 'I miss you.' I miss you, too." Niyakap rin siya nito.

Nakabaon ang mukha niya sa dibdib nito. But instead of being suffocated, she can breathe as if she wasn't being hugged by.

Gustong-gusto niya talaga ang yakap nito. Kung hindi niya maaalala na late siya ay wala siyang balak na humiwalay.

"Why are you late?" tanong nito sa kanya.

"Oo nga. Lagi ka kayang nauuna parati dumating, ateng," segunda ni Mae.

"Anyare?" si Rica.

"Labing-labing pa kayo ni Nobuhara-san pagdating mo, ha," pagbi-bitter-bitter-an ni Gladys.

Magsasalita na si Nikka nang magtanong ulit si Suichirou. "What does labing-labing means?"

Napabunghalit siya ng tawa sa tanong nito. Pati ang mga kasamahan niya ay napatawa.

"What?" clueless na anito. "I told you that I understand Tagalog, but well... not deep words."

Napalitan ng singhapan ang tawanan ng mga kasamahan niya. Lalo siyang napatawa. Alam niya kung ano ang tumatakbo sa mga utak ng co-trainees niya. Kahihiyan sa mga Tagalog na pinagsasabi sa nobyo niya noong interview-hin ng mga ito. Mga harapang pagnanasa, ah mali-paghanga at pag-aagawan pala. Haha!

"A-akala namin, N-nobuhara-san, hindi ka marunong mag-Tagalog." Nakangiwi na ani Jayce.

"I really don't know how. But I can understand," he stated.

"Nakakahiya," nakatakip sa bibig ang mga kamay na sabi naman ni Jona.

"Okay lang 'yon," aniya. Tumingin siya sa nobyo upang patotohanan nito ang sinabi.

"Yes. So what does labing-labing means?" Pag-uulit nito ng tanong kanina.

Ikinawit niya ang mga kamay sa isang braso nito at inakay sa upuan nito. "Ibig sabihin ay 'being sweet together.' Understood?"

Tumango-tango ito nang maupo. "I think I should learn how to speak the language, too."

"I'll teach you if you'd teach me Japanese," she traded.

"Why not? Sure! But one more thing, you haven't answer my first question."

Humarap siya sa lahat at yumuko. "Gomenasai," paghingi niya ng tawad. "Umuwi kasi 'yong kuya ko galing ibang bansa. Nag-usap-usap lang kami ng family."

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon