Chapter 3

61 3 0
                                    

"ALAM niyo 'yong tipo na kesyo ganito siya, ganyan daw sya. Tapos ang anu-ano niya, nakaka-in love daw talaga. Ang suwerte daw ng magiging jowa, lalo na daw ng mapapangasawa. I-e-enumerate ng unli na guwapo, mayaman, saka macho daw kasi. Tapos impit na titili sila kapag mapatingin lang 'yong lalaki na 'yon, mga kilig na kilig ang mga bruha. Akala mo, eh, pinupupog na ng halik n'ong tao. Nakakaloka! Kulang na lang maihi sa kilig ang mga baba-i-ta! Ngiting-ngiti sila. Samantalang ako ay wala man lang karea-reaksyon, eh. Ewan ko ba sa kanila," mahabang hinaing ni Nikka sa dalawang matalik na kaibigan niya. "Pinag-aagawan pa!"

Alas nuebe pa lang ng umaga ay dumadayo na siya sa bahay nina Lychie, niyaya kasi siya ni Gracie na sinang-ayunan at pinatuloy sila ng una. Isa pa ay kakapag-agahan lang nila pero hayun at tinitira nila ang isang maliit na bote ng soju na alak ng mga Koreano. Dahilan niyon ay bihira na daw sila mag-happy-happy at makapag-bonding, minsan lang daw mawalan ng trabaho ang mga ito.

Isa kasing computer programmer si Lychie at madalas talaga ay may trabaho, samantalang papasikat naman ang bakeshop ni Gracie kaya't hands on ito sa negosyo. Siya lang ang wala pang matinong trabaho sa kanilang magkakaibigan. Kaya naman hindi siya pinayagan ng mga ito na hindi sumama kahit may trabaho pa siya mamayang gabi.

"Oh, tapos?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Lychie. Naglalabas siya sa mga ito ng mga saloobin niya patungkol sa ikinikilos ng mga co-arobaitos niya simula nang dumating si Suichirou Nobuhara. Noong una kasi ay normal na ikilos ng mga ito iyon kaya't nangingiti, natatawa at naiiling pa siya. Ngunit kahapon-scratch what happened on her part, ay medyo sobra na na akala mo ay artista ang lalaki na pinag-aagawan ng mga ito na certified fan.

Ang kanina pa niyang noo na nakakunot ay mas lalo pang nagkaguhit. "Hayun, nakakainis. Nakakairita. Paulit-ulit na sila. Rinding-rindi na ko, natutulili na 'yong tainga ko. At nasisilaw na ang mga mata ko sa mga kilig na kilig nilang ngiti."

Kung sa part time job ay kulang na lang ay mapanis ang laway niya gabi-gabi dahil hindi siya nagsasalita, madalang kasi ang kumakausap sa kanya, sa harap naman ng mga kaibigan niya ay may kaingayan siya at walang hiya-hiya. Sinasabi kaagad niya ang gusto sabihin at nararamdaman, dahil komportable siya. Naipapakita rin niya ang tunay na emosyon.

Hindi ibig niyang sabihin na kapag nasa part time job siya ay nagpapaka-plastic siya. It's her individual self. Tahimik, mahiyain, parating nakasunod sa instructions, maingat, mahinhin, hindi mahilig dumaing, at mahilig din siyang ngumiti saka tumawa. Iyon siya.

"Teka, teka. Ano nga ba 'yan trabaho mo? Bakit mamayang gabi pa ang pasok mo? Tapos hanggang alas diyes o hating gabi? 'Yong totoo, umamin ka. May kababalaghan ba na nangyayari dyan?" sunud-sunod na tanong ni Gracie. Kaunti lang kasi ang naikuwento niya rito tungkol doon nang nag-umpisa siya n'ong isang buwan. Basta sabi niya ay may trabaho na siya at ang oras ng pasok niya.

"On call waitress nga ng Hapon, d'yan sa malapit na subdibisyon rito. Kapag may bisita kasi ay nagpapa-dinner 'yong may-ari. At saka, hoy! Walang kababalaghan, ano! Normal na pagse-serve na parang sa mga fast-food chain at restaurant lang din," sagot niya.

"No'ng sinabi sa 'kin 'yan ni Ate Yolly inisip ko rin na may kababalaghan," wika ni Lychie. Dito niya kasi nalaman ang tungkol sa part-time job niya, na mula sa nanay ng kaklase nila noon.

"So gano'n, sinabi mo pa rin sa 'kin no'ng nagtanong ako kahit gano'n ang naiisip mo. Luka-luka ka talaga," paninita niya rito.

"Peace tayo, friend!" Nag-peace sign pa ang babae. "Ikaw kasi goes na kahit anong trabaho, eh. Di makapaghintay sa mga pinag-apply-an sa Maynila."

Okay, Nikka was really desperate to earn money that time when she applied for the part-time job. Nahihiya na kasi siya sa kanyang magulang, at Kuya Mikey na nasa ibang bansa dahil isang taon siyang tambay sa bahay, halos mag-iisa't kalahating taon na rin siyang naghahanap ng matinong trabaho.

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon