Chapter 11

34 2 0
                                    

HINDI mapakaling naglalakad si Nikka papasok sa auto shop nila. May ilan beses din siyang napapatigil, naiisip na tumalikod kasunod ay magtatakbo pauwi ng bahay. Ngunit kasama niya ang nobyo, si Suichirou, dahil iyon ang nais ng Tatay Norman niya. Dangan lamang ay kinakabahan siya sa mga uusisain ng tatay at kapatid niya sa binata. Pero panatag naman siya na hindi ito magugulpi.

"W-why do you look so c-calm, Sui-kun?" Kababahiran ng panginginig at munting inis ang boses niya.

Why not? Relax na relax ang binata na naglalakad kung ikukumpara sa kanya na tila 'di mapaanak na pusa. Nakapamulsa sa abuhing slacks nito ang kanang kamay, ang isa ay hawak ang kanan niyang kamay na nanlalamig sa nerbyos. Plantsadong-plantsado ang suot nitong polo na itim. At sa wakas ay nakababa na ang buhok nito, hindi naman nito suot ang salamin sa mata. Tila isang boy next door na businessman ito.

"Because I'm sure my intensions regarding with you is pure and real."

Her heart feels like a newly bloomed flower that spread glitters. Then it was beating happily. Only for him. Nabahiran na ng ngiti ang mga labi niya. At kampante siyang um-abrisete sa binata.

Pagpasok nila ng auto shop ay medyo maingay roon, maliban pa sa ingay mula sa kalsada dahil nasa tabing kalsada ang shop. Mukhang ang anim nilang trabahador ay kanya-kanya ang ginagawang sasakyan. Bale anim na sasakyan ang kaya i-repair doon, medyo may kalakihan din kasi dahil napupunta roon ang iba sa mga ipinapadala ng Kuya Mikey niya. Meron din sila sa kaliwang bahagi na tindahan ng auto supplies, dalawa pang lalaki rin ang bantay doon.

"You look like you're going to meet my dad already, Nikka-chan," pambibiro ni Suichirou sa kanya.

Pinukol niya ito ng nakamamatay na tingin. Paano ba naman ay bumalik ang pagkabalisa niya! Tumigil kasi ang lahat ng ingay pagkapasok nila. Huli pa niya ang pagsungaw ng mga nagbabantay sa tindahan nila. Naglitawan naman ang mga trabahador at may kanya-kanyang hawak na kasangkapan sa trabaho. Mayroong may hawak na malaking liyabe, plais, panggupit ng kung anu-ano at iba pang gamit roon! Halata na alam na ng mga ito na darating siya kasama ang nobyo. Walang duda na sa mga ito pa lang ay kinikilatis na ang kasama niya, kapag wala na sila ay pagpupulungan ang impresyon ng mga ito. Sa pamumuno pa ng ama niya.

Bumaling siya sa isang lalaki na bata-bata lang ng konti sa kanyang ama. "Sina t-tatay at kuya, Mang Lauro?" tanong niya rito.

Hindi pa niya malalaman na nagpipigil siya ng paghinga kung hindi ginagap ng nobyo niya ang isa niyang kamay. Noon lang siya tila nagpakawala ng pinipigil na hininga. Inakay siya nito palapit sa tinanong.

"Good afternoon, sir..." bahagya pang yumukod na bati ni Suichirou kay Mang Lauro.

Bumaling siya rito. "Si Mang Lauro ang kanang kamay ni tatay rito," pagkatapos ay sa matanda naman. "Mang Lauro, nobyo ko ho."

Seryoso nitong sinuyod ng tingin ang nobyo niya, at mukha naman na pumasa ang nakita. "Dalaga na talaga ang bunso ni Norman," komento nito sa kanya.

Medyo naiilang na tumawa siya. "Mang Lauro naman, bente y dos na po ako."

"Bata-bata at bunso ka pa rin, hija." Ngiti na lang ang iginanti niya sa sinabi nito. "Nasa opisina si Norman at Mikey. Ipakilala mo muna ang kasama mo sa mga nag-popogian din na lalaki natin dito. Utos ng tatay mo 'yon, at mamaya daw ay magkakasiyahan kami. Mabuti nang kilala ng mga binata ang nobyo mo, para walang akala mo ay naligaw," dagdag pa nito.

"Ano ho? Magkakasiyahan?" Ano naman kaya ang balak ng ama niya? Hindi naman kaya ipapabugbog si Suichirou? Hala, huwag naman sana!

"Lakad na at nakapila na ang mga pogi, oh," nakangising pagtataboy sa kanila.

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon