Chapter 12

28 2 0
                                    

KALILIKO pa lang ni Nikka sa pool area ng part-time job ay tanaw na niya ang kanyang mga co-trainees na gulat na gulat sa kung ano man chika ni Mae. Minadali niyang makalapit sa mga ito nang hindi napapansin. Nang nasa likod na siya ng mga ito ay humawak siya sa balikat nina Rica at Jona, napalingon naman sina Jayce at Gladys. "Ay, anak ng kalabaw! Ano 'yon?! "Shet, Sadako!" Magkasabay na sigaw ng dalawang una.

Hindi niya pinansin ang isinigaw ng mga ito. "Anong meron? Saan galing ang chika? Parang kamangha-mangha, ah," sa halip ay usisa niya.

Tila hindi makapaniwala ang tingin ng lahat sa kanya, kumbaga para siyang tinubuan ng kung ano sa mukha. Ah, parang naging alien siya sa paningin ng mga ito. "Hindi niyo ba sasabihin sa 'kin? Tungkol saan ba?" dagdag pa niya.

Pansin niya ang pagkunot ng noo ni Mae. "Hindi mo pa alam?" tanong nito.

"As in?" si Gladys.

"Talagang-talaga?" Hindi makapaniwala sa kanya si Rica.

"Hindi sinabi ni Harvard—" Mabilis na tinakpan Jayce ang bibig ni Jona.

Palipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Wala talaga siyang alam. Clueless ang eksresyon na pinakita niya sa mga ito. "Hindi naman ako nagserve kahapon dito. Paano ko malalaman kung anong tinutukoy niyo? Wala talaga akong alam."

"Grabe, di mo talaga alam?" Tanong pa ulit ni Mae.

Si Gladys ay umabrisete naman rito, bumulong na nakarating pa rin sa pandinig niya. "Hindi sinabi sa kanya? Bakit kaya?"

Lumapit din sa dalawa si Rica at nakibulong. "Baka hindi rin niya alam? Kasi 'di ba kaninang umaga mo lang narinig, Mae?"

Naki-umpok din sina Jayce at Jona. "Kaya nga pati 'tong si Gladys ay hindi alam," si Jayce.

"O baka naman, alam pero ayaw lang sabihin sa kanya," huli na ngang nagsalita si Jona ay negatibo pa.

Hindi na pinansin ni Nikka ang pagpapalitan ng mga ito ng sinasabi. Paano ay palipat-lipat na lang ang tingin niya sa mga ito. At isa pa ay bali-baliktarin man niya ang utak niya ay wala talaga siyang ideya. She even got scared dahil nabanggit ni Jona si Suichirou. Is her boyfriend hiding something from her? Pero kasama niya ang binata kahapon at mukha naman walang inililihim.

"Teka, teka. Sandali lang," awat niya sa kanyang mga co-trainees, na patuloy ng pagbibigayan ng kanya-kanyang hinuha. Naiwang bukas ang bunganga ng mga ito, saka bumaling sa kanya. "Ano ba talaga ang pinag-uusapan niyo? Parang napaka-big deal naman, pero todo usap kayo. Tapos nabanggit pa si Suichirou. Bawal ko ba malaman?" Wika pa niya.

Sabay-sabay na nag-ilingan ang mga ito. "So, ano na nga ang chika niyo?"

Kanya-kanyang turuan at tulakan pa ang mga ito bago nagsalita si Mae, na siyang nakasagap ng balita. "Kasi, ano... kasi d-dadating daw 'yong ama ni N-nobuhara-san bukas. Hindi ba niya nabanggit sa 'yo? Magkasama kayo kahapon, 'di ba?"

Tinakasan yata ng kulay ang mukha niya. Akala niya ay matagal pa bago niya makita ang ama ng nobyo. Hindi siya handa, pero ano pa bang magagawa niya? Ang tanging kumakapit sa natitirang lakas ng loob niya ay kaalaman na lalaban sila ni Suichirou. Ng magkasama kung hadlangan ang relasyon nila. Pero bakit nga hindi nasabi ng binata sa kanya ang nalaman niya ngayon?

"Hindi, eh. Wala pa ba si Suichirou?" Medyo nanamlay ang boses niya sa nalaman, maging ang itsura niya nang hindi makita ang hinahanap sa upuan nito.

"Wala pa. Nga pala narinig ko lang kaninang umaga kina Sir Mike at Tita Jaja 'yon—"

"Ang pagdating ng isa pang Nobuhara?" Napalingon sila kay Tita Jaja na kadarating lang doon. Bumaling ito sa kanya. "Kayo ni Nobuhara-san, ha. Saan kayo galing? Anong nangyari? Lasing daw sabi ng guard kagabi. Biglang susugod ang ama rito bukas, ikakasal na ba kayo? Ang bilis mo, Nikka!"

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon