Chapter 16

33 2 0
                                    

HAPON na. Ang dami at kung anu-ano na ang nagawa ni Nikka ngunit hindi pa rin mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. Ni hindi makikitaan ng tanda ng pagkapagod ang mukha niya. Wala kahit simpleng pagkunot ng noo. She really feel wonderful. Why not? Iyon na ang araw na pinaka-hinihintay niya. Blessing at opening day ng Magdalene's Haven Calamba branch. All her hard work's gonna be paid off.

Kahit pa noong nagdaang weekend ay busy na siya kasama ang mga pinsan niya. Matapos kasi ng meeting nila kasama ang staff ay ip-in-romote na nila ang Magdalene's. They've been giving flyers, made a page on facebook and shared it to everyone. Everything seems successful. Hindi pa humuhupa ang customer na pumapasok magmula kaninang umaga. Maliban pa roon ang mga kakilala, pamilya't kaibigan nila.

"Blezilda, saan table ang humihingi nitong tubig inumin?" tanong ni Nikka sa isa sa mga babaeng crew nila. Agad na kukunin sana nito ang hawak niyang tray ng pitsel ng tubig at mga baso.

"Ako na, kaya ko na 'to. Magserve ka na lang sa ibang customer," sa halip ay utos niya rito.

"Pero, ma'am, kanina pa ho kayo nagse-serve. Tubig lang naman po iyan at kaya ko na," giit pa nito.

"Exactly, tubig lang naman. Kaya ko na rin 'to. Now go!" Inginuso pa niya ang isang crew na magse-serve upang wag na siyang pakialaman nito.

Napapakamot sa ulo na lang ito nang tumalikod. "Ang sipag talaga ni ma'am."

Mahinang natawa siya sa bulong nito na nakaabot pa rin sa pandinig niya. Lahat ay inasikaso na niya, ang blessing, pag-entertain sa customers, tumulong siya sa pagluluto, paghuhugas ng pinagkainan at pagse-serve. Tanging tanghalian lang siya panandalian napirmi, pagkatapos ay muling lumarga.

Tinawag ulit niya si Blezilda nang maalalang hindi niya alam kunga saan dadalhin ang tubig. "Wait! Saang table ito?"

"Doon po sa table ng mga galing pa po yata ng trabaho," turo nito sa may 'di kalayuang table sa kanila.

"Sige." Nginitian niya ito bago mabilis na pumunta sa naturang lamesa.

Labis ang pagkagulat ni Nikka sa grupong umuokupa sa lamesa. Akala niya ay nakalimutan na ng isa sa pitong lalaki roon ang espesyal na araw na iyon para sa kanya. Tuloy-tuloy na sana ang pagtatampo niya rito, pero paano pa mangyayari iyon kung sinurpresa siya nito? Mahal na mahal talaga siya nito.

Matapos ilapag ang dala sa lamesa ay kaagad siyang yumakap at humalik sa ng lalaki. "Kuya Mikey! Grabe ka, akala ko hindi mo na naalala. You went to work and didn't congratulate me before going. Ang mean mo!" kunwari'y pagtatampo pa rin niya.

Pinag-igi pa nito ang pagkakangisi. "Gano'n talaga, little sis. Pa-pogi lang ng konti."

"Sus!" Pabirong sinakal niya ito. Na ikinatawa ng mga kasama nito sa lamesa.

He faked getting choke. "Pasalamat ka at isinama ko ang mga katrabaho ko. Baka kasi wala kang customer!" panunukso pa nito.

Inirapan lang niya ito.

"Pare, ang ganda pala ng kapatid mo. Bakit hindi mo man lang kami ipinapakilala?" Sabat ng isa sa mga katrabaho nito. Kinantiyawan ang sumabat ng mga kasama. Tipid na ngumiti lang siya.

"Mora, gusto mo ba na murahin kita? Off limits ang kapatid ko. Ayoko nang masaktan 'to," wika ng kapatid niya habang gagap ang mga kamay niyang nakasakal pa rin dito.

Sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay natahimik at nawala ang mga ngiti niya. Ngayon lang ipinahalata ng kapatid niya ang pagiging protective nito sa kanya. At nasabi naman nito kung bakit gayon na lang ito sa kanya. Dahil sa nakaraang relasyon niya.

Ah, hindi dapat niya iyon alalahanin ngayon. She need to be full of good vibes. Malas sa negosyo ang negatibong pakiramdam. Ibinalik niya ang ngiti sa mga labi.

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon