Chapter 17

108 2 2
                                    

NGAYON alam na ni Suichirou kung gaano ang hirap sa trabaho noon ng nobya na si Nikka. Wala na sa isip niya kung naka-ilang pabalik-balik siya sa kusina at dinning area. Inihahanda pa lang niya ang mga gamit para sa nalalapit na hapunan, kasama ang nobya at pamilya nito. Hindi pa niya naayos ang lamesa, at nadekorasyunan ang paligid. Huli sa priority niya ang sarili.

Ibinaba niya kaagad ang mga bitbit. Hinihingal na dumampot at nagbukas siya ng bottled mineral water mula sa cooler. Ilang lagok lang ay naubos niya iyon.

"Puwede naman na kami na ang mag-ayos ng mga lamesa, Nobuhara-san," narinig niyang alok sa kanya. Si Jaja iyon, ang noon ay nag-asikaso sa kanila ng tiyuhin niya. Nasa tabi nito si Gladys.

Pinapanood lang siya ng dalawa dahil ayaw niyang tulungan siya ng mga ito. They've done a lot for him since then. Kaya naman tumangi siya ngayon. Sa halip ay sinabing... "I'll be fine. You should prepare, too. Both of you are free to join the dinner, also Hasegawa-san."

"Ang kaso marami pa kayong gagawin, Nobuhara-san. I-set ang area sa gusto niyong ayos, maligo at magpaguwapo. Paano na kung kulay ube pa ang may pisngi ninyo?" animo pansesermon ni Gladys sa kanya. Alam na nito na nagpunta siya nang nagdaang gabi sa restaurant, nawala ang pagkadismaya nito sa pag-aakalang wala siyang balak magpakita sa kaibigan nito. Ngayon ay sinusuportahan siya nito sa inihahanda niya.

Umiling siya para sana muling tumanggi. Ngunit matigas din ang dalaga.

"At least let these part timers help. Kanina pa kayong umaga lumalakad," suhestiyon pa nito. Hanggang ngayon ay nakuha pa rin kasi ang hotel ng part timers.

Tama ito. Nagmamadaling umalis si Suichirou ng mansyon matapos ang umagahan. Unang gawain niya para sa araw na iyon ay personal na imbitahan ang pamilya ng nobya. Kaya naman karay-karay si Hasegawa ay nagtungo sila sa bahay ng dalaga. He threw all his inhibitions, and man up.

Gulat na gulat, at galit na galit ang Nanay Nita na ina ni Nikka nang makita siya. Pinagsarhan pa siya nito ng pintuan. Nagmakaawa siyang pagbuksan nito, pero hindi natinag ang ginang. Wala na siyang nagawa kundi isalaysay ang lahat kaharap ang pinto, na hindi nagbukas o umawang man lang. Noong una ay nakatayo at panay ang marahang pagkatok niya habang nagsasalita. Hanggang sa unti-unti matapos ay nahahapong sumalampak na siya sa sahig at sumandal sa pinto.

Tatayo na sana siya at uulitin ang lahat-lahat, pero bumukas na ang pinto. "Totoo ba talaga ang lahat ng sinabi mo?" Sa klase ng pagtatanong ng ginang ay malapit na itong maniwala.

Nang um-oo siya ay tango ang naging sagot sa kanya, at paanyaya na kumbinsihin niya ang kabiyak nito. Lumuwag ang paghinga niya nang sinamahan pa siya nito. Two to go.

Walang ideya si Suichirou kung alam ng mga mekaniko sa auto shop ang mga nangyari. Ngunit sapat nang senyales na "oo" ang pagtaas ng isang kilay ng mga ito, maging ang ilang masasamang tingin sa kanya. Saka na niya kukuhanin muli ang loob ng mga ito. Dahil ang ama ng nobya ang pakay niya kanina. At masuwerte siyang seryoso na pinakiharapan, maging pinakinggan siya nito. And he was serious as hell pursuing them, too.

Hindi niya alam kung paano pasasalamatan ang Tatay Norman ni Nikka nang pinaunlakan nito ang pang-iimbita niya para sa hapunan. "Nadismaya ako sa 'yo noon, pero aaminin ko na naging maganda ang mga nangyari sa nakalipas na ilang taon. Kaya binibigyan kita ng pangalawang pagkakataon, 'wag mo sanang sayangin at wala nang kasunod pa. Iyon ay dahil hahabulin na talaga kita dala ang pinaka-malaking liyabe. Naiintindihan mo?"

Fully well he understood every word.

Huli sa destinasyon ni Suichirou ay si Mikey Illano, ang kuya ni Nikka. Mukhang nakikiayon sa kanya ang oras dahil break time ng binata pagdating niya sa trabaho nito. Nakiusap sila ni Hasegawa sa guard na makapasok at makita ang pakay, ngunit pinagbawalan sila. Hintayin na lamang daw nila sa istasyon ng guard. Di nagtagal ay nagkaharap sila.

My Love, HarvardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon