"San ka galing?" tila walang emosyon si Lucius. Tumayo naman ang balahibo ni Eli kasi first time niya na makita na ganito si Lucius.
"A-ah. Diyan lang nag lalakad lakad." sagot naman ni Eli.
"Wala kang kasama? hindi mo manlang ako hinintay. " Umupo si Lucius at tinap ng daliri niya ang lamesa.
"Ano kasi-" nahihirapan si Eli na mag explain. Hindi niya alam kung san sisimulan. Hindi siya makahinga sa tension.
"Nevermind." putol ni Lucius. Nakasimangot ito.
Di man lang ako hinintay, naka kilala pa tuloy ng bagong lalaki arghh! isip isip niya.
"May mensahe po kayo!" napalingon si Eli sa nag salita. May mga maid sa labas. Inabot nila ang isang envelope kay Eli.
Binuksan naman ni Eli ito. Naglalaman ito ng invitation sa isang ball.
Itatapon sana ito ni Eli pero naisipan niya na what if umattend sya. It's good to create alliance. Para if dumating ang destruction, may card pa siya.
"L-lucius let's go." Saad ni Eli.
"Alright." tipid na sagot nito.
Bumalik si Eli at Lucius sa mansion nila. Naghanap si Eli ng susuotin pero parang wala siyang makitang simple lang.
Maya maya ay dumating si Violet.
"Nagpadala po si Prinsipe Theodore ng susuotin nyo." inabot ni Eli ang isang box.
Nakasimangot naman si Lucius na umalis. Lumabas muna siya para mag pa hangin.
Bakit kaya nag padala iyon? bakit hindi nya asikasuhin si Lily? What a weirdo.
"Ipadala mo iyan kay Lily." sagot ni Eli na ikinagulat ni Violet.
"Po? Pero para sa inyo po iyan."
Ngumiti lang si Eli kaya inasikaso na ni Violet ang utos sa kaniya.
Sa kabilang banda, tuwang tuwa naman si Lily sa ibinigay sa kaniyang regalo na akala niya ay para sa kaniya.
Humanda silang lahat, ako ang pinaka maganda ngayong gabi. Isip niya na may ngisi sa labi.
Lalo ka na Eli, humanda ka aagawin ko lahat ng pag mamay ari mo.
"Violet nasan si Lucius?" tanong ni Eli kay Violet na abala sa pag aayos ng kwarto niya.
"Hindi ko po alam e, hanggang ngayon po e hindi parin bumabalik" Sagot naman nito.
Matapos ayusin ni Violet ay lumabas muna siya.
Natulala saglit si Eli, nag iisip siya kung anong gagawin niya para makahanap siya ng mga kakampi. Para kapag dumating ang araw na p*p*t*yin siya ng mga lalaki ni Lily ay may mga cards pa siya.
Hmm.. I think the King and Queen. Pero paano? ugh!
Nakahiga lamang si Eli, bukas na ang ball pero wala parin siyang partner at susuotin. Tinatamad naman siya maghanap dahil hindi niya gusto ang magarang damit. Ayaw nya ng attention ng mga tao.
Tapos mukhang galit pa si Lucius, tss. Problema ba non.
" Ikulong niyo siya!" pamilyar na sigaw ng isang lalaki.
" Parang awa nyo na po wag, hindi ko po sinasadya." sagot nito na ikinabahala ni Eli.
Dumagundong ang puso niya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Si VIOLET!
Dali dali siyang tumayo mula sa higaan niya. Naka sando pa nga siya pero hindi na niya inisip yon. Nakakuyom ang kamao niyang tumakbo.
"STOP!" sigaw ni Eli.
Napalingon pa silang lahat kay Eli. Lalo na si Theo nanlaki pa ang mata nito ng makita si Eli sa suot niya.
Si Eli, Theo, Lily, Mga guwardiya at ang Aunt ni Lily ang nasa loob ng mansion na iyon. Too much pressure para kay Violet lalo na ng makita nyang galit si Eli. Ang kalmado at mabait na si Eli ay nakakatakot ngayon.
Lalo na ng makita ni Eli ang dugo sa mukha ni Violet.
D*mn! Gagawin kong impyerno ang buhay nyong lahat! Isip ni Eli.
Creating allies we're no longer her priority. Gusto na lang niyang pahirapan silang lahat. She will make them suffer bago pa nila siya unahan.

YOU ARE READING
I was reincarnated as a Kontrabida in another world
RomancePROLOGUE Pagka gising ko nasa ibang lugar na ako at isa pala akong kontrabida sa isang istorya ng mga bida. Eh ano naman? Love story? Ewww, never pumasok sa isip ko unless babae ang magiging partner ko. Kidding! Galit na galit itong mga lalaki sakin...